Ivan's POV
"Mr. Alcantara, pinatawag ko na yung magulang mo. Sana naman magtanda kna" sabi ni Mrs. Lopez
Shit, sana wag yung daddy ko yung pumunta. Di naman kasi mangyayari to kung hindi nya nilandi si Elisha, gusto ko pang sapakin yung mukha niya!
"Ivan" may tumawag sakin sa likod.
"Dad?" Gulat na sabi ko.
Lagot na ako. Binigyan ko nanaman nang sakit ng ulo si dad. Shit! Yari na! Napasubsob na lang yung mukha ko sa palad ko dahil sa takot din na mapapagalitan nanaman ako.
"Buti naman at nandito na yung daddy mo, yari ka" asar sakin ni Elisha.
"Wala ka nang pake dun, di parin kita susukuan" sabi ko.
Nagsimula nang mag usap si daddy at si Mrs. Lopez, ano kayang parusa ang ibibigay nila sakin? Nagphone na lang muna ako para di ako mainip, maya maya ay may humablot ng phone ko. Napatayo ako at si daddy pala yun.
"Alam mo ba yung ginawa mo?" Seryosong tanong ni daddy.
Tumango na lang ako, ayoko nang painitin lalo ulo ni daddy. Bat kasi siya pa tinagawan e! Dapat si mommy na lang!
"Sir, suspension for two weeks. Sapat na siguro yun para desiplinahin nyo ang anak nyo" sabi ni Mam.
Buti na lang suspend lang ang inabot ko! Nakahinga ako nang maluwag, pero may halong takot parin. Kasi alam ko na kahit suspend lang yung pinarusa sakin, magagalit parin yung daddy ko.
"Ivan, ayusin mo na yung gamit mo. Uuwi na tayo" sabi ni daddy.
"Mauna kna, susunod na lang ako"
Pinauwi na kami, inayos ko na yung gamit ko. Palabas na ako sa guidance nang biglang may sumuntok sa mukha ko, napaluhod ako sa sakit.
"Arrghhh-" sigaw ko.
Napatigil ako, babawi na sana ako nang suntok. Babae pala yung sumuntok sakin, kitang kita sa mukha nya yung galit na nararamdaman nya.
"Para kay Lexis yan" sabay lakad papalayo.
What the? Nalasahan ko yung dugo sa labi ko, ang sakit. Agad kong pinunasan yung labi ko at pumunta na ako nang kotse. "Sana hindi ako mapagalitan sa bahay" bulong ko sa sarili ko. Hanggang makarating sa bahay, walang imik si daddy hanggang sa lumapat yung kamao nya sa mukha ko.
"Daddy!" Sigaw ng mom ko.
"Umpisa pa lang nang sem! Gumawa ka na agad ng gulo! Ano bang kailangan namin gawin para umayos ka?" Sigaw ng daddy ko.
Napadura na lang ako dahil sa sakit, Damn! Ngayon lang ako nasaktan ni daddy nang ganun. Dalawang sapak inabot ko ngayong araw, kainis! Tumakbo na lang ako sa kwarto ko, wala naman akong magagawa e. Lalo lang akong masasaktan ni daddy.
"Ivan, halika dito. Gamutin ko sugat mo" aya ni mommy.
Agad naman akong lumapit, para di na rin kumirot yung sugat ko.
"Di ko naman sinasadya e, naunahan lang ako ng selos ko. Sorry" pagpapaliwanag ko.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry, parte ng buhay yan" sabi ni mommy.
Mga ilang minuto din kami nagusap ni mommy, binigyan nya rin ako ng mga advice. Nagsorry din ako kay daddy, dahil ako din naman may kasalanan. Ang hindi lang mawala wala sa isip ko ay yung babaeng sumuntok sakin, mas mukha pa siyang lalaki kesa kay Lexis. Ang sakit parin ng labi ko dahil sa kanya, that fvckn girl.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...