3

512 15 8
                                    

3: Eureka

Ang tunog ng kalapag ng mga upuang inaayos ni Lou ang sumabay sa impit kong sigaw.

"Snow—Yuki!" Ni hindi ko na nakilala kung sino ba ang tumawag sa akin nito dahil sa aking biglaang pagkawalan ng malay.

Nanlalabo ang paningin ko nang rumehistro sa aking isipan ang nagkukumahog na pagdalo sa'kin nila Storm, Lou at Kefira.

Ang sumunod ko na lamang na natalos ay ang pamamanhid ng likod ko at ang lamig ng sahig. Napapikit ako nang mariin hindi dahil sa epekto ng pagkakasadlak ko kundi dahil sa matinding pangingirot sa aking ulo.

Ang isa pang hindi ko inasahan ay ang nangyari sa pagpikit ko ng aking mga mata. Imbes na ang kadiliman ang bumati sa akin ay humantag sa akin ang hindi ko maintindihan na mga imahe.

Bastos na bumungad sa akin ang iba't-ibang larawan ng mga tao, lugar, at marami pang mga bagay. Wala akong naintindihan sa mga iyon. Pero may isa akong napagtanto sa kanilang lahat: Pawang malalabo sila gaya ng sa maruming salamin.

"What happened to her?" Isang tinig ng lalaki ang nakalusot at umabot sa akin sa kalagitnaan ng komosyon.

Ngunit dahil sa ugong sa aking tainga ay malabo ang kinalabasan ng boses. Hinulaan ko na lang na si Col ang nagsabi niyon dahil siya lang naman ang bumungad na lalaki kanina.

"I don't know. Bigla na lang siyang bumagsak. Namilipit siya at nagsisigaw."

"Sorry. Hindi ko sinasadya. I said something and—"

"Stay back," malabong boses ulit ni Col.

Napamulagat ako nang mabigla sa pag-angat ko mula sa kinahahandusayan. Dahil do'n ay naputol ang linya ng mga bastos na alaala.

Ang perpektong panga ni Col ang una kong nabatid kasunod ang kaalaman na binubuhat niya 'ko pabalik sa aking higaan.

I groaned as Col's nearness triggered my rapid heartbeats. The proximity was almost intolerable. How much more the physical contact? Realizing he had that effect on me, something within me somehow wanted him away because of the sting in my chest.

What's wrong with my heart—

"Ouch!" daing ko. Nagulantang ako sa angil ng sugat ko sa ulo. At dahil napapikit ako ay bastos na namang dumaloy ang mga piraso ng nakaraan ko.

Montreal.

Tila sirang plaka na namayani ang salitang iyon sa aking pandinig. Iba't-ibang klase ang pagkakasambit duon ng iba't-iba ring mga boses.

Sa parehong pagkakataon ay may mga silwetang nagkabuhay sa aking paningin. Masyadong malabo ang maaaninag ngunit parang iisa lamang istraktura ng katawan ang makikita.

Isa iyong lalaki. Matangkad, matipuno, at matikas.

Napapitlag ako nang dumoble ang sakit na idinudulot ng opera ko sa ulo. Naramdaman ko ang sariling pagkaldag sa malambot na kama maging ang mga paghawak sa akin ng mga tao. Kahit katawan ko ay nagwawala na sa sakit.

Sumigaw ako. Oo. Sigurado akong sumigaw ako ngunit hindi ko narinig ang sariling boses. Imbes ay nagpatuloy ang iba't-ibang tinig sa aking tainga na bumabanggit sa salitang Montreal.

Montreal, mariin na saad ng... boses ko.

Paano?

Sunod pang inawit ang misteryosong salita ng boses ko sa iba't-ibang paraan. Ang nangibabaw ay ang galit na pagbigkas.

Kung paanong dumating ang hunos ay ganoon din lumisan. Nawala ang mga imahe—malalabong alaala—maging ang mga tinig. Nagitla ang pagwawala ng sistema ko hanggang sa kumalma na rin ang aking buong katawan.

MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon