Lexis's POV
"Excited ka na ba sa graduation?" Nakangiting tanong ko kay Elisha habang naglalakad kami sa carnival.
"Oo naman" masayang sabi niya.
"Anong gagawin mo kapag naka-graduate na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ummm. I'll start a small business"
Business eh? Mas maganda siguro kung naging arkitekto na lang din siya, pwede kami maging partner kesa sa business kailangan mo muna magkandarapa para magkaroon ng business partners.
Hinila ako ni Elisha papunta sa roller coaster ride. Napalunok na lang ako bigla, kasi may trauma pa ako sa last ride namin. "Sakay tayo!" Sabi niya habang hila hila parin ang kamay ko. I don't have any choice, do I? Binigyan ko lang siya ng ngiti at agad na kami tumakbo papunta dun. Nagsimula na tumulo yung pawis ko, sigurado ako malalaglag nanaman puso ko. Umandar na yung sinasakyan namin at eto ako, nagpipigil ng sigaw. Nang matapos yun, di ko alam kung babagsak ba ako sa kaba. New achievement Lexis! Takot sumakay ng roller coaster. Nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Ang saya diba?" Masayang tanong sakin ni Elisha.
Pinilit kong ngumiti at binigyan siya ng tango. Sunod naman naming pinuntahan ay yung Hunted House. Nasa entrance pa lang kami, ang higpit na ng kapit ni Elisha sa braso ko. Di ko na lang maiwasang mapangiti.
"L-lexis, dahan dahan lang sa paglalakad" takot na sabi niya.
"Wag ka mag-alala. Nandito lang ako. Para akong prinsipe na pinoprotektahan ang prinsesa niya" nakangiting sabi ko. Naramdaman ko na medyo kumalma na siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Bigla na lang may lumabas na white lady sa gilid namin at napakapit nanaman siya ng mahigpit sa braso ko.
"Boo~" sabi ng white lady.
"Lexis!" Naiiyak na sabi niya. Napalingon ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hanggang sa makarating kami sa exit, nakayakap parin ako sa kanya. Di ko parin siya binibitawan. "Ang duwag ko noh?" Pabirong sabi niya.
To be honest. I felt weak when I saw her crying. "Oo nga eh" natatawang sabi ko, hindi parin ako bumibitaw sa pagkayakap. Naglaro ako sa mga mini games doon, at nanalo ako ng isang teddy bear. Agad ko binigay sa kanya yun para naman makalimutan niya na yung sa hunted house kanina.
"Kain tayo?" Aya niya.
Agad naman akong tumango at pinulupot ang kamay ko sa bewang niya. Binilhan ko siya ng donuts at lemonade. "Ikaw di ka kakain?" Tanong niya sakin. "Busog pa ako" sabi ko habang pinapanood siyang kumakain. Nagulat ako ng alukan niya ako ng donut.
"Gusto mo?" Tanong niya.
"Sayo na yan" nakangiting sabi ko.
"Ang dami nito. Baka tumaba lang ako" sabi niya habang naka-pout lips.
I burst into laughter "Mahal parin naman kita kahit mataba ka na" sabay kuha ng donut. Hinampas niya ako sa braso at saka siya nag pout.
"Talaga?" Tanong niya. "Oo naman, ikaw na ang gusto kong mapangasawa" sabi ko. Bigla na lang namula ang mukha niya at di ko mapigilang tumawa. Maya maya nag-aya na siyang umuwi.
Elisha's POV
"Pasok ka muna dito" aya ko sa kanya.
Pumunta ako ng kusina at nakita ko si mama na nagluluto, agad naman akong nagmano.
"Ma, nandito pala si Lexis" sabi ko.
"Sabihin mo, dito na lang siya maghapunan" nakangiting sabi niya.
Agad naman akong tumango at bumalik ako sa sala. "Dito ka na daw kumain" sabi ko bago ko binuksan ang tv. "Sure" mabilis na sagot niya.
Sumiksik siya sa tabi ko at kinulong niya ako sa mga kamay niya, he start cuddling with me and I cuddle back. I rest my head on his shoulder, and I focused on the show. Napatayo ako ng tawagin ako ni mama.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Halika dito at mag-ayos ka ng mga plato" utos niya.
Agad akong pumunta sa lamesa at nag-ayos ng tatlong plato. Nagsandok narin ako ng kanin para mapalamig na. Maya maya ay inaya ko na si Lexis kumain, mga ilang minuto rin tahimik nang biglang magsalita si mama.
"Lexis, wag muna kayong magpapakasal ni Elisha ah?" Sabi ni mama. Muntik na ako mabilaukan sa sinabi niya. Kasal? Agad?
"Opo" nakangiting sabi niya.
"Ma naman!" Nahihiyang sabi ko.
Tinawanan lang nila akong dalawa "Gusto kita Lexis para sa anak ko" nakangiting sabi ni mama. At ayun ako, muntik nanaman mabilaukan.
Napalingon ako kay Lexis nakita ko siyang naka ngiti. Okay na rin siguro to, atleast boto si mama kay Lexis. Ang future husband ko, future daddy ng mga anak ko. I can't stop myself from smiling. Pagkatapos kumain, nagkwentuhan muna saglit at maya maya ay nagpaalam nang umuwi si Lexis.
"Mabait pala talaga si Lexis" sabi ni mama.
"Sabi ko sayo eh" taas noo kong sabi.
"Osha, ako'y aakyat na sa aking kwarto at ako'y matutulog na" sabi niya.
Agad naman akong tumango bago pumasok sa kwarto ko. At naligo muna ako bago ako humiga sa kama.
"Sis! Can you believe it? Ggraduate na tayo bukas!" Sabi ni Abbie pagkalabas na pagkalabas ko sa room.
Di rin ako makapaniwala, parang kahapon lang kakastart lang namin ng college tas ngayon ggraduate na kami. Ang bilis pala talaga ng panahon. Freshmans to Graduating Students. Nakakamiss lang, ang dami kayang memories dito.
"Parang ayoko pa ngang grumaduate eh" sabi ko.
"Wala naman na tayong magagawa. Kailangan na natin magpaka matured" Seryosong sabi niya.
Tumango na lang ako at nagpatuloy kami sa paglakad "Di sasabay si Lexis?" Tanong niya. "May pupuntahan daw sila ni Gleamin" paliwanag ko. Maya maya hinila ako ni Abbie at nagsimula kaming tumakbo. Naisip ko na baka may surpresa nanaman sakin si Lexis kaya sinakyan ko na lang ang trip niya. Huminto kami sa abandonadong Asylum.
"Anong ginagawa natin dito?!" Gulat na tanong ko.
"Diba ano. Matagal na tayo di nag gghost hunt? Medyo madilim narin naman kaya pasukin na natin to" masayang sabi niya.
Asylum. Mga lugar ng mga baliw. Isa yun sa mga factor na nagpapa excite ng ghost hunt. Mabilis kaming nakapasok sa loob dahil sira na rin naman yung mga pinto. Para mas exciting, naghiwalay kami ni Abbie. Siya sa baba at ako sa second floor. Binuksan ko yung flashlight ng phone ko at nagsimula na akong maglibot. Amg creepy lang, kasi may mga gamit parin dito. Imagine dba, ginamit ng mga baliw yun o kaya baka na possess ng masamang kaluluwa yun. Maya maya may narinig akong naglalakad sa third floor, pumunta ako sa pinaka malapit na hagdan papunta sa taas pero sarado ang mga hagdan.
Bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko "Sino kaya yun?" Bulong ko sa sarili ko. Narinig ko nanaman yung mga yapak at naramdaman ko na nasa itaas ko siya, katapat ko kung saan man ako nakatayo. Sa sobrang takot ko tinext ko na si Abbie at nakipag kita ako sa baba.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Paulit ulit akong umiling at inaya ko na siyang lumabas. Nang nasa labas na kami nilingon ko uli yung Asylum at tumigin ako sa third floor. Sabi ko kay Abbie na, kung babalik man kami dun gusto ko kumpleto kami ng gamit.
"May narinig ka bang kakaibang tunog?" Tanong ko.
"Wala naman. Bakit?"
Umiling at nginitian ko na lang siya. Baka imagination ko lang yun. Duwag ko talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/52445319-288-k448615.jpg)
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
CasualeIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...