Bumuntong-hininga ako nang mawala ang kanina pang kakaibang pakiramdam na may sumusunod sa amin—sa akin.
Ano'ng problema ko?
"You okay?"
Napatingin ako sa katabi kong si Gideon. Nginitian ko siya saka ko pa lang nalaman na kanina pa pala magkasalubong ang kilay ko. Seriously, something was wrong with me.
"Okay lang," paniniguro ko na may kasama pang tango dahil nakakunot na ang noo niya sa akin.
"Ate, bili na po kayo."
Niyuko namin ang batang lalaking may nakasabit na trey sa leeg. Nakakaengganyong titigan ang mga pulseras na nakahilera duon. Ngunit dahil sa lapit ay mahahalatang mumurahin at pawang marurupok ang mga materyales niyon.
"Magkano?" tanong ni Gideon habang nilalabas ang pitaka.
"Beinte lang po ang isa," sagot ng bata. Kapansin-pansin ang sumobrang kapayatan nito. Kaya siguro naawa siya at pinagbigyan na rin.
Nilabas niya ang buong isang daang piso at sandaling pinasadahan ng tingin ang mga alahas. Bumaling siya sa akin. "Ano'ng gusto mo?"
Nagkibit-balikat ako at dinukot ang isang kulay pilak na may disenyong tatlong magkakatabing bilog na nagpapaalala sa'kin sa korona. Pwede na 'to.
"Keep the change, kid," sabi ni Gideon na nagpaliwanag sa mukha ng bata.
"Teka lang po, ate! Ito po, sa inyo na rin 'to!" Sa sobrang galak ay lumakas na ang boses nito.
Tinitigan ko ang iniaabot nitong nakasupot na pulseras. Halos magkakatulad lang ang mga tinda nito, may pagkakaiba lang sa maliliit na detalye. Kulay berde naman ang iniaabot niya sa akin ngunit may parehong disenyo.
"Uh, no thanks," tanggi ko.
"Sige na po, ateng! Masyado ho kasing malaki 'yong binayad ng jowa niyo," pamimilit pa nito.
"Tanggapin mo na," sulyap sa akin ni Gideon bago tumingala sa gusaling sadya namin.
Hindi ko na inalintana na napagkamalan nitong karelasyon ko si Gideon. Nag-aalinlangan kong tinanggap ang binibigay nito.
Hanggang sa makarating kami ni Gideon sa loob ng restawran kung saan manlilibre si Xyza ay hindi pa rin ako mapakali. I honestly didn't want to accept the bracelet. Iyon nga lang pinili ko ay isiniksik ko lang sa maliit kong bag. Pero ang isang 'to, ewan ko ba at hindi ko mabitaw-bitawan.
"Hey. Don't you like it?" Napansin ata ni Gideon ang matinding paglusaw ko ng titig sa pulseras kaya niya ako pinuna. "Hindi mo naman kailangang isuot. Pinagbigyan ko lang 'yong bata kanina."
"Um, no. May iniisip lang ako," sabi ko na lang at mabilis na tinanggal ang supot niyon para maisuot na sa kaliwang palapulsuhan ko. The green bracelet looked out of place next to my Rolex wristwatch, yet it complemented my pale skin. I figured it was better there. Kesa naman sa kanang kamay ko na may pulseras ding mamahalin at singsing na totoo ang bato—parehas siyempre na bigay ni Colden.
"Uy, eat lang kayo, guys, ha? Sige na, 'wag na kayong mahiya. Order lang ng order!" magiliw na sambit ni Xyza sa aming mga nakaupo sa isang mesa.
Hindi niya naimbita lahat ng kaklase namin dahil biglaan lang 'to. Tatlong hapag-kainan nga lang ang naakupa naming lahat sapagkat hindi rin lahat ng nai-text niya ay nakarating.
"Yuki! Alam mo buti talaga magkasama kayo nitong si Gideon! Sa buong block natin ikaw lang ata ang wala akong number!" Humagikgik si Xyza.
"Okay lang. Congrats nga pala ulit," sagot ko at naramdaman ko na lang na sumobrang lapad ang ngiti ko sa kanya.
Ewan ko. Sa tuwing hindi ako kumportable o may hindi ako gusto sa kausap ko, parang kusang reaksyon ko na ata ang kaplastikan. Parang kaakibat na ng katauhan ko ang pagpapanggap.
"Thank you! Sige na, kain lang kayo dyan!" paalam niya.
Naging payapa ang hapunan namin lalo na't andito ang mga magulang ni Xyza. Ang sabi ay pagkatapos nito at kapag nakauwi na ang mga magulang niya, didiretso kami sa isang bar para sa totoong party.
Naghiyawan ang mga tao nang biglang namatay ang lahat ng mga ilaw. May ibang napatayo at nakarinig ako ng mga nabasag. Sandaling nagitla pati ang mga waiter bago sila nagsimulang gumawa ng paraan kasama ang iba pang tauhan.
"As of now, we're still doing everything we can. Please keep calm, Ma'am, Sir. Take your seats, everyone, to prevent any accidents."
May liwanag na umagaw sa atensyon ko. Nagbaba ako ng tingin sa kaliwang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa.
Namilog ang mga mata ko at napatayo nang marahas nang makitang umiilaw ang pulseras ko. It was a glow-in-the-dark bracelet!
"Whoa!" reaksyon ng katabi kong si Gideon dahil nahagip ko ang sapin ng mesa kaya nagtapunan at nagbasagan sa sahig ang mga plato at baso. Naramdaman ko ring may tumalsik na basa sa paanan ko.
Ang lahat ng kasama namin pati na rin ang mga nasa kalapit na mesa ay napatayo na rin marahil sa pagkabigla.
Hindi ko alam kung bakit nagmadali akong buksan ang bag ko para tingnan kung ganoon din ang isang pulseras na ako ang pumili kanina.
Kumalabog ang dibdib ko nang makitang wala, hindi iyon umiilaw ni kumikinang manlang.
Mas nagtahip ang dibdib ko at kahit na may natitira pa ring lamig sa loob ng malaking silid ay pinagpapawisan na agad ako. Nagugulantang akong nag-ikot ng paningin sa paligid, binabalewala ang mga sinasabi ng tauhan na pagpapakalma sa akin.
No. Yes. It's just a freaking bracelet that could freaking glow in the freaking dark! No, calm the shit down. Yes, something was definitely wrong in here.
Damn! Ito na naman ako! Nagpa-panic ako sa isang napakawalang-kwentang bagay! Ano ba, Yuki?! Kumalma ka nga!
Napadako ang tingin ko sa pulang liwanag na bumalandra sa bintana. Nasa ika-labing-isang palapag kami ng isang commercial building. Pero ano 'yong liwanag na nanggagaling mula sa labas?
Bakit iyon tumatagos sa salamin ng bintana at dumidiretso sa mukha ko, sa isang mata ko? Ngayon tuloy ay nakapikit na ang isang mata kong natatamaan niyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang mawala sa mata ko ang silaw at kusang nag-igting ang mga binti ko, handa na para sa pagtalon palayo.
Bakit, Yuki?!
Shit. What the hell was happening to me?!
"Yuki!"
Tila tumigil ang mundo ko nang tinalon ako ni Gideon kasabay ng napakalakas na tunog ng... baril?
Ni hindi ko na naramdaman ang pagkakadapurak at pagdagan niya sa akin na nakahiga na ngayon sa malamig na sahig. Nabingi na rin ako sa ingay at pagkakagulo ng mga taong hindi ko naman nakikita. Napatitig na lamang ako sa kisame—kadiliman dahil hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente.
Was I just almost killed?
#
Yes. The Yuki in here is the very same Yuki in The Heartless—Yuki is Snow in Japanese. Yuki is Winter Snow Alvarez.
But no, you don't need to read The Heartless to understand this. This may be a sequel but it can still stand alone. All questions will be answered in time.
Montreal consists only of 27 chapters plus a Prologue, and an Epilogue.

BINABASA MO ANG
Montreal
Science FictionMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...