"Is there anything else, sir? Again, I'm Renn. Thank you for calling and have a nice day."
I am a call center agent, and as a call center agent, I am expected to routinely use this line for every call that I get. It has to be delivered with the right pitch, tone of voice and with a genuine smile. Yes, a genuine smile to make that line comes out of my mouth sounded naturally.
I just graduated last year- BS in International Travel and Tourism Management, at dahil talaga namang nakaka-pressure ang pagiging kung ano man ang trabahong related sa course ko, ay hindi pa ako ready. In my four years of studying major in tourism, alam kong walang maniniwala na hindi pa talaga ako ready sa larangang papasukin ko.
I've been working here for about 8 months, at malamang, sa tagal no'n, nasanay na ko sa trabahong ito. 'Di ko alam kung aalis pa 'ko. Pero siguro depende kung my job offers from airlines and/or hotels.
Tinignan ko ang wrist watch ko. Last call ko na siguro 'yun, dahil five more minutes ay uuwi na ako, so enough with introductions. Inayos ko na ang mga nakakalat kong gamit sa maliit kong cubicle. Nagsuklay ako't nag-reapply ng light and natural look na make-up.
"Jo! Care for a ride home?" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. As expected, si Karl iyon. Malamang talaga si Karl, dahil siya lang ang tumatawag sakin ng napakabaduy na 'Jo'.
Nginitian ko siya. "Hindi na siguro Karl, may dadaanan pa ko."
Well, halata bang umiiwas lang ako sa pagkakataong magkakasama ulit kami? Urgh. It's just a mere fact na I'm so deeply in love with him. Don't dare ask 'since when' dahil baka matawa ka't masabihan ako ng 'how pathetic'.
"Ohh." Tinaas niya ang kilay niya na nagpapahiwatig na okay lang.
Pero mali ako.
"I just made up my mind. I won't take an answer for a 'no'. Sorry, my ego.." anitong sinabayan pa ng arteng sinuntok ng mahina ang dibdib. "Okay lang kahit may daanan." Ngumiti pa sa akin ang mokong. "Doesn't that mean na mas mahaba pa ang kwentuhan natin?"
Binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti at nagsalita. "Eh pursigido ka naman pala kahit ayoko, ba't nagtatanong ka pa?"
Tumawa siya. "Parang ayaw mo pa, eh anong oras na. Baka nasa bahay na ko't naghihilik, at ikaw ay nasa baba pa rin nag-aabang ng taxi."
Muli ko siyang inirapan. "Ang yabang mo. Oo na. Sige na, ikaw na may kotse. Kapag ako nasanay na hinahatid mo ko, bahala ka. Magsisisi ka bandang huli."
"I don't think so, you know I love taking you home. See you downstairs." Aniyang naabot pa ang buhok ko at ginulo.
Para naman akong batang hinawakan ang buhok ko't pinakiramdaman ang palad ni Karl doon.
**
So, wonder bakit kailangan kong layuan at iwasan si Karl? Obviously, magkaibigan kasi kami. Not actually best of friends, but close friends. Hindi kami naging friends dahil sa work, kundi dahil sa school, cause we we're close friends since mid-high school. Nawala ang connection namin sa isa't isa noong tumuntong kami ng college. Maybe dahil sa pagkakaroon ng new circle of friends, at surroundings.
Sinong mag-aakalang pumasok din pala siya sa call center agency? At ang talagang nakaka-intriga sa tadhana ay nasa iisang agency pa kami? Siya nama'y HRM graduate, last year din. Natatawa akong isiping madami sa mga ka-batch namin ang nasa course ng Hospitality Management, dahil totoo namang matunog 'yung mga course na iyon nung panahon namin- Tourism, HRM, Cruise Line, Culinary Arts at iba pa.
Going back on wondering why, kasi nga, in love ako sa kanya. Sadly I can't expect anything from him, dahil sa totoo lang, kung may feelings siya sa akin, ay matagal na siyang gumawa ng paraan para i-level up ang relationship namin.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...