7

377 15 4
                                    

7: Xyza

Punong-puno ng mura ang utak kong limitado pa lang ang laman. Oo nga at nawalan ako ng alaala pero eto at kusang nagtutungayaw ang nagwawala kong sistema.

How dare him! Ni hindi ko nga siya kilala, at mukhang ayon din sa kanya, gano'n din siya sa akin. But that's the whole point. 'Di ba? Hindi namin kilala ang isa't-isa. Period. Kaya wala siyang karapatang bastusin ako! Worse, in front of another complete stranger!

That. Asshole.

"I'm gonna kill him," may paninindigan kong bulong-bulong sa sarili habang sinusundan siya.

Thanks to my lazy outfit—which consisted of a simple Tee, fitted jeans and resilient kicks—the Catch-the-Douche-bag-Ren sojourn was made more comfortable for me. At mabuti na lang din at nakakulay-abo siyang sweatshirt kaya mabilis ko siyang mahagilap kahit tahakin pa niya ang mataong lugar.

Halos umaray ang lupa sa ginawa kong pagmamartsa. Malaanghel lang siguro ang mukha ko pero nakasisiguro akong malademonyo na ang isinisigaw ng bawat himlay ng kalamnan ko ngayon.

Damn! I had never been this angry! Damang-dama ko ang panginginig ko sa iritasyon!

Lumiko rin ako sa nilikuan ng hambog na lalaki para masundan siya. hindi ko 'to mapapalagpas! Hindi ko siya mapapatawad! Hinding-hindi!

"H-h-hin..."

Oo, babae. Hindi ko talaga magagawa 'yon! Hindi dapat! Pero ano'ng ginagawa niyong dalawa sa harapan ko?

May dalawang nilalang ang lintik na tumatakbo at muntik pa 'kong mabangga. Sabay-sabay kaming napatigil.

Kapwa nanlalaki ang mata nilang dilawa. Parang nakakita ng ahas, sabay pa silang nagbitawan sa kamay ng isa't-isa.

Ang dibdib kong tumatambol kanina na mas lalo lamang tumambol sa galit sa Ren na 'yon ay kumalma na ngayon.

Pero hindi ibig sabihin ay kalilimutan ko na lang ang ginawa niya sa 'kin.

"It's okay, hon." Parang tanga na nag-aluhan ang tingin ko'y magkasintahan. Kitang-kita ko kung paano damayan ng lalaki ang babae. "Now that you caught us, tell me what it takes to keep your mouth shut."

Huh?

"What makes you think I'm even interested?" Halos idura ko ang bawat salita sa lalaking nangahas na sungitan ako nang diretso sa mata. What's with the straight face? What's with that threatening statement? Seriously, what's it with people harassing me today?

Aksidente lang naman kaming nagkasalubong ng mga taong 'to, ah? Ano ba'ng nagawa kong kasalanan sa kanila? Naguguluhan na talaga 'ko!

"M-miss..." Hindi ko na alam. Ngayon naman ay mangiyak-ngiyak na tiningnan ako ng babae.

Siya ba ang naaagrabyado rito?

What? Really, what?

"Mas nakakasuspetsa. Just tell me and we'll get over it," dagdag pa ng lalaki na nagbigay sa 'kin ng ideya kung ano talaga ang nangyayari.

Pinasadahan ko silang dalawa ng tingin. The girl was almost freaking out. The boy was almost losing the hostile facade.

Anyone could tell how terrified they were at this very moment. I scoffed at their obvious assumption that the whole world revolved around them.

"Just this morning someone said na bagyo raw ako. Kasi malakas ang dating. I didn't know na may mas 'bagyo' pa pala sa 'kin. Though, malakas lang ang hangin." Sarkastiko akong nangmata sa lalaki. He was leanly-built and tall, with fair skin and prominently chinky eyes. Parehas silang simple lang na manamit ng kasintahan niya ngunit alam kong may mga kaya sa buhay.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon