Hello! Thank you for being patient with my very slow updates. Countdown to Snow's end na tayo. So far it took you 17 chapters (and three volumes if you also read The Heartless) to be in this part of Snow's story. Only 10 more to go!
Before I finally close the door to Winter's head, I would love to hear from you first. I'm encouraging you to voice out your questions, reactions, feelings, thoughts and comments on the story.
I'll be completing the story in a while. But like I promised, I will give you answers. Just kindly raise your questions. Ask so that you will be answered.
Thanks again! :)
17: Ace
Hindi ko pa man nasasagot ang tanong sa sarili dahil mukhang hindi na 'yon kailangan ay naramdaman ko ang pag-angat mula sa 'kin ni Gideon.
Maliksi niya akong itinaas at ibinalibag sa isang direksyon habang may putok ulit ng baril na nag-iingay. Gumulong-gulong ako at namanhid ang mga parteng nabubog ng mga nagtapunang pinggan at baso kanina.
My eyes adjusted to the dark on their own and I found myself recovering my composure quickly. Like this was all natural. Like this was just normal to my body. I started collecting the tiny shards of glass that pierced my arms and legs and neck. Sting followed.
"Shit!" mura ni Gideon na narinig ko sa kalagitnaan ng pagkakagulo ng mga tao. He dived at me, snatching the green bracelet away; he harshly pushed me again to another direction before jumping at a distance from where we were.
This time, my body made sure to not roll on the splinters and just land firmly on all fours. I saw the red light follow the glowing bracelet and hover around the tables just near it.
"Yuki!" tawag ni Gideon at walang pasubaling hinigit ako palayo roon.
Tinulak niya ang ibang nagpapanik na mga tao na inosenteng nahaharangan ang daan namin. Kitang-kita ko kung paano nagkakasakitan ang iba sa pagkakabanggaan dahil sa kadiliman. Marami ang nadadapa at tumatama sa kung saan pero nagpapatuloy pa rin sa sobrang takot.
"Fast!" sabay diin niya pa ng hawak sa palapulsuhan ko. Nalalagpasan na namin halos lahat ng mga nauuna sa amin kaninang pumanaog ng hagdan, hanggang sa kusa kaming napabagal nang makita ang trapik sa isang palapag. Maraming tao ang naipit do'n.
Walang pag-aalinlangan niyang binuksan ang isang pintuan samantalang ako naman ay napako ang paningin sa isang pamilyar na babaeng mukhang kahina-hinala. "Here. Let's go."
Nakapantalon at itim na diyaket ito. Her hoodie was almost covering her upper face as she eyed everyone around her with skepticism. She easily passed through the compressed bodies of people with her fluid persistence and strength. As she spared a glance in my line of vision, I immediately recognized her.
Nahila na ako ni Gideon sa loob ng isang silid nang nagbagong muli ng direksyon ng tingin ang babae.
"Dalian mo, Suarez." Ipinatong ni Gideon ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. Halos mabali ang leeg ko kakatunton sa patuloy nang nawalang babae pagkaraan nito sa iba pang mga nagsisigawang tao.
Namukhaan ko siya. Sigurado ako. Siya 'yong nanunuod sa amin noon ni Gideon. Noong bumibili kami ng fishball sa gilid ng kalsada... Matapos ay biglang umalis nang--
"G-Gideon...?"
Panyo? Bakit...? Ang ulo ko, ang paningin ko... Namamanhid ang mga paa ko.
**
"Where am I?" Hindi ko inasahang maisasatinig ko ang nasa isip ko na 'yon.
Tila lumilindol ang paligid dahil sa pag-ikot-ikot ng aking paningin. Mababagal at malalalim ang naging pagtahip ng dibdib ko dahil sa mabigat na pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Montreal
Science FictionMontreal gave me a life many would have chosen for themselves. But a big part of me was gone, my memories were lost, his sacrifice was made, and I staked a claim; I better not live this life any longer the way he wanted me to. No. Not like this. I w...