CHAPTER 8

15 1 0
                                    

Lexis's POV

Kainis! Bat ko hinayaan na bugbugin nya lang ako! Ugh, ang sakit ng tagiliran ko, ang tanga tanga ko talaga.

"Bat hinayaan mo lang na gawin nya sayo yun?" Tanong ni Gleamin.

"Hindi ko rin alam" sagot ko.

Di ko talaga alam kung bakit di ako makalaban kanina, dahil narin ata sa galit na nararamdaman ko. Gusto ko na lang mamatay, di ko na alam gagawin sa buhay ko masyado na akong nababaliw. Nakarating na kami sa bahay, pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Walang pasok bukas kaya makakapag pahinga ako ng matagal, matutulog na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Lexis, may bisita ka sa baba" sabi ni manang.

"Paakyatin nyo na lang po dito" sabi ko.

Tumayo na ako at nagpalit agad ng damit, di ko pa nasusuot yung damit ko nang may pumasok sa kwarto ko.

"Uh. Okay ka na b-" naputol bigla yung salita niya.

Pagkalingon ko, si Elisha yun. Shit! Agad kong sinuot yung damit ko, napatalikod siya sa nakita nya. Di ko naman sinasadya e, malay ko bang papasok siya bigla.

"Hey, you can look now" sabi ko.

"Uh, pumunta ako dito para tignan kung okay ka na pero sa tingin ko okay ka naman na" nahihiyang sabi nya.

"Gusto mo bang mag dinner ka na lang dito, kung okay lang sa parents mo" tanong ko.

"Hala? Wag na, mauna na ako. Tinignan ko lang talaga kung okay ka na, sige bye" nagmamadaling sabi niya.

Lumabas na siya agad ng kwarto ko at tumakbo na siya sa baba, di ko natiis ang sarili ko. Kinuha ko yung susi ng kotse at hinabol ko siya.

"Wait! Hatid na kita" sabi ko.

"Wag na" sabi niya.

"Wag ka nang mahiya, nag abala kang pumunta dito tapos papabayaan lang kita" sabi ko sa kanya.

Wala na syang choice kaya sumakay na siya, ang awkward sa loob ng sasakyan.

"Pano mo nga pala nalaman yung bahay ko?" Tanong ko.

"Sinabi sakin ni Gleamin" sagot nya.

Lokong gleamin yun, nag abala pa nang ibang tao. Minutes past, nakarating na kami sa bahay niya.

"Bye, salamat sa paghatid. Ingat ka" nakangiting sabi niya.

Agad naman akong umalis, finally! Meron na isang taong nagmamalasakit sakin. Ang sarap sa feeling na kahit hindi kami ganun ka close, sinikap nyang tanungin yung kalagayan ko. Di muna ako dumiretcho sa bahay, nagkape muna ako sa starbucks tsaka naglakad lakad sa parke. Gusto ko lang muna makapag isip-isip, maya maya ay napagdesisyunan kong umuwi na. Mga 12o'clock na ako nakauwi, pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig nang biglang may batang babae sa gilid ko. Nagulat at natakot ako, sa pagkaka alam ko wala nang ibang bata sa bahay namin.

"You're it!" Sabi niya.

"Pano ka nakapasok dito? Sino ka?" Tanong ko.

"My daddy brought me here" sagot nya.

"Who?" I asked.

"Him!" Sagot nya, sabay turo sa likuran ko.

Si daddy? May kapatid akong iba? Napakunot yung ulo ko, lakas talaga nang loob nya! Pagkatapos nang lahat?! Gagawin pa talaga nya to?!

"Dad?!" Galit na sabi ko.

"Baby, go to my room muna ha? Kakausapin ko lang yung big brother mo" sabi niya sa bata.

Agad naman sumunod yung bata sa kanya.

"Explain this shit dad!" Sigaw ko.

"Anak, I'm sorry" sabi niya.

"Sorry? Sorry?! Sinong nanay nyan?! Yung kabit mo?!" Galit na tanong ko.

"Oo, yung kasama ko sa office ko" sagot nya.

"Bat na sayo yung bata?!" Tanong ko.

"Cause I have no choi-" pinutol ko yung salita nya.

"No choice?! Dad marami kang choice!" Sigaw ko.

"I have no choice dahil namatay yung mommy nya sa car accident!" Sigaw nya.

Bumalik lahat yung ala ala ko sa pagwala ni mommy. Tumulo bigla yung luha ko, di ko siya matignan sa mata. Naiinis ako sa kanya!

"Anong pangalan nya?" Mahinahon na tanong ko.

"Sophie" sagot nya.

Tumango na lang ako at dumiretcho na ako sa kwarto ko. God! I want to kill him right now! Naawa ako sa kapatid ko! 5 years old pa lang siya! Nawalan na siyang ng nanay! Limang taon narin pala ako pinaglilihiman ng tatay ko! It's been 5 years simula namatay ang mommy ko! Kakamatay pa lang ng mommy ko niloloko na pala niya agad! Mga ilang oras din ako gising bago ako tuluyan nakatulog.

Once a Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon