Elisha's POV
Nagising ako ng mga ala una ng umaga, tulog na si mommy. Tinawagan ko si Abbie and luckily gising pa siya at di siya makatulog.
"Abbie, ghost hunt tayo?" Nakangiting sabi ko.
"Aha? Nabasa mo isipan ko bitch" masayang sabi niya.
Agad akong nagbihis at kinuha yung jacket ko, nagsulat ako ng note at iniwan yun sa lamesa in case lang na magising si mommy at hanapin ko. Lumabas na ako ng bahay at tinext ko si Abbie na magkita sa abandonado at nasunog na bahay, sinubukan kong tawagan si Rhea at sabi niya susunod daw siya. Nagpphone ako ng biglang may nang gulat sa likuran ko, jeez! Si abbie lang pala yun.
"Jeez! Papatayin mo ako sa takot e!" Sigaw ko.
"Wag kang maingay!" Sagot nya sabay takip sa bibig ko.
Pumasok na kami sa loob at nagsimulang maglibot, kinikilabutan ako. Maya maya ay biglang humangin ng malamig at napayakap ako kay Abbie, nakikita ko sa kanya na natatakot din siya. Pumunta kami sa kwarto at mas lalo akong natakot nung nakita ko yung malaking painting, pamilyar sakin yung mukha. Nagtaka ako bigla kung bakit may gamit pa dito, sa pagkakaalam ko nasunog tong bahay na to. Nagulat kami ni abbie nang magvibrate yung phone ko, nagtext na si Rhea na nsa pintuan na daw siya. Kaya pinuntahan muna namin siya ni Abbie.
" Ano bang trip nyong dalawa?" Tanong ni Rhea.
"Bakit ba nasunog tong bahay nato?" Lakas loob kong sinabi.
"Hays. Dun tayo sa kwarto" aya ni Rhea.
"Nakikita nyo ba yang painting na yan? Siya ang may-ari nito" pahabol nya.
Nagsimula nang magkwento si Rhea.
"10 years ago, may nakatirang mag lolo dito. Si Mr. Elizalde ang may-ari ng bahay na to, kasama nya nakatira dito ang 18yrs old na apo nyang babae at 16yrs old na lalaki. Masaya sila noon, pero nagbago ang lolo nila simula nung namatay yung lola nila. Naging mahigpit ang lolo nila at lagi silang sinasaktan, lagi ring umiinom si Mr. Elizalde hanggang sa tuluyan na siyang nabaliw. Binaril nya si Aaron ang apo niyang lalaki, at ginahasa niya si Sandra habang natutulog at tsaka nya pinatay. Lahat ng nsa bahay na yun ay pinatay nya, hanggang sa napag desisyunan nya na sunugin ang bahay at kasama siya dun sa mga namatay. Sinunog muna niya ang bahay bago niya sinunong ang sarili niya"
Nagulat ako sa mga narinig ko, hindi ko akalain na may mga ganung klase pa pala ng mga tao. Natakot kami ni Abbie nang may marinig kaming tumakbo sa hallway nung bahay, di namin alam kung narinig ba ni Rhea yun o hindi. Biglang tumayo si Rhea at nagsalita.
"Uhh, narinig nyo ba yun? Malamang si Aaron na yun" pananakot nya.
"D-di nga?" Sabi namin ni Abbie.
"Tara na, umuwi na tayo" aya nya.
Malapit na kami sa pinto nang biglang sumara ito. Kinilabutan na talaga kami ni Abbie, di ko na talaga alam gagawin ko.
"Ito na nga ba sinasabi ko e" sabi ni Rhea.
"Umuwi na tayoooooo!" Sigaw namin ni Abbie.
"Tsk. Tara na. Wag na kayong matakot" sabi niya.
Binuksan na ni Rhea yung pinto at tumakbo na kmi agad sa labas.
"Ayoko na bumalik diyan!" Sabi ni Abbie.
"Mauna na ako, umuwi na rin kayo baka makakita pa kayo ng multo diyan" pananakot ni Rhea.
Sumabay na kami kay Rhea at naglakad na pauwi, di ko makakalimutan tong gabi na to. Nakakatakot pero napaka gandang experience, naghiwa-hiwalay na kami. Tumakbo na ako agad papunta sa bahay namin, dumiretcho ako agad sa kwarto ko. Alas tres pa lang nun, nakahiga na ako sa kama pero di parin talaga ako makatulog dahil nakakarinig ako ng kung ano anong tunog. Kaya pumunta na lang ako sa kwarto ni mommy.
"Mom?" Sabi ko.
"Oh? Bat di kpa nattulog?" Tanong nya.
"Di ako makatulog" sagot ko.
Agad naman nya akong pinahiga sa kama nya at nagdasal muna ako bago matulog. Di ko alam kung tulog na ba ako nun o hindi, dahil bigla na lang ako napunta sa pamilyar na lugar. Nandun ako sa abandonadong bahay pero maganda at maayos pa to, nakita ko yung lalake sa portrait na naglalakad sa hallway. May hinalikan siyang babae pero biglang naglaho yung babae at bigla ring nagbago ang paligid. Naging nakakatakot ang paligid, at nakita ko yung lalaki na binaril yung batang lalaki na nattulog. Nagulat ako sa nakita ko, sumunod nun ay lumipat siya ng kwarto ginahasa nya yung babae. Napatakip ako sa bibig ko, at biglang umapoy yung paligid at tumitig sakin yung lalaki at bigla akong sinakal. Biglang naputol yun at nagising ako, napa upo ako at nakita ko sa tabi ko si mommy. Jeez, nanaginip lang pala ako. Pero ayoko nang napanaginipan ko, damn. Buti talaga nagising ako, sana di na maulit to! Ayoko na!
"Okay ka lang anak?" Tanong ni mommy.
"It's just nightmare mom" sagot ko.
"Halika na sa baba, kumain ka at uminom ka ng tubig" aya ni mommy.
Agad naman akong tumayo at sumunod kay mommy sa baba, I hate nightmares.
"Nag ghost hunt nanaman kayo noh?" Tanong ni mommy.
"Opo, sorry" sagot ko.
Can't help it, masyado kaming na-ccurious ni Abbie, sana kasing tapang na lang kami ni Rhea. Buti pa siya, wala lang siyang pake. Sana di na talaga to maulit.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...