11

329 12 4
                                    

11: Shimon

Hindi ko halos namalayan ang ilang minutong lumipas na para akong baliw na nakatitig sa direksyon na iyon. Napatalon pa nga ako nang tumunog ang aking cellphone.

Montreal

Babe...

__________

May kakaibang init ang humaplos sa puso ko sa tinawag niya sa 'kin. Ngunit sandaling-sandali lamang iyon. Nangunot ang aking noo at sa cellphone ko naman ako napatulala.

Napasinghap ako nang marahan sa kabang bastos na tumurok sa aking sistema. Isa iyon sa mga bihirang pagkakataon kung saan basta na lamang kumakabog ang dibdib ng isang tao. Walang rason. Basta lang.

Colden had never sent a petty text to me. It was just out of his character. Or was it...? I barely knew him anyway—due to my rather inconvenient memory loss of course.

"Same old shit," hinga ko nang malalim. Eto na naman ako. Nag-aalala na naman ako sa mga walang kwentang bagay. Nangangamba na naman ako kahit sa isang napakaliit na pagbabago. Kailan ba ako titino? Siguro ay kailangan ko nang literal na iuntog ang sarili para naman matauhan na 'ko.

Montreal

Ano? I'm coming home.

Sent

__________

Ngumuso ako sa kinalabasan ng konbersasyon na iyon. Para kaming...

Tumikhim ako at sumang-ayon sa positibong mga pag-iisip. Tama. Ganyan nga. Mas mainam na nababaliw ako sa relasyon namin kaysa sa nababaliw ako dahil lamang sa mga agam-agam na hindi ko alam kung sa'ng lupalop nagmula.

Isa sa mga abalang grupo ng mga taong nagdadaan ang bukod-tanging maingay. Napatingala tuloy ako para patayin sila sa isipan.

Quiet, will you?!

Umawang ang aking bibig nang mapadako na naman ang paningin sa dinaanan paalis nila Lou. What the hell was that all about?

Tumayo na 'ko para isabuhay ang sinabi ko kay Col sa text. Uuwi na 'ko. Para lang akong siraulo rito. Nangati ang kamay kong may hawak sa phone. Habang naglalakad patungo sa naghihintay na si Nathan ay nasabik ako sa magiging tugon ni Col sa aking text. Nawala na iyong biglaang kaba kanina kaya palagay ko ay wala lang iyon. Maybe it's just a random muscle reflex?

Gumitla ang kanang paa ko sa paghakbang.

What was Kefira's course again?

Sa ngayon sa commercial building namin sa Iloilo ako tumutuloy. Malinaw ang pagkakaalala ko sa nabanggit niyang ito.

Hindi ba ay may sangay din ng UP sa bayan?

Kung may kinalaman sa negosyo ang pinag-aaralan niya ay hindi ba mas mainam na doon siya mag-aral sa mas malapit sa tinutuluyan niya? O baka naman wala doon ng kinukuha niyang kurso?

I pursed my lips as I shook my head. No. Stop. Stop all this, Yuki. Don't overthink yourself to insanity.

Pinilit ko ang sariling lisanin na ang lugar kahit na ang dami talagang gumugulo sa aking isipan.

"Good afternoon po, Ma'am," hilaw na ngiti ni Nathan pagkatanaw sa 'kin.

O! Ito na naman ba tayo, Yuki? Pati ba ang kakaiba sa ngiti ng drayber mo ay kwekuwestiyunin mo rin?!

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon