Agad naman akong naligo at namili ng damit, sakto ang pagbisita ni Annie dito sa bahay.
"Annie! Thank heavens at dumating ka! Ano ba magandang damit? Etong black? O etong puti?" Para akong batang di makapili ng damit jeez.
"Saan lakad mo?"
"May date ako" nakangiting sabi ko.
"Ummm. Mas bagay sayo tong puti, nag mmukha ka kasing bad boy kapag naka itim ka" sabay abot sakin ng puting polo.
"Thankyou" sabay yakap sa kanya.
Agad ko namang sinuot yung polo, lumapit siya sakin at inayos ang kwelyo ko, inayos ang buhok ko tsaka siniguro niya na malinis ako.
"Oh ayan! Pogi kna" sabi ni Annie.
"Salamat talaga" nakangiting sabi ko.
Nagpabango na ako at nagsapatos tsaka ko sinundo si Elisha. Minutes past at nakarating na ako kay sa bahay nila, bago ako kumatok huminga muna ako ng malalim at tinignan ko kung maayos ako.
*ding dong*
Binuksan na ni Elisha yung gate and she looks stunning on her pink and white dress.
"Hi" masiglang bati niya.
"Hi, let's go?"
"Sure"
Agad ko naman siyang inalalayan papunta sa kotse ko at nagdrive na ako.
"Gusto mo magkape?" I asked.
"Yes" she politely replied.
"Do you like books?"
"Medyo"
I stopped the car and went inside the coffee shop.
"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"I'll have White Chocolate Mocha Frappuccino" sagot niya.
"I'll have Double Chocolaty Chip Créme Frappuccino and White Chocolate Mocha Frappuccino" I ordered
"Grande please" pahabol ko.
"May gusto ka bang kainin?" Bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Okay na ako sa kape" nginitian niya ako.
Naalala ko bigla yung sinabi ni Gleamin. "Tandaan mo simple siya pero kakaiba. . ." Naisipan ko bigla na dalhin si Elisha mamaya sa mga tindahan ng street foods.
Kinalabit niya ako at may inaabot siyang pera "Ah lexis, ito nga pala yung bayad ko sa kape"
"No need! Libre ko to" saka ko inabot pabalik yung pera sa kanya.
"Thankyou"
Take a deep breathe Lexis, relax kaya mo to. Just hang out with her pagkatapos tanungin mo siya kung pwede manligaw, simple as that.
Kaya mo to Lexis! Hinga lang nang malalim and be yourself malay mo diba? May mga pagkakapareho kayo.
I cleared my throat "Nagka boyfriend ka na ba?"
Tumingin siya sakin na may halong pagka gulat "Ah. Never pa"
"Ikaw nagka girlfriend ka na?"
"Hindi pa" mabilis na sagot ko.
Nag stay muna kami sa coffee shop at nagkwentuhan, we talked a lot of things hanggang sa napunta kami sa mga banda.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...