13: Reb
Iisa lang ang subject namin kinabukasan at sa hapon pa iyon kung kaya't mas madali kong nahikayat si Gideon na mamasyal sa Iloilo. Sa madaling salita ay nakulit ko siyang makakuntsaba ko sa pagtakas kay Shimon.
Pareho kaming BMW ang kotse. He maintained it like any other boy with a big toy would. Ang akin lang ay parang mas nakakahalina ang sasakyan niya sapagkat namamahay ang pabango niya sa loob niyon. Gano'n din ako kay Colden. Para bang mas gusto ko iyong mga panlalaking pabango. I made a mental note to buy one. As I watched Gideon drive from the passenger's seat, I also added to that note that I should watch Colden drive, too, soon.
Halos isang oras pa rin ang byahe dahil masyadong maingat magmaneho itong si Gideon. I couldn't imagine Colden driving like that. Mabilis din naman mag-drive si Gideon ngunit makikita mo talagang maingat. Ewan ko lang sa gago kong boyfriend.
Darn it, now I was even more excited and curious about my man's driving skills!
"May pasa ka," bati ko sa kanang siko ni Gideon.
He looked over his shoulder to meet my gaze. "Sa'n?" usisa niya, mas binabagalan ang paglalakad dahil nasa akin ang atensyon.
"Sa siko mo," turo ko at mas binilisan ang lakad para makasabay sa kanya.
Kahit na mas mahaba ang mga pata at halos dalawang hakbang ko na ang bawat isa niya, hindi ko inalintana. I was more comfortable when I was walking.
Had I ever joined a marathon before?
"Oh," komento lang ni Gideon at binalewala ang nakitang galos sa siko. Binalik niya ang tingin sa daanan. Kumunot ang noo ko at hindi ko agad nagawang ipagsawalang-bahala iyon.
Kumain kami ng tanghalian sa isang restawran sa unang palapag ng SM.
"Daig mo pa'ng baboy kumain." He scolded me.
Pinatakan ko lang siya ng tingin at nag-concentrate ulit sa pagnguya. Maya-maya'y nasinok ako.
"Ayan. Ang takaw mo kasi."
I made faces as I drank my juice. Walang titibag sa samahan namin ng pagkain. Food was my darling. I could be the fattest girl in history but I would still eat a lot.
Isa pa, asa mukha naman ang kagandahan wala sa taba.
"'Yong cellphone mo, kanina pa vibrate nang vibrate. Nakakairita na," puna na naman ng matanda. Alam kong wala naman talaga siyang pakialam, pilit lang siyang nanunuya sa 'kin.
"Hindi mo ba kakainin 'yan?" Tinuro ko ang nasa gilid ng kanyang pinggan. Sibuyas 'yong isa at isang kulay berdeng bagay naman 'yong isa. The onion was cut into quarters, while the green one was sliced into strips.
"Sa 'yo na. Kawawa ka naman." Kumukunot ang noong inalapit niya sa akin iyong pinggan.
"Ano'ng tawag dito?" tukoy ko sa kulay berde matapos isumpak iyong sibuyas.
"Green bell pepper. Hindi ka nagluluto, 'no?" He narrowed his eyes at me.
"The 'green' wasn't necessary though. Common sense na 'yon." Tinago ko ang ngisi ko.
"'Yan lang hindi mo alam. Kailan aakyat utak mo sa tuhod?" ganti niya.
Tinaas ko ang kamay ko para magtawag ng waiter.
Inasar ako ni Gideon sa mala-robot niyang boses. "Mawa."
"Panget."
"Mawa."
"Yes, Ma'am?" Magiliw na ngumiti ang maitim na tauhan.
"I'll have another one of this," turo ko sa kauubos lang na pagkain. "Tapos ano 'yong nasa board na 'yon... sapin-sapin...?"
BINABASA MO ANG
Montreal
Ciencia FicciónMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...