CHAPTER 17

14 0 0
                                    

Lexis's POV

"Magtanda kna" sabi ni Annie.

"Tama na okay?! Tama na. Ako na mali" sigaw ko.

"Lexis! Kailan ka ba babalik sa dati?! Yung mabait, yung hindi trouble maker" sabi niya.

"Di na ako yung dating Lexis na nakilala mo" galit na sabi ko.

"Gleamin, itigil mo yung kotse" utos niya.

Agad siyang bumaba ng kotse, syempre sinundan ko siya. Hinila ko yung braso niya.

"Ano ba kasing problema?!" Tanong niya.

"Wala!" Sigaw ko.

"Wala?! Pero nagkakaganyan ka?!" Tanong niya.

"Stop acting like my mom! Like you care!"

Bigla na lang niya akong sinampal, di ko talaga alam kung bat ko nasabi yun.

"DI KO NAMAN PINAPANTAYAN YUNG MOMMY MO E! NANDITO AKO BILANG BESTFRIEND MO! TANGINA LEXIS! BASURA LANG PALA TINGIN MO SAKIN" Sigaw niya

Naguilty ako bigla sa ginawa ko, di ako sanay na nakikitang umiiyak yung bestfriend ko.

"Annie, I'm sorry"

"Yan ka naman sa sorry mo!" Sabay takbo palayo.

"Annie, wait lang!" Sigaw ko.

Hinabol ko siya pero mabilis siyang nawala, shit ano ba tong nagawa ko? Yung kaisa-isang tao na nagmamalasakit sakin nasaktan ko. Ang gago ko sobra, nakakainis.

"Bro, puntahan mo kaya si Annie?" Sabi ni Gleamin.

"Di rin naman nya ako kakausapin e" nanghihinayang na sabi ko.

Umakyat na lang muna ako sa kwarto ko at natulog, maya maya ay nagising ko sa ingay ng phone ko.

"Hello?" Tanong ko.

"Lexis? Si Adrian to. Yung nakilala mo sa school" sagot nito.

"Ah. Bakit?" Tanong ko.

"Interesado ka ba sa drag racing?"

"Legal ba yan?"

"Sorry pero ano e-"

"Sige ppunta ako"

Sa balcony na ako dumaan dahil baka makita ako ng mga kasambahay namin, pagbaba ko mula sa puno ay nasa gate pala si Gleamin.

"San ka ppunta?" Tanong niya.

"Magpapahangin lang ako"

"Sige, bahala ka"

Agad akong umalis at pumunta dun.

"Sorry di ko na dinala yung kotse ko" paliwanag ko.

"Wala kang dapat ipaliwanag, libre kang pumili ng kotse dito" sabi ni Adrian.

Nagsimula na yung race, nakataya dito ang isang libo na pera ko. Habang nasa kalagitnaan ng race, may mga pulis na nakisali. Sa dulo nung street, na-corner kami ng mga pulis.

"Wag na kayong magtangkang tumakas, sumama na kayo ng maayos at walang mangyayaring gulo dito"

Bumaba kami ng kotse at sumama ng maayos sa mga pulis, yung iba nakatakas yung iba hindi. Kasama si Adrian sa nahuli, madalas na pala siya sa presinto. Nagsidatingan na yung mga magulang ng mga kasama ko pero si daddy wala parin, isa isa ng nagsisi-alisan yung mga kasama kong nahuli. Ako at si Adrian nlng ang natitira, pinasok muna kami sa kulungan.

"Pre, sorry ah? Nadamay ka pa" sabi ni Adrian.

"Wala yun" sagot ko.

"Wala bang ppunta sayo dito?"

"Wala ata e, hayaan mo na"

Nagpalipas ako ng gabi sa loob ng kulungan, di ako sanay sa lugar na ganito di ako masyadong nakatulog ng maayos dahil mainit at malamok.

kinabukasan...

"Grier! Bangon! Laya kna" narinig kong sigaw nung pulis.

Tumayo na ako agad at lumabas, nagpaalam na ako kay Adrian. Nakita ko si Daddy at Gleamin sa pinto, dumiretcho na ako sa kotse.

"What the hell Lexis?! Kelan kpa natuto mag-drag racing?!" Sigaw ni Daddy.

"Nung nasa America pa tayo, buti pa dun swerte ako pero dito hindi tsk" sagot ko.

"Ano bang nangyayari sayo?! Ano bang problema?!"

"Wala"

"Wala? Then what are you thinking?"

"Pwede bang umuwi na tayo? Pagod na ako"

Nagdrive na pauwi si daddy at dumiretso na ako sa kwarto ko. My god ugh! Ano ba tong ginagawa ko bwesit.

"Kuya?"

Pumasok si Sophie sa kwarto ko.

"Hey"

"Where were you last night?"

"Ah. Nakitulog lang ako sa friend ko"

"Imissyou" sabi niya sabay yakap sakin.

"Imissyou too baby girl"

Pina-stay ko muna siya sa room ko para manuod ng cartoons, medyo gumaan narin yung loob ko. Naalala ko bigla yung nangyari samin ni Annie, nabagabag ako bigla. Gusto kong makabawi kay Annie, sa lahat ng sakit na binigay ko sa kanya. Pinakuha ko na si Sophie kay Gleamin dahil gusto ko na rin magpahinga, naligo muna ako pagkatapos ay nagpahinga na ako.

Once a Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon