6

410 14 7
                                    



6: Ren

Ang malamig na simoy ng hangin ang unang dumampi sa pandama ko, kasunod ang hapyaw ng sakit sa halos buong katawan. Kahit na nakapikit ay rumehistro na sa aking kamuwangan ang maliwanag na sikat ng araw na lumulusot sa bintana.

Umangat ang sulok ng labi ko; aking kinapa ang espasyo sa gilid ko para lang din mawala ang namuo nang ngiti. Dumilat ako upang hayaan ang sariling tanggapin na wala na talaga si Montreal sa aking tabi. Kahit napaniwala ko na ang sariling panaginip lang ang nadama kong paglisan niya kaninang madaling araw ay eto at sinasampal sa 'kin ng katotohanan ang kabalisaan.

Huminga ako nang malalim para maitulog pa ang nalalabing hapdi sa aking pangangatawan.

**

Hindi ako gaanong tinanghali ng gising dahil siguro sanay na ang katawan ko na maagang bumangon. Pero kahit nakatindig na ako ay parang may kung ano'ng humihila sa enerhiya ko pahiga. Sobrang naapektuhan ako sa pagpapakalayong gagawin ni Col. Hindi rin gaanong nakatulong ang maayos niyang pagpapaalam kagabi. Mababang-mababa pa rin ang lebel ng kasiglahan ko buong umaga. Maging sarili nga ay tumutulong na sa pagdadalo sa emosyon ko ngunit wala pa ring epekto.

Sure. We're already in a long-distance relationship, as people called it. And I was more than informed about that. This hollow feeling within me wouldn't stop creeping its way into my system after all.

Alam ko ang sitwasyon. Tanggap ko ang sitwasyon. Sobrang naiintindihan ko ang sitwasyon.

Pero...

Nangungulila na ako nang husto. It hadn't even been a day since I last saw him but... It felt like I was already missing him like crazy.

Bakit ba kasi nataong OJT niya nuong bakasyon kaya halos bilang lang ang mga naging pagkikita namin?

Bakit ba naman kasi sa Maynila pa siya kailangang mag-aral dahil nandoon din ang kumpanya nila kung saan nagsasanay na siya?

Bakit may pesteng hadlang sa'ming dalawa?

Dumaing ako nang buong puso at pinadausdos ang mukha sa binabasang libro. Hindi pa nakuntento, sinabunutan ko ang sarili.

Eto na ba 'yong gaya ng sa mga nabasa ko sa Internet? Was I already a member of the Overthinking Women Society?

Holy shit—

"Nathan!" buong loob kong tawag bago pa ako mabaliw nang tuluyan dito.

"Po, Ma'am?" aniya pagkadating ilang sandali.

"Magluto ka mamaya ng lunch. Hindi na 'ko papasok." Hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang kinukumbinse ko.

"Ha? E, bakit po? A-absent po kayo, Ma'am?" Nagkamot siya ng ulo.

Malamang.

"I'm already late anyway," tango ko. Mayroon kasing kung anong programa ang mangyayari dapat ngayon. I heard it was about our respective academic organization welcoming us freshmen. "At first day pa lang kaya hindi naman siguro magkaklase agad."

Naningkit ang mga mata ni Nathan na animo nagdadalawang-isip. I understood him. I already got the thing with Nathan. He was my driver and bodyguard. But Montreal—who happened to be his real boss—had him commit to a job description with even more details into it.

Montreal provided Nathan the responsibility to fully take care of me. And now Nathan was torn between following what I wanted, and just going on with his job—which was to answer to Col's demands concerning my welfare.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon