CHAPTER 29

4 0 0
                                    

Nagising ako ng alas dos ng umaga, nagutom ako bigla. Naisipan kong tawagan si Lexis para samahan akong kumain.

Nag ring muna ng ilang beses at tsaka niya sinagot "Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Nagising ba kita?" Tanong ko.

"Hindi naman. Bakit ka napatawag?"

"Nagugutom kasi ako" nahihiyang sabi ko.

"Anong gusto mo? Hintayin mo ako dyan, bibilhan lang kita" agad na sabi niya.

"Hala. Wag na. Samahan mo na lang ako, kain nlng tayo" aya ko sa kanya.

Pumayag naman siya at agad na akong nagbihis. Bumaba na ako agad at hinintay ko siya sa labas ng gate, maya maya ay dumating na siya. Agad naman niya akong inalalayan papasok ng kotse.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sakin.

"Gusto ko ng fries, sundae at pizza" mabilis na sagot ko.

Tumango nlng siya at nagpatuloy sa pag drive, maya maya pinark na niya ang kotse at pumasok na kami sa kainan.

Nag-order na agad si Lexis ng makakain namin "Dalawang large fries at dalawang sundae" agad na sabi niya. Ewan ko kung bat naglaway na ako bigla. Ang hirap talaga kapag meron ka, lagi ka nlng gutom.

Naghanap na kami ng mauupuan at umupo na. Kinalat ko agad yung fries sa tray at kumain na. Ugh! Ang sarap! Lalo na pag may sinawsaw sa sundae! Heaven! Pero feeling ko di parin sapat to, feeling ko gugutumin parin ako. Napansin ko na tahimik si Lexis at naalala ko bigla yung daddy niya.

"Kamusta na pala yung daddy mo?" Binasag ko ang katahimikan.

"Di parin siya gumigising eh" walang emosyon na sabi niya.

"Magtiwala ka lang kay God" nakangiting sabi ko.

Pagkatapos ko sabihin yun, ngumiti na siya. Kumuha ako ng fries at isinubo yun sa kanya. Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto bago kami pumunta ng bahay.

"Gusto mo ng kape?" Tanong ko sa kanya.

"Sure" agad na sagot niya.

Agad nman akong pumunta ng kusina at pinagtimpla siya ng kape. Sabi niya di daw muna siya uuwi, sasaglit lang daw muna siya dito sa bahay. Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko kaya agad akong humarap.

"Lexis ano ba" natatawang sabi ko.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi at hinalikan ko naman siya pabalik. Automatic na pumulupot ang kamay ko sa leeg niya. Nang matauhan ako, hiniwalay ko ang labi ko sa kanya.

"Ano ka ba. Baka makita tayo ni mommy" sabi ko at pabirong hinampas siya sa dibdib.

"Sorry" natatawang sabi niya at binigyan uli niya ako ng mabilis na halik sa labi.

Inabot ko na sa kanya yung kape at nagkwentuhan muna kami sa sala. Maya maya nagpaalam na siya at umalis na. Nararamdaman ko parin ang labi niya sa labi ko, di naman ako nagsisisi na humalik ako pabalik sa kanya.




Lexis's POV

Pagka ring palang ng bell, mabilis na akong lumabas ng room at dumiretso sa room ni Elisha. Excited na ako umuwi kasi ngayong araw na lalabas si daddy ng ospital, di na ako makapaghintay na makita siya.

"Okay ka lang Lexis?" Tanong sakin ni Elisha.

"Oo naman. Masaya lang ako kasi lalabas na si daddy ng ospital" masayang sabi ko sa kanya.

Agad na kaming sumakay ng kotse at hinatid ko na siya sa bahay nila. "Mag-iingat ka ah? I love you" sabi niya habang nakasilip pa sa bintana ng kotse ko. I nooded my head at nginitian ko siya "I love you too" at agad na akong nagdrive papunta sa bahay.

Pagkadating ko, nakita ko agad si daddy na nilalaro si Sophie habang naka upo sa wheel chair sa living room. Agad akong pumunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigit, ngayon ko lang uli siya nayakap ng ganto.

"Lexis" kalmadong sabi niya.

"Dad! Sorry sa lahat. Sa lahat lahat ng kasalanan ko" naiiyak na sabi ko.

Tumawa siya at tinapik tapik ang likod ko. "Hayaan mo na yun anak" Parang gusto ko nlng yakapin siya magdamag. Namiss ko ang tatay ko, yung taong inidulo ko at kinagalitan ko noon.

"Kamusta na yung tuhod mo dad?" Tanong ko.

"Okay na yung tuhod ko pero nahihirapan pa ako maglakad" mabilis na sagot niya.

"Bilisan nyo magpagaling ha? Kasi aattend pa kayo sa graduation ko" masayang sabi ko.

Tumango lang siya. Niyakap ko uli siya bago ako umakyat sa kwarto ko. Agad akong bumagsak sa kama at nakahinga ako ng maluwag. Okay na ang daddy ko, at siguro buo na rin ako. Buong buo na ako.

Sa kalagitnaan ng gabi, nagising ako. Bumaba ako para kumuha ng tubig. Nakita ko si Gleamim at Daddy sa living room.

"Di pa kayo matutulog?" Tanong ko.

"Gusto mo bang uminom?" Tanong sakin ni daddy.

Ngumiti at tumango ako. Naglabas si Gleamin ng beer at nag-inuman kaming tatlo. Sarap pala sa feeling na maka-bonding mo uli yung daddy mo noh? Ang gaan gaan lang sa feeling.

"Kamusta kna anak?" Tanong niya sakin.

"Diba dapat ako nagtatanong nyan sa inyo?" Natatawang sabi ko.

"Nako. Tito. Yang anak mo may prinsesa na" sabi ni Gleamin habang tumatawa.

"Baka pagka graduate niyo kasal na ah?" Pabirong sabi ni daddy.

Kasal? Seriously? "Jesus Christ Dad! Hell no! Gusto ko may stable muna kaming trabaho" agad na depensa ko. "Nagbibiro lang ako" natatawang sabi niya.

Natanong din sakin ni Dad kung si Elisha na ba ang balak kong gawing asawa and I answered yes. Inaamin ko, madaming nanlalandi sakin pero ni-isa sa kanila hindi ko naging girlfriend. Ni-mafall nga wala eh.

"Anak. Sorry sa lahat" seryosong sabi niya.

"Dad... Pinatawad na kita noon pa" sabi ko.

Oo. Pinapatawad ko na siya. Kinalimutan ko na lahat ng ginawa niya. Di naman pala ganun kahirap magpatawad. Madali lang kung tatanggapin mo ang realidad.

"Matulog na tayo" aya ko.

"Medyo late na rin pala" sabi ni daddy habang nakatingin sa orasan.

Tumayo na ako at nagsimula nang magligpit pagkatapos nun inakyat ko na si daddy sa kwarto niya. "Anak, salamat" nakangiting sabi niya. "Wala po yun" sabi ko bago ako lumabas ng kwarto.

Dumiretso na ako agad sa kwarto ko at kinuha ang diary ko. Yes, I owned a diary. Di naman siguro nakakabakla yun diba?

I'm so happy na naka-uwi na si Dad dito sa bahay. Kumpleto na ako. Buo na ako. Thank God at walang nangyaring masama kay daddy. Pinapangako ko na hindi ko na hindi na ako magiging selfish, susubukan ko nang intindihin ang mga bagay bagay.

Once a Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon