Chapter 35- Unexpected

100 18 0
                                    

Tamara's POv

Naninibago na talaga ako feeling ko kailangan kong alamin kung bakit ganun si aaron ang tahimik nya mula pa kahapon hindi nya ako kinikibo nag try na din naman akong kausapin sya hindi naman sya galit pero isang tanong at isang sagot lang sya haysss... kailangang gumawa ako ng paraan

"Kabute balita ko may ilog daw dun sa may gubat tara puntahan natin ! *0*" hindi ako pinansin wengya hard to get

"Samahan mo ko ha siguro masaya dun no tara na pleaseeee" this time hinila hila ko yung shirt nya

"pshh ! can you just stop ? you're annoying !" pag susuplado nya hay nako hindi ko talaga nagugustuhan pag nag eenglish na sya suplado eh pag nag eenglish pero hindi ako basta basta susuko no nek nek nya !

"Mr. Tansan *poke* pleaseeeee" sinundot sundot ko sya tagiliran
pero hindi pa din nya ako kinikibo

"wuii haney bunch lava cake ! *0* galit ka ba sakin ?" pinagpatuloy ko pa din ang pangungulit sa kanya

"can you please stop it ?! darn !" i guess wala talaga sya sa mood hayss ! umalis sya tss. walk out king huh !

sayang ngayon pa mandin yung free time tapos na ang mga activities namin nababagot na ako si roselle kasama si jake si sis naman kasama ni katsumi whaaaaaa ! mamamatay ako sa bored tapos galit pa ata sakin si kabute huhuhu whaaaaaaaa.

nagpagulong gulong ako sa kama wala na talaga akong magawa paniguradong yung iba mag eenjoy na balita ko may ilog daw dun sa gubat gusto ko pa mandin kang pumunta kasama si aaron kaso nireregla ata yung lalaking yun busett !

pero hindi ko na matitiis manatili dito kung wala akong makakasama pwes ako nalang sus para namang hindi ko kayang hindi sya kasama. nagbihis na ako at lumabas

Pagkatimgin ko sa may sala..

"Hahahahha grabe nman yun" sabi ni april na may hampas effect pa kay aaron

"Yea. Hahahha" aba langyang to sinungit sungitan ako tapos makikipag tawanan lang sa ibang babae ! Hmp ! Umalis agad ako nakaka asar

nakasalubong ko pa si kobe habng naglalakad ako

"ah-eh hi !" medyo napatawa naman ako dun sa dinami rami ng sasabihin hi pa talaga eh no

"hello" sabi ko at pareho kaming napa tawa sa inasal namin

"saan ka nga pala papunta ?" sabi nya at sinabayan ako maglakad

"pupuntahan ko sana yung ilog daw dito"

"ha ? ikaw lang magsolo ? hapon na oh delikado na bakit hindi mo kasama si aaron ?"

"Tss. yung kabute na yun ! nakakaasar ! may bukod sa nireregla sya kaya ang sama ng mood nya kanina sakin aba nakita ko pang nakikipag tawanan kay april wengya nakaka asar talaga ! nagpasama naman ako sa kanya eh winalk outan ako then makikita ko arghhh !"

"it seems na nag seselos ka" sabi nya

"ha ? oo naman syempre dapat sakin lang sya eh hehehe" sabi ko nalang mabubuking ako eh pero nag seselos daw ? sus hindi no magsama pati sila ng april nya busett !

"Halata na tamara mahal mo talaga si aaron no" sabi nya

"Yea." Tipid na sagot ko hindi ko alam kung paano mag rereact pero totoo nga kaya ?

"Kapag talaga inlove ka sa isang tao yung mga bagay na hindi mo inaakalang gagawin mo ay magagawa mo... may pagkakataong hindi mo maiiisio na mangyayari sayo ang mga sitwasyon masarap mainlove pero kakambal nito ang pasakit nandyan na ang selos, ang hinala at iba pa minsan hondi mo akalaing nagsasakripisyo ka na sa isang taong mahal mo.. doble naman ang sakit kapag ang taong mahal mo ang sumira sa tiwala mo ! Maraming kaakibat ang pagmamahal may iba iba tayong version ng pagmamahal pero ang mahalaga maging totoo tayo at maging masaya sa piling nila"

All I Ever Need {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon