10

387 9 8
                                    

10: Lou

Isang pasada pa lang ng tingin sa kabuuan ni Luna ay umangat na ang pag-aalala ko.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" halos isigaw ko nang tinatakbo ang pagitan namin.

Bagaman maliit, ay mainit ang ngiting ipinakita niya sa akin. "Yuki. Okay lang ako."

She was clothed in khaki trousers and loose white muscle shirt, along with chambray slip-ons. White! She never wore white! Any white before!

"Saang gawi? Sa kuko?" May halong galit ang sambit ko.

Something was definitely not right with her! She never abstained from black clothes. It's like that color was her at her normal state. Pakiramdam ko ay kapag hindi siya nakaitim, may sakit siya o ano.

May benda ang kaliwang siko niya. Sa paligid nu'n ay may makikinitang pasa—sariwa ayon sa pagkakulay berde at ube nito. May gasgas din ang lumalamon sa dati niyang makinis na mga braso. May kaunting galos siya sa kamay. At may tig-isang band-aid siya sa kaliwang sentido at baba.

Ano pa kung gayon ang lagay ng mga parteng naikukubli ng kanyang damit?!

"Yuki, kumalma ka." Inilihis niya sa hawak ko ang kanyang mga kamay.

"Who did this to you? Ano ba kasi'ng nangyari?" Pilit kong inabot ang isang kamay niya at inilayo niya rin iyon sa 'kin. "Luna!"

"Just chill. Normal na ito. Criminology ang kinukuha ko."

Sinimangutan ko siya. Every inch of my soul screamed bullshit on that. BS in Criminology? Her?

Alright, she could be taking up that dangerous course. Ngunit isang linggo pa lang simula nu'ng pasukan nabugbog na siya agad?

May gano'ng klase na agad ng training? For first years?

At sugat at gasgas mula sa bugbugan? Ano? Nagkalmutan sila?

But then...

"Who gave you permission to pursue that career?" Mas sinimangutan ko siya. Lumaki ang kanyang ngiti at napabuntong-hininga ako. "Who told you to get beaten up?"

"Baguhan pa lang ako," aniya.

"Wala kang karapatang magpagulpi. Suarez tayo. Lalo ka na. Hindi pwede iyon."

She blessed me with a very short-lived cackle. It was pure bliss. Yet it bothered me that her eyes were grinning bitterly.

"Yuki," boses ng kalalapit lang na si Col.

"Col."

Gaya nang madalas, maliksi niyang naagaw ang atensyon ko. It didn't matter that my Luna was right in front of me, wounded. The only thing that had significance for me right at the moment was that he was looking at me.

Yes, it's that ugly. Montreal's effect on me was too foul. Shameful, even. A pity. Not a thought was the least bit of rational in my mind. Every decision was poorly made. And all other relevant persons were being put off to the trivial curb—just because of him.

Lahat ay wala na, bahala na, nakalimutan na, wala nang halaga... kapag andiyan siya.

Para bang... akupado niya ang kabuuan ng mundo ko.

Now it was my turn to be bitter about myself. I was surely going to rot in hell for this.

Tama. Ikasusunog ko 'to malamang sa impyerno. Itong pagpuna ko sa kung gaano kaangkop sa katawan niya ang kanyang suot na damit. It was a V-neck long sleeve sweatshirt of orange brown hue. Salungat sa panahon, mukha pa ngang preskong-presko sa kanya ang suot kahit hindi niya pa nahahawi hanggang siko ang mga manggas. Siguro ay dahil manipis ang tela? Medyo maluwang kasi ang sukat sa kanya, pero nahahapit sa paraang nabibigyan-pansin ang kanyang laman.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon