Lexis's POV
Kinuha ko na ang white long sleeve ko at agad na sumakay sa kotse. After 2 years, eto na! Graduation na. Ang bilis ng panahon. "Dude! Excited ka na?" Masayang tanong ni Gleamin. "Hell yeah! Oo naman" nakangiting sabi ko. Ang tagal ko yatang hinintay to.
Sakto pagdating namin, nagstart na ang ceremony. Isa-isa nang tinawag ang mga estudyante at isa-isa nang nag-akyatan.
"Lexis Grier" sabi sa stage.
Tumayo na ako at umakyat ng stage. Matapos nang graduation, dumiretso kami ng restaurant kasama si Elisha at ang mama niya. Libre naman ni daddy kaya walang problema.
"Elisha" tawag ko sabay halik sa kanya.
"Congrats" masayang sabi niya.
"Sayo din"
Nag-paalam ako sa mama niya kung pwede ko bang ilabas muna si Elisha. Pumayag naman ang mommy niya. May surpresa akong nakahanda para sa kanya. Sumakay na kami ng kotse at nagdrive na ako, tinatanong niya kung saan kami pupunta pero ayokong sirain ang surpresa.
"Hotel?" Tanong niya.
"Just wait" nakangiting sabi ko.
Agad na kaming pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto namin. Nang nasa harap na kami ng pinto, pinirigan ko ang mga mata niya tsaka ko binuksan yung pinto "Lexis, ano bang meron?" Kinakabahan na tanong niya. Tinanggal ko na ang piring niya at hinalikan siya sa noo.
"L-lexis" gulat na sabi niya.
"Sabi ko babawi ako sayo kasi wala akong nabigay sayo nung 3 years natin. Belated Happy 3 years my princess" nakangiting sabi ko.
Inupo ko siya at kumain na kami. Tinititigan ko siya habang kumain, yun naman lagi kong ginagawa kapag kumakain kami. Ang swerte swerte ko talaga sa kanya. Mabait, matalino, malambing, at higit sa lahat dyosa. "Thankyou" sabi niya. "Anything for my princess" nakangiting sabi ko.
Tumayo ako at inabot ang aking kamay sa kanya. "May I have this dance?" Sabi ko. Agad naman siyang tumayo at inabot ang kamay niya. Sinayaw ko siya ng dahan dahan at dinama ang bawat sayaw namin.
"Lexis" mahinang sabi niya at kinagat niya ang pang ibabang labi niya.
"Bakit?" Tanong ko.
Inilapit niya ang mukha niya at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya at agad na binawi ang labi ko. "Elisha..." Seryosong sabi ko. Tumango siya at binalik ko ang labi ko sa kanya. Binuhat ko siya papuntang kama at hiniga siya. Hiniwalay ko ang labi ko sa kanya at tinitigan ang mukha niya, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya. Isang dyosa ang nasa harap ko ngayon.
Elisha's POV
Hiniga niya ako sa kama at hinalikan sa labi. Tinanggal niya ang damit niya at kinulong niya ako sa mga kamay niya. "I love you" sabi niya. "I love you too" sabi ko bago niya ako hinalikan uli sa labi. Ang alam ko na lang sa mga sumunod na eksena ay may nangyari samin.
Nagising ako ng matamaan ng araw ang mga mata ko. Inadjust ko ang paningin ko at nakita ko sa tabi ko si Lexis na mahimbing na natutulog. Hinawi ko ang mga maliliit na hibla ng buhok niya na nakatakip sa mukha niya. "Goodmorning, my princess" sabi niya nang mamulat niya ang mga mata niya. "Goodmorning mahal ko" sabi ko at binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa ilong. Bumangon na siya at nag-unat, agad kong kinuha ang damit ko at nagbihis. Dumiretso na ako ng kusina para magluto.
Lexis's POV
Dumiretso ako ng cr para mag shower. Napapikit na lang ako dahil sa mga nangyari, natatakot ako na baka pagsisihan namin to sa huli.
"Hmm... Ang bango naman niyan" sabi ko pagkalabas ko ng cr. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Pagkatapos natin kumain tapos ihahatid na kita sa inyo" pahabol ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin nang mapansin niyang kabado ako magsalita. "Elisha... Natatakot ako... N...na baka pagsisihan natin tong ginawa natin sa huli.." Sabi ko at nagbaba ako ng tingin.
Paano kung mabuntis ko siya? Twenty two years old palang kami at ayoko muna mangyari yun. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko dahil ako ang gumagawa ng desisyon sa buhay ko. Ayokong masira ang buhay ni Elisha dahil lang sa pagkakamali na nagawa namin. "Lexis..." Mahinang sabi niya.
"E-elisha.. I'm so sorry" sabi ko. Humarap siya sakin at sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko "Wala kang dapat ihingi ng tawad. Wala kang kasalan. Desisyon nating dalawa yun" sabi niya na para bang pilit niyang tinatanggal ang alinlangan na nararamdaman ko.
Hinalikan ko siya sa noo at pinilit kong ngumiti. "I love you so much my princess" sabi ko sa kanya. "I love you too mahal ko" sabi niya at lalo niyang binaon ang mukha niya sa dibdib ko.
Nagdasal ako ng mahina at umaasa na sana maging ayos ang lahat. Pagkatapos namin kumain, hinatid ko na siya sa bahay nila at dumiretso na ako sa bahay. "Oh? Bat bagsak ata mukha mo?" Bungad sakin ni Gleamin.
"May nangyari samin" habang nakahawak ako sa batok ko.
"Really?!" Gulat na tanong niya.
"Bro... Alam kong mali yun pero ginawa ko parin. Imagine, kung mabuntis ko siya dba? Paano?" Nalilitong sabi ko. I am so stupid. Ako yung lalaki pero di ko man lang napigil yung sarili ko. Dapat nagpaka matured ako at di nagpadala sa emosyon ko.
Umakyat ako ng kwarto at binagsak ang katawan ko sa kama. Pinilit kong kalimutan muna ang nangyari. Relax Lexis, walang mangyayaring masama. I grab my phone and dialed her number.
"Hey?" Sabi ko.
"Lexis. Alam kong hindi ka okay" bakas sa kanya ang pag-aalala.
"Yeah... Okay ka lang ba? Nahihilo? Naduduwal?" Nag-aalala parin ako.
"Hindi naman. Wag ka na mag-alala Lexis. Walang mangyayari, at kung meron man. Hindi ko pagsisihan iyon. Magkasama tayong lalaban sa lahat ng problema natin" lakas loob na sabi niya.
Nawala ang pag-aalala ko sa mga sinabi niya at di ko ring mapigilan na ngumiti. Tama siya, sabay kami lalaban sa kahit anong problemang darating sa amin "Tama ka. Wala akong dapat ipag-alala. Ano man ang mangyari, sabay nating haharapin yun" masayang sabi ko sa kanya.
Ibinaba ko na ang telepono at ipinahinga ang katawan ko. Di ko maiwasang maisip ang future namin ni Elisha. Di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti habang naiimagine na may anak na kami. Pinapangako ko na kung ano man ang mangyayari hindi ko pagsisihan yun.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
CasualeIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...