Aaron's Pov
4 days has past ! puro Group activity hindi ko manlang makasama si tamara palagi nya pang nakakasama si kobe tsk.
"NGAYON BY PAIRS ANG ACTIVITY NATIN DITO MASUSUKAT ANG TIWALA NYO SA ISAT-ISA" sabi ni mr. Martinez
Palagi nalang tss. Kelan ba to matatapos !?
"Sa Unang Pairs Tricsha and Katsumi"
Lumapit silang dalawa pinatalikod si tricsha at piniringan nakatayo din sya sa isang bangko kaya mataas sya samantalang nasa likod lang nya si katsumi na .
"Ang gagawin mo tricsha ay hihiga ka ng walang pag aalinlangan at sasambutin ka ni katsumi. Masusukat dito kung gaano pinag titiwalaan ang isang tao" saad pa nito
"Katsumi tandaan mo pag ako nagkasugat kahit galos lang kakalbuhin kita" banta ni tricsha kay katsumi
"Hindi naman kita hahayaang mafall lang sa floor wag kang mag alala sasambutin kita" sabi ni kats
"NAKS ! SUMESEGWEYY !" hiyaw ni jake tss. napakadaldal talagang nilalang nato
At nabuhal na nga si tricsha at nasambot naman to ni katsumi
"Isa lang ang ibig sabihin nyan Pinagkakatiwalaan ka ni Tricsha, katsumi" sabi ni mr martinez
"Hindi no ! takot lang sakin ni katsumi pag nagkasugat ako" depensa ni tricsha.. tss. Indenial pa
At sumunod na yung iba Pero kulang kami sa babae kasi na injured si april dahil sa activity kahapon. Kaya wala akong pair
"Next pair Tamara and Kobe"
Pumwesto na si tamara sa bangko at si kobe sa likod shet bakit ba ko kinakabahan ?
Bago pitingan tumingin sakin si tamara at ngumiti hindi ko alam pero akit hindi ko magawang ngumiti ng pabalik sakanya ?
"READY 1...2..... AND GO... TAMARA ANO BA BAKIT HINDI KA MAGPATUMBA ?" sigaw ni mr. Martinez
"S-sorry " tanging sabi nya
"OK ULITIN NALANG NATIN READY 1....2.....AND GO"
"WHAAAA" sigaw ni tamara pero nasambot naman sya ni kobe
"thanks god hindi ako nahulog" sabi ni tamara
"Hindi na kasi kita hahayaang masaktan" sabi naman ni kobe na nagpakunot ng noo ko anong ibig sabihin nya don ?
"MEDYO MAY PAG AALINLANGAN KA PA TAMARA NA HINDI KA SASAMBUTIN NI KOBE PERO HINDI KA NAMAN NABIGO HINDI NASAYANG ANG IYONG PAGTITIWALA" sabi ni mr. Martinez
Tss. Kahit naman ako ang nasa tayo ni tamara baka hindi lang madalwa tatlong isip pa ko hindi katiwa tiwala yang si kobe
"DAHIL INJURED PA SI APRIL WALANG MAKAKAPATEHA SI AARON KAYA TAMARA TUTAL IKAW AY BIGO SA ACTIVITY MO KAY KOBE PWEDE KANG BUMAWI KAY AARON" Sabi ni Mr. MARTINEZ kaya agad pumunta si tamara sa bangko at binilisang mag piring
"READY 1....2... AND TAMARA ! WALA PANG GO BAKIT NAGPABUHAL KA AGAD ? BUTI NALANG AT NASAMBOT KA NI AARON. PERO WAG MO NG UULITIN YUN DAPAT MATUTO KANG SUMUNOD PAANO NA LAMANG KUNG HINDI KA NASAMBOT ? MASYADONG MALAKI ANG TIWALA MO KAY AARON TAMARA" sabi nito
"Sorry^^" sabi ni tamara
Napangiti naman ako doon atleast sakin walang dala-dalawang isip diba.
**
Lunch time na halos nasanay na kaming lahat kumain sa dahon budol fight kung baga. as usual groupings pa din kaya nakahiwalay ako kay tamara. namimiss ko na sya hayss.
BINABASA MO ANG
All I Ever Need {COMPLETED}
Teen FictionPaano kung may isang taong naging parte ng mundo mo ? Yung sya na yung dahilan para mabuhay ka ? at BESTFRIEND MO PA TO? Tapos bigla ka nalang iniwan sa ere ? Makikilala mo ang isang antipatikong lalaki na hindi mo akalaing makakapagbago ng...