Chapter 22- Spy

134 26 0
                                    

Arriane's Pov

"Ano naman ang pumsok sa isip mo at gusto mong mag condo ?" bungad na tanong sakin ni lolo pagkadating na pagkadating ko sa mansyon..

"Masyado na kasing masikip ang mundo natin pag dito pa ko titira"

"Hindi mo manlang ako kakamustahin ? Magkapatid nga kayo" iling-iling nyang sagot ano bang problema nya ? andami nyang paligoy-ligoy

"Oo magkapatid talaga kami kaya hindi na ko magtataka kung pati si Aaron ngayon kinokontrol mo na din ! katulad ng ginawa mo sakin" hindi ko na mapigilan naiinis ako tuwing maaalala ko yun ang hirap kasi

"Hindi ba't parang huli na ang lahat para sisihin mo ako young lady ? Sa tingin ko naman ay napaganda pa nga ang buhay mo halos malunod ka sa pera"

at hindi ko na napigilan naiiyak na ko nakakainis ganun ba ang tingin nya sakin ? sarili ko syang lolo pero talagang kinamumuhian ko sya ng sobra sobra. lumapit ako sa lamesa nya 

"Ganyan ba ang tingin mo sakin ha ? Yung totoo ? Tinanggap ko lahat lo ! lahat iniwan ko Pati ang lalaking mahal ko para sundin ka ! Pero wag mo naman gawin pa to sa kapatid ko.. Wala ka na ba talagang Puso ?"

*slap*

"Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan ! alam ko ang ginagawa ko Hindi ako tanga ! Kung ako sayo Bumalik ka na ng paris at samahan mo ang asawa mo ! and That's Final"

"Sige hahayaan kong kontrolin mo ako pero. ito ang tandaan mo oras na malaman ko na gagawin mo din to sa kapatid ko sinusumpa kakalimutan ko ng may lolo pa ako"

at umalis na ko dala ang kadismayahan na dala ko sa lolo ko.. Bakit nya ba kasi kami kinokontrol bakit hindi namin hawak ang sarili naming buhay bakit ?

Kringggg

Calling Wayne......

"Helloo"

"HELLO ARRIANE ! BAKIT HINDI KA NAG PAALAM NA PUPUNTA KA NG PILIPINAS HA ?"

"i-im sorry"

"TALAGANG GINAGALIT MO KO ! PAG NALAMAN KONG NAKIKIPAG KITA KA SA LALAKI MO HUMANDA KA"

"PWEDE BA ! WAG MO SYANG IDAMAY ! SINAMAHAN KO LANG ANG KAPATID KO TSAKA PWEDE BA KAHIT NGAYON LANG HAYAAN MO MUNA AKO ?"

"YOU'RE MINE ARRIANE AKIN KA LANG ! MALAKI NA ANG KAPATID MO KAYA NA NYA YAN SUSUNOD AKO SAYO DYAN ! HINDI KA MAKAKA ALIS SA PUDER KO TANDAAN MO YA...."

*toot* Toot*

Ibinaba ko na yung callphone ko.... Si Wayne sya ang asawa ko.. ang asawa na ni minsan hindi ko minahal kasi sya ang nagpapaalala sakin kung gaano ka saklap ang buhay ko. Kami ni Wayne ay isang halimbawa ng Arrange Merriage Ipinagkasundo ako sa kanya ni Lolo kahit na may mahal akong iba. Wala akong nagawa ganun kalakas ang kapangyarihan ng Lolo ko lahat kaya nyang paikutin kahit buhay mo pa yun wala kang magagawa....

Palagi akong sinasaktan ni wayne napapagbuhatan pa nya ko minsan ng kamay, kahit maliit na bagay nag seselos sya sobrang possessive na parang kulang nalang itali nya ko sa leeg. ayaw nyang mawawala ako sa paningin nya.. at takot syang pumunta akong pilipinas kasi baka sumama nanaman ako sa lalaking mahal ko na minsan ko ng ginawa.

Pati sina Mommy at Daddy.. anak ni Lolo si daddy at Kinontrol din nito ang buhay nya sa pagkakaalam ko Mayaman ang pamilya ni mommy kaya sya ipinakasal dito kahit na may ibang mahal si daddy Yun ay ang Nanay ni Kobe.. Kaya sobrang nasaktan si mommy nun nung nalaman na may ibang babae si daddy na naging sanhi ng pagpapakamatay nya...... Buti nalang ako hindi ako kasing hina ni mommy, kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit na ganito ako kamiserable

All I Ever Need {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon