5: Gideon
Nawala sa loob ko na maghapon nga pala ang programang dinadaluhan namin ngayon. Tuloy ay wala akong pamimilian kundi ang sumunod sa mga estudyanteng narinig kong kakain daw sa malapit na kantina.
May narinig akong nagsabing Saint Mich's ang pangalan ng lugar. The building was a hybrid of a boarding house and an eatery. Mapapansing inspirado sa istilong Thai ang gusali. Pero mabuti at hindi naman ganu'n ang mga pagkaing nakahain.
Maraming tao kaya maingay. May ilan ang napapatingin sa akin, karamihan sa kanila ay nagtatagal ang titig. Hindi ko pinansin. Sa dagat ng mga tao ay mas lalo lamang namayani ang kainitan.
Naglaway ako sa amoy ng mga ulam. Naging wala lang sa akin ang pagpila dahil inspirado akong kumain. Sa nakaraang tatlong buwan ay napag-alaman kong hindi sila Luna ang nagluluto ng mga pagkaing dinadala nila sa 'kin sa ospital. Kundi binili sa mamahaling restawran ay pinaluto raw ni Col sa sariling kusinero. See? My boyfriend was just too much. Everything he gave me was either out of his money or out of his power.
Inaamin ko na sabik ako sa sanlibutan. Libo-libo ba namang larawan ng masasarap na pagkain ang nakita ko sa Google. Marami rin akong lugar na gustong puntahan. Pero sa ngayon, kakain ako.
"Ano ho ito?" turo ko sa isang malaking kaserola na may takip na babasagin.
One of the food servers gave me a weird look. "E, 'di sinigang," aniya na parang ang tanga ko at hindi ko alam 'yon.
Duon ko napagsisihan na sa buong tatlong buwang nakaraan ay hindi ako humingi ng tinatawag na "lutong bahay" kila Luna! Iba kasi ang itsura ng sinigang na 'to kumpara sa mga inihahain sa 'kin. Laging may magandang istilo ang mga 'yon at mayroon pang mga disenyo sa paligid ng pinggan gawa sa gulay o prutas. Hindi ko agad nakilala!
Tiningnan ko nang masama ang aleng abala na ngayon sa pag-aasikaso sa ibang estudyante. Kung alam niya lang kung ano'ng pinagdaanan ko!
Nakakahalina ang ibang mga ulam. Nakilala ko iyong adobo, tinola, sisig at iba pa. Medyo natagalan sa sisig dahil iba ang itsura pero nakumpirma ko namang sisig nga 'yon dahil may bumili at nalanghap ko ang amoy.
Masigla akong um-order ng tanghalian ko, may bahid ng ngiti sa mga labi. Sa wakas! Totoong pagkain!
Inilapag ko muna ang tanan kong libro sa mesang aking napili. Nagsusumigaw ang makapal na libro ng Geometry. Oo. Binabasa ko talaga iyon.
Simula kasi nang nakabawi na 'ko matapos ang pangalawang opera, naging ideya namin ni Ace na aralin ko na ang mga bagay na aking nakalimutan. Nakakahiya pero nagsimula ako sa leksyon na pang-unang baytang sa elementarya. Laking pasalamat ko nga at alam ko namang bumasa at sumulat. Alam ko rin ang mga kulay, bilang, hugis, sukat, at iba pang mga basic na kaalaman. Ayon sa obserbasyon ng mga doktor, nabalik raw ang pag-iisip ko sa halos walong taong gulang.
The diagnosis wasn't absolute. Mayroon din kasi akong kamuwangan sa ilang bagay na nasa lebel na ng hayskul.
Pero suhestiyon na rin ni Ace na magsimula ako sa grade one upang maging sistematiko ang pag-aaral ko at hindi magkahalo-halo. Nagandahan ko ang sinambit niya kaya ginawa ko nga.
The process was too easy. It was like I was just reviewing lessons that were taught to me a day ago. Hindi ko sila tinututunan, kundi inaalala lang. I "graduated" grade school in a span of two weeks.
Doon ako pinakanahirapan sa unang taon sa mataas na paaralan. Mayroon na kasing alhebra. Tuloy ay nagtagal ako ng mahigit tatlong linggo. Nasabay pa ang pagsasanay ko sa paggamit ng kompyuter kaya matagal talaga.

BINABASA MO ANG
Montreal
خيال علميMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...