12: Kefira
"Ma'am! Sa'n po kayo pupunta!"
Halos wala pang isang segundong nagtagpo ang mga mata namin ng Shimon na sinasabi ni Colden. Ilang metro na ang natatakbo ko palayo sa bahay ay hindi pa rin maalis sa akin ang pakiramdam na hindi ito ang unang beses na nangyari iyon.
For sure, this wasn't the first time we had met.
Suot ang pambahay kong tsinelas ay tinahak ko ang kayang tahakin. Nawala saglit sa pandinig ko ang mga yabag ng dalawa ngunit agad napalitan iyon ng tunog ng sasakyan. Sinukuan nila akong habulin gamit ang paa.
Lumiko ako nang hindi na nagdalawang-isip pa. Sa liblib na kalsada ay katatagpuan ng damuhan sa magkabilang gilid. Kanang bahagi ang napili ng mga paa ko. Kahit na hindi kumportable ang ginagawa sapagkat manipis lang ang suot kong tsinelas ay mas nangibabaw pa rin ang aking sama ng loob.
Hindi nakatulong ang mga luha ko. Ang dilim-dilim na nga ay nanlalabo pa ang aking paningin. Ang dating berdeng lupa ay naging itim na dahil sa hatinggabi. Presko ang hangin ngunit hindi kaaya-aya ang pagdapo niyon sa balat. It was still a miracle though that my eyes could adjust to the dark. Naaaninag ko pa rin ang mga pinupuntahan.
Kasalanan ko ba? That Nathan lost his job, was it really my fault?
Even you escaped from him.
Even I escaped from Nathan? Ano ang nais ipahiwatig ni Colden doon? Ano ba ang tingin niya sa akin? Ano ba ako?
Ano'ng klaseng tao ba talaga ako bago mawala ang mga alaala ko?
Dala na siguro ng bugso ng damdamin ay nagsilabasan lahat ng iba pang mga kinimkim kong pagdududa.
Bakit nila nililihim sa 'kin ang opera ko sa puso? May sakit ba ako sa puso? Iyon ba 'yon kaya hangga't maaari ay gusto nilang itago ang nakaraan ko sa 'kin? Dahil natatakot sila para sa kalusugan ko?
Why was I surrounded with a bunch of stupid liars?
Ako nga bang talaga ang isinasaalang-alang nila kaya nila ginagawa ito? O mayroon silang mga mabahong sikreto ang ayaw nang ibunyag sa akin?
Mapakla ang panlasa ko nang maisip na baka naman sila ang may pakana ng aksidente ko.
Sa katatakbo ay lumabas na ako sa gubat at kalsada na ang humantag sa akin. Hindi ko sigurado kung gaano kalayo ang natahak ko. Damn! Nakalusot ako sa liblib na lugar! I never even knew that I was a runner!
I heard the familiar sound of car engine. Nahahabol na ba ako nila Nathan?
Dumiretso pa ako sa kabilang bahagi ng kalsada at naglakas-loob na namang pumasok sa hindi masyadong masukal na kagubatan. May isang malaking bahay akong nakikinita sa dulo nito. May ilang poste ng ilaw ang matatanaw mula roon. Nagpasya akong lumihis ng landas upang hindi muna ako matagpuan nila Nathan.
Paano kaming nagkasundo ng boyfriend ko? Nanligaw ba siya sa akin? Kung ganitong grabe ang hindi naman pagkakasunduan ay paanong naging kami?
Sobrang sama talaga ng loob ko. Kasintahan ko pa lang siya ngunit sakal na sakal na ako!
Ang hirap paniwalaan na ako ang may kasalanan dito. My escape was a past issue, alright? Pinalagpas na namin iyon! Ano'ng problema niya at kailangan pang umabot sa pagkakatalsik ni Nathan sa trabaho?!
Ganoon ba siya katigas? Was it really like that? Or it's just his being overprotective getting the better of him?
Why was my Montreal so... heartless?
Naglahong parang bula ang lahat ng pagmumukmok ko nang may madamang pares ng mga matang nakatutok sa akin.
Shit, what's it!?
BINABASA MO ANG
Montreal
Science FictionMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...