Tamara's Pov
Isang buwan ang lumipas simula noong gabing iyon pero nanatili pa din ang sakit. walang araw na hindi ko inisip na bakit sya nagbago sakin araw araw ko din syang namimiss bawat oras kong hinihiling na sana bumalik kami sa dati. Hindi yung ganito gabi gabi akong lumuluha dahil sa pakikitungo nya sakin.
Siya na ag halos nangunguna sa pambubully sakin ang dating nagtatanggol sakin ibang iba na ibang iba na syangayon hindi na sya ang yanyan na kilala ko masakit pero hindi na sya ang bestfriend ko simula nung gabing iyon.
FLASHBACK
Andito ako sa Park umaasang darating sya kahit alam kong malabo pagkatapos ko syang itext na makikipagkita ako agad syang sumagot na hindi sya dadating at wag na kong umasa. pero dahil makulit ako hindi mali dahil TANGA ako naghihintay pa din ako umaasa. anong oras na ? 7:56 na mag iisang oras na kong naghihintay.
Alam kong hindi sya dadating kaya ibinulong ko sa hangin ang gusto kong sabihin sa kanya ok lang magmukang tanga kahit nasasaktan ako. Sana madala ng hangin kay kobe lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Kaya pumikit ako at bumulong hindi ko maiwasang hindi maluha siguro muka na talaga akong tanga dito.
"Yanyan alam mo bang gusto kong mabulag kanina ? oo totoo yun kanina habang ang tingin nila sakin ayy napakaliit. Nakita ko ang tagapagtanggol ko diba ikaw yun ? ng mga oras na yun gusto kong isipin na hindi ikaw yun . Hinihiling ko na kukunin mo ko dun na ipagtatanggol mo ko pero nung nakita kita na walang ginagawa at kahit ilang kurap ang gawin ko hindi magbabago na ikaw talaga yun ang aking tagapagtanggol .ikaw na nakatingin sa akin habang ako umaasang sasagipin mo. Okay lang naman sakin yun basta sabihin mo ang dahilan mo. alam kong may dahilan ka sana sumipot ka ngayon na sana sa pag mulat ko nasa harapan na kita para kahit ngayon lang alam kong hindi ako umaasa sa wala"
Minulat ko ang aking mga mata umaasang makikita ko sya pero sa ikalawang pagkakataon nabigo na ako siguro nga mag isa nalang talaga ako sa mga oras nato.
aalis na dapat ako ng nakita ko sya... si yanyan nakapamulsa habang naglalakad palayo kinurap kurap ko ang mata ko pero hindi ako nagkakamali. Agad akong tumakbo tinawag sya ngunit hindi sya lumilingon hinabol ko sya hanggang naabutan ko na nga pag kaharap na pagkaharap nya walang emosyon ang muka nya parang hindi ako kilala.
"anong problema mo ?"
"a-eeeh kasi..."
"ANO ?"
Naiyak nanaman ako hindi ko akalaing sisigawan nya ko si yanyan ba talaga itong nasa harap ko hindi ako makapaniwala.
"Ganyan ka ba talaga lagi ? iiyak ka nalang kapag nasasaktan? nakakasawa ka na!"
"Yanyan *sniff* b-bakit wala ka kanina bakit hindi mo ko pinagtanggol *sniff*
"Tamara ano bang tingin mo sakin ? Body guard mo ? super hero ng buhay mo ? hindi sa lahat ng oras nandyan ako para sayo kailangan mong lumaban ng sarili mo hindi yung nakadepende ka sa magtatanggol sayo ! napakahina mo tamara"
"Yanyan bakit ka ba *sniff* ganyan b-bakit ka ba nagbago ? diba bestfriend mo ako bakit iniiwasan mo ako. ?"
"Unfortunately tamara BESTFRIEND ka lang anong gusto mo nakatali ako sayo ? palaging ikaw nalang ? may Girlfriend ako mas mahalaga sya kesa sayo. Nakakasawa ka na kung makapag demand ka akala mo girlfriend kita nasasakal ako tamara tigilan mo na to"
"s-sorry *sniff mahal na mahal na mahal lang naman kase kita pasensya na kung minahal kita hindi ko alam na nagtitiis ka lang pala sakin na nasasakal ka na pala dapat sinabi mo na nung una para hindi naman ako nagmukang tanga at naging pabigat sayo *sniff* hayaan mo sasanayin ko na ang sarili kong wala ka.
BINABASA MO ANG
All I Ever Need {COMPLETED}
Teen FictionPaano kung may isang taong naging parte ng mundo mo ? Yung sya na yung dahilan para mabuhay ka ? at BESTFRIEND MO PA TO? Tapos bigla ka nalang iniwan sa ere ? Makikilala mo ang isang antipatikong lalaki na hindi mo akalaing makakapagbago ng...