4

547 14 18
                                    



4: Suarez

Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng bahay na may tatlong palapag. Moderno ang pagkakagawa sa konkretong gusaling kulay kahoy at dugo. Sa kabila ng pagkakakubli niyon sa matayog na pader ay kitang-kita pa rin mula sa kinatatayuan ko. Bumalandra ang kislap ng araw sa kung anong nasa taas. There were two CCTV cameras on either side of the wide gate.

"Ma'am, bakit po lumabas na kayo? Ipaparada ko pa ho ang kotse sa loob!" todong pag-aalalang sigaw ni Nathan—ang drayber at guwardiya ko.

Tiningnan ko siyang binubuksan ngayon ang pasukan sa pamamagitan ng susi at pagpindot ng mga numerong nagmimistulang tanging paraan upang makapasok. The gate was made of wrought iron the color of which had beaten the darkest black I could ever imagine. Elegante ang istilo ng tuktok niyon, tila mga pinagbuhol-buhol na kurba.

Pinagbigyan ko siya at nagmagandang-loob na bumalik sa loob ng kotse. The damned car was a black sleek BMW. And I had to not cringe at it in front of the others for some reason...

I heaved a very deep sigh as I finally settled myself into the front seat. It had been a torture to me for the last three months. Massaging my temple, I resorted into taking the past weeks for a real contemplation.

**

Nagising ako nang may panibagong determinasyon sa aking sistema. I decided to go on with the flow... since I was pretty sure no one around me was the slightest bit of trustworthy.

Panibagong silid din ang humantag sa aking mga mata. Kahit hindi ko igalang tuluyan ang paningin sa kabuuan ng kwarto ay alam ko. Hindi na ito ang kwartong kinamulatan ko.

Maaaring magkakambal nga ang kulay, ang hugis, ang sukat, maging ang pagkakadisenyo at ayos ng mga kasangkapan. Ngunit nagkamali sila sa isang bagay: Mas mahina ang presyon ng hangin dito. Nilipat nila ako sa kwartong bagaman ay perpekto ang pagkakatulad sa dati, ay paniguradong nasa mas mataas na palapag naman ngayon.

Kahit na wala akong ni katiting na ideya kung papaano ko napagtanto ang tungkol sa bagay na 'to, hindi ko na masiyadong inisip. I made up my mind to continue on following my flawless instincts.

"She's awake," pamilyar na tinig ng doktora.

Nagsimula akong tuonan na ng pansin ang mga tao. The scene was like a reenactment of my very first awakening after the "accident."

Iisang doktora na lang ang may presensiya kasama ang apat pa ring mga nars. Napaliligiran nila ako at sa bawat pagitan nila ay siya namang kinatatayuan nila Luna, Storm, Kefira, Ace at Lou. Nasa paanang bahagi ko si Col na nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Ang isang paa ay nakaangat upang makahilig sa dingding, nagbubunga ng kasyuwal na posisyon.

Nahigit ang hininga ko sa pagtatagpo ng aming mga mata. Parang tumatagos sa kaluluwa kung siya ay makatingin. Halos hindi ko makaya. Ang maitim niyang mga mata ay mas lalo lamang dumilim dala ng emosyon na ipinapakita niyon.

He was so not in a good mood. My first guess was that, he was worried about me. Nahirapan akong manghula pa ng nag-udyok sa kanyang matalim na titig dahil sa naabala ako ng panunumbalik ng sakit sa aking puso.

Mahapdi iyon. Mahapding-mahapdi sapagkat tila wala nang bukas kung makatibok ang puso ko. Sumobra sa pintig ito dahil sa napakapayak na dahilan: ang nanunuot na titig ni Col.

At dahil sa mata na naman niya ako nakatitig, nadagdagan lamang ang pagdurusa ko. Tuluyan ko nang naiwala ang sarili sa kanyang mga mata. Halos nahihigop na ako nang tuluyan.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon