20: Numbers
"A-Amethyst . . ." Puno ako ng pag-aalala para kay Colden sa parehong pagkakataon na nalilito ako kung ipapaalam ko na ba sa kanila ang mga nalalaman ko na. Sa huli ay natalo ang pagdadalawang-isip ko ng truth serum na nasa sistema ko pa rin. I called her by her real name.
Umawang ang kanyang bibig nang matigilan. She didn't see that one coming. Well I didn't see that one coming either. But bullshit! Wala akong pakialam sa kanila ngayon.
"What's wrong with him? Is he sick?" kahit na nag-aalala ay may bahid ng kapaitan ang tinig ko.
"AC, Snow. AC ang tawag mo sa akin noon," aniya, hudyat na handa na siyang magsabi ng totoo.
Tumingin niya sa likod niya kung saan ang saradong pinto na pinagbawalan akong pumasok kanina. Nasa kabila niyon ay si Colden na ginagamot ng halos kalahating dosenang mga doktor at nars.
"I want to talk to you," AC declared when she looked back to me.
Kumunot ang aking noo. "No. I want to talk to you." Iginala ko ang paningin ko sa kanya, sa nasa gilid kong si Luna, at sa nasa likod nitong si Sapphira. "Actually, all of you," malamig kong utas.
Tila nag-usap ay sabay-sabay silang naging tensyonado at halos hindi makatingin sa akin. Nagkatinginan sila bago ako balingang muli.
"Okay."
"But first tell me if he's okay," my condition.
"He's okay, he's just sick." Nagsimula siyang maglakad, "Come."
Hindi ko pa rin malaman kung nasaang lugar kami. Ngunit dahil sa dami ng silid, sa kakiputan ng mga pasilyo, at sa pamamayani ng kulay puti ay naisip kong nasa ospital kami. Subalit wala akong nakitang ni isang sibilyan. Kung mayroon mang tao ay ang mga maskuladong guwardiya na nakatayo sa bawat kanto at pare-parehas ng suot.
Sumunod ako sa tatlong tahakin ang mahabang daan patungo sa naghihintay na elebeytor. Sa labas niyon ay ang dalawang guwardiya na bagaman hindi malabulto ay matatangkad. Sa loob naman ay isang gwardiyang malaki ang pangangatawan.
Kahit na walang araw ay pawang mga nakasalamin sila sa mata, itinatago ang linya ng kanilang bisyon. Ni hindi sila natitinag ngunit mararamdaman mo na lang na sinusundan ka nila ng matalas na tingin.
Ang tanging tunog lamang na maririnig ay ang mga yapak namin at ang patak ng tubig mula sa basa kong damit. Inalok ako ni Luna kanina ng pamalit na damit ngunit tinanggihan ko iyon. Alam niya marahil na masama ang loob ko sa kanya kaya hindi na siya nagpumilit pa.
Tatlong palapag ang ibinaba namin. Pagkalabas ay wala na ang puting pintura. It's like I was teleported to a luxurious hotel. Bumungad sa akin ang lima pang guwardiya, ngunit ang mga mamahalin at malalaking muwebles ang nakaagaw ng pansin ko. The floor was carpeted with brown velvety rug designed with patterns of clubs, colors, and other curves. The walls were wooden, and varnished. There was a trail of classic wall chandeliers on each side of the hallway. And golden lights were placed in strategic locations.
And I didn't know why I was expecting to hear violins and utensils clinking, and see butlers in suit carrying trays of wine and hors d'oeuvres . . . and high-class women in ball gowns.
I got irritated. Bakit kailangan pang pumunta rito? Bakit hindi na lang nila ako kausapin sa tapat ng silid ng boyfriend ko? Paano ko iyon mababantayan?
"Ano'ng sakit niya?" iritado ngunit nag-aalala ko pa ring boses.
"It's . . . It's a long story." Hindi nila ako nilingon at sa halip ay nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
Montreal
Ciencia FicciónMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...