Elisha's POV
Bat ganun? Ang tahimik nya, kahapon pa siyang walang imik.
"Elisha" may tumawag mula sa likod ko.
Napatayo ako bigla sa kina-uupuan ko, akala ko di na ako guguluhin ni Ivan mali pala ako. Sa totoo lang, konti na lang masasapak ko na siya. Anon bang meron ako at di niya ako matigil tigilan? Ugh! Ayoko sa kanyaaaa!
"Diba sabi ko tigilan mo na ako?!" Galit na sigaw ko.
"Just one more chance, please" he pleaded.
"Chance? Bat kasi ayaw mo na lang tanggapin yung fact na ayaw ko sayo. Simple lang" sagot ko.
"Di ako titgil, mapapasakin ka din" banta niya.
Huh? Takot ako sa kanya. Gwapo sana siya e, kaso mayabang higit sa lahat ang hangin. Feeling nya alam niya lahat, nakaka asar! Bat pa kasi siya nagpakita sakin!
"Hoy, okay ka lang? Nababaliw ka na ata e" sigaw ni Rhea.
"Uh, rhea? Nandito ko na pala" medyo nagulat ako nung nakita ko siya.
"Yea, miss me?" sabi niya.
Kakambal ni Lowie si Rhea. Buti nga may balak pang bumalik yun e, akala namin tuluyan nya na kaming iniwan. Dapat magttransfer siya sa ibang sa school, yun pala hindi natuloy. Pumasok na si Lexis sa room pero tahimik pa rin siya, gusto siyang yayain ni lowie magbasketball ang kaso baka hindi siya pumayag.
"Lexis, masama ba pakiramdam mo? Kahapon ka pa walang imik" di ko napigilan ang sarili ko at lumapit na sa kanya.
"Yes" matamlay nyang sagot.
"Pero yung labi mo... M-may sugat" sabi ko.
Pupunasan ko sana yung dugo sa labi nya nang bigla nyang hawakan yung kamay ko. Hindi ko alam kung kasali ba to sa fraternity or gang pero grabe yung sugat nya sa bibig, hindi lang basta sugat yun.
"Don't" seryosong sabi niya at agad nyang binitawan yung kamay ko.
Bat ba siya nagkakaganito? Sa bagay di naman kami ganun kaclose kaya wala akong alam sa buhay niya. Free time namin, dumungaw kami nila Abbie at Rhea sa plant box at nakita namin may nagsusuntukan. Teka? Shit! Si Ivan tsaka si Lexis yun! Tumakbo kami agad para puntahan sila, nauna na si lowie dun pero di niya maawat. Duguan na si Lexis pero hinahayaan lang nya na bugbugin siya ni Ivan, biglang tumakbo si Gleamin sa kanila at sinuntok si Ivan agad namang tinulungan ni Lowie si Lexis tumayo. Babawi na sana nang suntok si Ivan kay Gleamin nang bigla kong harangin, napatigilan bigla si Ivan.
"Nababaliw ka na ba?! Kakalipat pa lang nang mga yan sinisiga mo na?! Wala kang kwentang tao" sigaw ko, mukha atang napahiya siya sa harap ng madaming tao.
Agad naming pinunta sa clinic si Lexis, humingi ako nang alcohol at bulak para gamutin yung mga sugat nya.
"Be, sa labas na lang muna kami" sabi ni Rhea.
Habang ginagamot ko yung sugat niya hinawakan niya yung kamay ko pero agad naman nya tong binitawan. Maya maya ay pumatak na tubig sa kamay ko
"Mahapdi ba?" Tanong ko.
Di siya umimik, patuloy na tumulo yung luha nya. Bigla nlng siya umiyak, dinantay ko na lang yung ulo niya sa balikat ko para pakalmahin at para patahanin siya. Tapos ko na magamot yung sugat nya, nilagyan ko na rin nang band aid. Sabi ng nurse pagpahingain ko daw muna siya sa clinic, agad naman akong lumabas para sabihin na okay na siya.
"Gleamin, hintayin mo na lang na palabasin siya nang nurse" sabi ko.
Iniwan na namin sila Gleamin sa clinic, nakita naming tumatakbo papalapit samin si Lowie.
"Dudes, kailangan yung statement nyo sa guidance" sabi ni lowie.
"Pero di namin nakita yung away, di namin alam kung sino nagsimula" sabi ni Abbie.
"Oo nga Lowie" pagmamataray ni Rhea.
Ako na lang pumunta sa guidance mag-isa, para matahimik na si Ivan at tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na sabi ni Ivan.
"Mam, di ko alam kung sino yung nagsimula. Pero dapat si Ivan yung parusahan, wala na ngang laban yung tao sa kanya pero pilit parin nyang nilalabanan" mariin na sabi ko.
"Di mo naman pala nakita e, bat ka pa nagsalita?" Inis na sabi ni Ivan.
Hindi ko na lang siya pinansin, tumuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag about sa nangyari. Napaka yabang kasi, nakita na nga nyang walang laban yung tao sa kanya pinapatulan parin nya. Napaka walang kwentang tao.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...