Lexis's POV
This is it Lexis. Nakahanda na ang lahat ng gamit ko papuntang Leyte, nakahanda narin lahat ng plano ko. Eto na ang pinakahihintay mo Lexis! Malapit na maging kayo! Konting oras nlng ang hihintayin mo. Pumunta na ako sa bahay nila Elisha at nagpaalam narin ako sa mommy niya na ipapasyal ko lang sa Leyte si Elisha.
"Naka book na ba yung flight natin?" Tanong niya.
"Private plane ang sasakyan natin" sagot ko.
"Ha? Seryoso? Mag bus nlng tayo. Please?" Pagmamakaawa niya.
Gusto ko man tumanggi pero di ko naman pwedeng sirain to, pero paano yung directions? Tinanong ko siya kung alam niya yung daan papuntang Leyte at agad naman siyang tumango. No choice ako kaya nagpahatid kami sa bus station at bumili ng bus ticket. Nagtawag na yung konduktor na aalis na ang bus at agad naman akong hinila ni Elisha papasok, umupo ako sa may bandang bintana at umandar na ang bus.
"First time kong sumakay ng bus" natatawang sabi ko.
"Di nga? First time mo? So ibig mong sabihin di ka pa nakakakita ng bukid? Kalabaw? Kambing?" Sunod sunod na tanong niya.
"Nakakita na ako! Di lang talaga ako sumasakay ng bus noon" agad na sagot ko.
Oo. First time ko palang sumakay ng bus, di rin naman kasi ako sumasama sa field trip noon kasi sabi ni mommy delikado kung sasama pa ako tsaka lagi kaming naka private car kapag ppunta kami ng province, and maganda rin pala sumakay ng bus kasi nakikita mo yung mga magagandang tanawin. Masyado akong nawili sa mga bukid na nakikita ko hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala si Elisha,kaya ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko at natulog narin ako.
Nagising ako dahil may yumuyugyog sakin, inadjust ko ang paningin ko at nakita kong nakatayo na si Elisha kaya tumayo na rin ako. Bumaba na kami ng bus at nag unat unat muna ako ng braso, sabi niya na lalakad pa kami papuntang pier. Perfect timing naman ang paglalakad namin kasi may chance na akong makita ng malapitan ang mga bukid, baka at marami pa. Bigla akong hinila ni Elisha at nagsimula kaming tumakbo.
"Bat tayo tumatakbo?" Tanong ko.
"Baka maiwan na tayo ng barko" agad naman na sagot niya.
Nagmadali kaming tumakbo baka kasi maiwan kami ng barko, napansin ko na hindi na humahabol si Elisha sa pagtakbo kaya nilingon ko na siya. Nakita ko siyang naka upo at nakahawak sa paa niya, agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Pumasan kna sa sakin" alok ko.
"Sigurado ka?" Medyo nag-aalangan pa siya pero pumasan naman siya agad. Agad na akong tumakbo papunta sa barko at inupo ko muna si Elisha sa isang upuan, agad ko namang hinilot ang paa niya.
"Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Di na masyado. Salamat" nakangiting sagot niya.
Inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko at pinulupot niya ang mga kamay niya sa braso ko, di ko mapigilang ngumiti. Hintay lang Lexis magging parte narin siya ng buhay mo, konting tiis na lang.
"Ang ganda dba?" Sabi niya sabay turo sa dagat.
"Yeah. It's so beautiful" habang nakatitig sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin sakin at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, namula ang pisngi niya at nagbaba siya ng tingin. Inipit ko ng daliri ko ang baba niya at inangat uli ang mukha niya sakin, binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa ilong at isinandal uli ang ulo niya sa balikat ko.
Dumating na kami sa destinasyon namin, sumakay pa kami ng tricycle para makarating sa beach. Namiss ko tong lugar na to, dito kami madalas magbakasyon nila daddy noon. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa rest house namin para makapagpahinga na siya.
"Magpahinga ka muna, tatawagin nlng kita kapag ready na ang dinner natin" sabi ko.
Agad naman siyang tumango at lumabas na ako ng bahay, nagpatulong ako sa mga kakilala namin dito na mag-ayos ng dinner date para samin ni Elisha. Malapit sa dagat kami nag set-up para kita mo ang ganda ng buwan at para romantic dba? Nang maayos na ang lahat nagpalit na ako ng swimming trunks at sinundo ko na si Elisha.
"Ready na ang pagkain" sabi ko.
"Mag sswimming tayo?" Tanong niya.
"Gusto mo ba?" Mabilis naman siyang tumango at lumabas ba ako ng kwarto para makapagbihis siya, maya maya lumabas na siya at di ko napigilang mapatitig sa kanya. She's so perfect! Huminga ako ng malalim at nginitian ko siya, ikinawit niya ang mga kamay niya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad lakad.
"Ganda dito noh?" Tanong ko sa kanya.
"Sobrang ganda" sabay ngiti sakin.
"Parang ikaw"
Tumawa lang siya sa sinabi ko at ginulo gulo niya ang buhok ko, mga ilang minuto din kami naglakad lakad hanggang sa dinala ko na siya sa lamesa namin. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan, pagkatapos nun sinayaw ko siya.
"Thankyou" nakangiting sabi niya.
"Happy 19th birthday, my princess" sabay halik sa noo niya.
Hinila ko siya papuntang pampang, kinuha ko yung kwintas sa bulsa ko tsaka lumuhod sa harap niya. Di ko na papalagpasin to, di na ako magsasayang ng oras, di na talaga ako makakapaghintay sa ibang araw at sa tingin ko handa narin naman ako.
"L-lexis anong meron?" Gulat na tanong niya.
"I think this is the perfect time to ask you this question. Will you be my girlfriend?" Tanong ko sa kanya sabay abot ng kwintas.
"O-oo!" Masayang sabi niya at sinuot ko na ang kwintas sa kanya. Di ko rin napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa nangyari, sobrang saya ko. "GIRLFRIEND KO NA SIYA!" Sigaw ko habang tumatakbo at sinisipa-sipa ang buhangin.
Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya, kung alam niya lang ang sayang nararamdaman ko ngayon! Pinapangako ko hindi niya pagsisisihan na minahal niya ako, di ko magsasawang mahalin siya.
"Elisha! Thankyou! I love you! I love you! I love you so much my princess!" Sabay yakap sa kanya.
"I love you too" sabi niya at ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ko.
Isinayaw ko siya pero nanatili kami sa ganung posisyon "Pinapangako ko sayo na mamahalin at aalagaan kita, nakikita ko na ang future natin"
"Ipangako mo sa akin na ako lang at walang iba"
"I promise. Mahal ko" sabay halik sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...