Aaron's Pov
Tuwing magkasama kami ni Tamara sobrang tahimik nya palaging malalim ang iniisip bihirang magsalita kung tatanungin ko naman kung anong problema nya ang palagi nyang sasabihin ok lang daw sya.
alam kong hindi..
nung isang araw hindi nya ako sinipot sa date namin kasi alam kong kakausapin sya ni kobe oo alam ko yun..
narinig ko rin lahat ng pinag usapan nila kaya naiintindihan ko kung bakit naguguluhan si tamara ngayon.. sa ngayon gusto ko muna syang magpahinga sa mga iniisp nya balak ko naman talagang sabihin sa kanya yung tungkol sa pagiging magkapatid namin ni kobe kaso naunahan ako..
nung isang araw gustong gusto ko na ngang sapakin si kobe nun ! nangugulo pa sya.. kaya ngayon wala akong ibang magawa kundi
magpanggap na hindi ko alam...
kunyari hindi ko alam na nag usap na sila ni kobe at umaktong parang normal lang kahit sa loob loob ko sobrang takot na ang nararamdaman ko kasi baka mas piliin nya ay si kobe..
aaminin ko nung una ginamit ko lang din sya pero nung malaman kong totoong nasasaktan sya totoong gusto ko na syang tulungan para sa sarili nya...
pero ang mas kinaiinis ko sa sitwasyon ay
lahat kami nahihirapan...
lahat kami nasasaktan at naguguluhan...
bakit ang kumplikado ng lahat ? hindi ba pwedeng maging masaya lang lahat ?
malaki din ang kasalanan ko kay kobe dahil sinisi ko sakanya ang pagkamatay ng mommy ko kahit wala naman talaga syang kasalanan nagig anak lang din naman sya..
kaya lang hindi ko maiwasang mag isip anong laban ko sakanya pagdating sa uso ni tamara ? kasama na nya yung lumaki eh ako ? months lang saksi din ako kung paano masaktan si tamara noon kaya anong panama ko sakanya ?
hindi ko na alam iisipin ko pa lang na mawawala sakin si tamara para na akong sinasaksak.. parang hindi ko kakayanin..
Pinahid ko yung luha ko at pinaandar yung kotse ko umalis na ako mga 4 na oras na yata ako nakatitig sakanilang dalawa.... para ko lang sinasaktan ang sarili ko..
Kobe's Pov
"bakit mo ba ako dinala dito ?" sabi ni tamara
"Gusto ko lang alisin ka na sa kwarto mo ilang araw ka ng nagkukulong doon sabi ni mamita mas maganda dito sa park para makapag relax ka"
"siguraduhin mo lang na marerelax ako ha"
"sus syempre naman ako ang kasama mo eh"
"nyenye.. pero parang hindi eh ang hirap mag relax kung andami mong iniisip"
"hayss ganto nalang pumikit ka muna"
"a-ayoko nga !" sabi nya hayss nagiging makulit nanaman sya
"dali na tamara isa !"
"oo na po"
"ngayon isipin mo na hindi kita nilayuan noon kahit ngayong araw lang isipin mo na ako pa din to si yanyan mo.. isang araw lang ibalik natin yung dating tayo.. masaya lang palaging nagkukulitan at walang aaron pwede ba yon ?"
tumango sya
"good" sabay pat ko sa ulo nya
"hindi ka parin nagbabago yanyan" sabi nya napangiti naman ako
"ooops anong hindi nagbabago parang kahapon lang magkasama tayo ah ?"sabi ko nag iimagine ako na parang wala kaming malungkot na pinag daanan
"abnormal ka talaga hahahahha"
![](https://img.wattpad.com/cover/31072648-288-k286581.jpg)
BINABASA MO ANG
All I Ever Need {COMPLETED}
Teen FictionPaano kung may isang taong naging parte ng mundo mo ? Yung sya na yung dahilan para mabuhay ka ? at BESTFRIEND MO PA TO? Tapos bigla ka nalang iniwan sa ere ? Makikilala mo ang isang antipatikong lalaki na hindi mo akalaing makakapagbago ng...