15

248 10 3
                                    

15: Storm

Walang kahirap-hirap na napalitan ang nakaabang na galit ng lungkot. Humapdi ang mata ko dahil sa kirot sa aking puso.

Mga... sinungaling silang lahat!

Suminghap ako. "Gideon! Did you see that? Nagawa ko 'yong tinuro mo!" my alibi as I saw the scrutiny in Coach Mage's eyes.

Hindi ko alam kung bakit. Basta na lang ay naniwala ako sa agam-agam kong kailangan kong katwiranan ang nagawang kahusayan sa pakikipagbakbakan.

Mapait na ngumiti si Gideon. Gayunpaman ay tumango siya bilang paggatong.

**

Mauubos na ang pagkain ni Gideon pero nasa kalahati pa lang ako gaya ng madalas. Mas marami kasi akong biniling pagkain.

"Sigurado ka bang hindi ka nag-taekwondo dati?" sa wakas ay tanong na niya matapos ang mga walang katuturang daldalan namin kanina.

"Bakit mo naitanong?" balik-tanong ko.

"O kahit anong martial arts?"

Binitiwan ko ang kubyertos at nilunok ang nginunguya.

"Ang alam ko... wala. Wala talaga." Umiling ako dahil kahit anong gawin ay wala ngang maalala.

Sarkastiko akong nagmura sa isip. Yeah, right. Kaya nga may amnesia, e. "Wala, e. Don't you think it's just my adrenaline rush kicking in?"

Please say yes.

"No..." dahan-dahan niyang tugon habang nanliliit ang mga mata sa kawalan na animo'y nag-iisip. "No."

Lumunok ako.

"You sure? Pa'no mong nasabi? Simpleng mga tira lang ang napakawalan ko." Humina ang boses ko sa dulo.

"Not sure either..."

"At narinig mo ba 'yong sabi nila? Walang hindi pumapasa sa 'try-outs' kaya malamang pinagbigyan lang ako."

Please just console me.

"Didn't seem like the new coach took it easy on you though..."

Bumagsak ang balikat ko dahil sa kabiguan. Nagtaas ako ng noo upang hindi mahalata ang pagkadesperado ko.

"Not to you?" halos pagtataray ko upang mapagtakpan ang sarili.

"Not to me." Buti na lang ay masyado siyang abala sa pag-iisip niya ng kung ano kaya hindi niya na ako napansin.

Hindi niya nahalatang lahat ng ito ay dumudurog sa akin.

"Spill it, Gideon. I felt something you couldn't have. But I'm sure you saw something I couldn't have either." Kunwari ay wala lang sa'kin pero ang totoo ay halos magmakaawa na 'ko sa kanya.

Please. Anyone? Please. Kahit sino, kahit ano. Kailangan ko ng makakapagkampante sa akin.

Hindi ko na kinakaya ang mga naiisip at nalalaman ko.

"Your basics are too advanced for someone to be just in an 'adrenaline rush.'" Bumaling siya sa akin nang may nagkakalkuladong tingin. Na para bang palaisipan sa kanya ang lahat.

"Uh-huh? I'm listening." Kahit na sa totoo ay mas interesado na akong pakalmahin niya na lang ako. Na sana ay sabihin na lang niyang wala lang iyong nangyari kanina. Na nakatsamba lang ako o kung ano.

It felt like all of these were going to end up so badly.

I just felt like I needed him to second the lies I'd been trying to tell myself just so I would be comforted.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon