2: Montreal
Bumukas ang pintuan nang biglaan, iniluluwal ang mga nars at doktor. Pawang mga nakaputi silang lahat at kumpleto ng kasuotan at kagamitan. But their stance, fast movements, and atmosphere somehow reminded me of... slaves.
Kumurap ako at binatukan ang sarili sa isip. Talaga lang, Yuki, ha? Propesyunal lang sigurong tunay ang mga taong 'yan kaya ganyan sila... kumilos. Nag-iwas ako ng tingin at pilit winaksi pa ang pagdududa.
Tama, gano'n nga lang talaga marahil kung kaya't halos kalkulado ang kanilang mga galaw. Gumilid sina Col at Luna upang mapagbigyan ng espasyo ang mga manggagamot. Dalawa ang naiiba ang kasuotan sa anim na babae. Hula ko ay ang dalawang iyon ang doktor. Naging abala sila sa pagtingin-tingin at paggalaw sa mga aparato sa paligid ko maging sa akin mismo.
Nabatid kong ayoko pala ng may humahawak sa akin. Hinawi ko ang takas na buhok sa aking tainga nang natagalan ang doktor sa paghawak sa gilid ng aking ulo.
Sa huli ay hinayaan ko na lang ang sariling manahimik kahit na nakakairita na ang kanilang presensya. Gayunpaman ay mukhang kailangan ko sila para sa paggaling ko kaya pinalagpas ko na.
I faintly shook my head. What the heck was wrong with you, Yuki? They're clearly professionals whose job was to take care of you! Be good to them. Why were you even imagining strangling the doctor?!
Sighing, I mentally scolded myself. Epekto lang siguro 'to ng aksidente. Naalog nang husto ang ulo ko—bukod sa nakalimot na nga ako'y nawaksi ko na rin ang rasyonal na pag-iisip. Maybe the brutality of what happened to me rendered me this violent.
"Doc," tawag ko, "kamusta po ako?"
Kapwa natigilan ang dalawang doktor sa pagsusulat at napaangat ang tingin sa akin. Iyong tinitignan ko ang nag-alis ng suot na maskara para sumagot sa aking tanong.
"You miraculously survived the incident so we were a little less surprised that you also survived the operations. And now—"
Natigilan siya sa pananalita nang may tumikhim sa gilid. Sabay-sabay silang napatingin sa direksyon ni Col sa hindi ko malaman na kadahilanan.
And now... what?
May sumibol na namang inis sa akin dahil sa pagkainip. Seriously, something was wrong with me. Bakit hindi ko kayang maghintay ng ganu'n lamang kaikling oras?
Napalingon na rin ako kay Col dahil sa pagtataka. At nadagdagan lamang ang pagtatakang 'yon nang makita siyang hindi naman nakatoon ang paningin sa mga doktora, kundi sa akin.
"As expected, you're recovering very quickly." Naagaw muli ng doktora ang atensyon ko. "You are one strong girl," her rueful smile.
"How about my amnesia?"
Nagtaka ako dahil tila nagmamadaling isinuot ng doktora ang kanyang maskara, kaya kinailangan niya pa 'yong ibabang muli dahil sa tanong ko. May lakad ba siya?
Patience, Yuki. 'Wag kang magmaldita.
Dala ng hindi imbitadong pananakit na naman sa aking ulo ay napalukot ako ng ilong habang hinihimas ang aking sentido.
"What's wrong? Are you okay, miss?" usisa ng doktora at maagap akong dinaluhan. Napalapit na rin ang iba dahil sa pag-aalala.
My head fucking hurts, muntik ko nang masambit. Tumikhim ako at, "My head hurts a little."
"Did you remember something?" Isinantabi ko ang hindi makatwiran na pagtataka dahil si Luna ang nagtanong nito imbes na ang mga doktor.
She's probably just worried, Yuki. You're overthinking things.
BINABASA MO ANG
Montreal
Science FictionMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...