Chapter 43- Space

88 19 0
                                    

Aaron's Pov

Ilang araw na akong lugmok walang ganang kumain o kahit na lumabas ng kwarto ko hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ito na ba yung kinatatakutan ko ? mas pinili na ba nya talaga si kobe kesa saakin ?

Akala ko magiging masaya na kami eh tss. akala lang pala nilagok ko yung beer sa tabi ko wala ng kwenta ang buhay ko wala na.. !

Napapaluha nalang ako pag naaalala ko ang mga sinabi nya kagabi

Flashback

Pinapunta ako ni Tamara sa kanila exited ako kasi pakiramdam ko ok na kami kasi kakausapin na nya ako ..

"aaron nakausap ko nung isang linggo si kobe at pinag isipan ko itong mabuti"

"anong sinabi nya sayo ?" nag akto akong hindi ko alam

"aaron bakit hindi mo sinabi ? bakit nilihim mong kapatid mo pala sya ?"

"t-tamara kasi.."

"totoo ba ?"

"na ano ?"

"ginamit mo lang ako para makaganti sa kanya ?"

"hindi tamara maniwala ? oo nung una intensyon ko yun pe..."

"tama na ang paliwanag aaron tama na ang narinig ko ang dami kong nalaman tungkol sayo sabihin mo nga ano pa ba ang mga tinatago mo ? aaron alam mong open ako sayo sa lahat ng bagay tapos ikaw ano ? naglilihim ka ? bakit hindi mo sakin sinabi agad ?"

"natatakot ako tamara na baka mawala ka sakin"

"at sa tingin mo hindi ako mawawala sayo kapag inilihim mo to ? paano kung hindi pa sinabi sakin ni kobe yun ? edi nagmumuka pa rin siguro akong tanga ngayon"

"i-m sorry"

"tama na aaron magpahinga muna tayong dalawa kailangan muna natin ng space para makapag isip isip sa mga bagay bagay.."

"tamara wag ka namang ganyan hinihiwalayan mo na ba ako ? hindi mo na ba ako mahal ?"

"mahal kita pero naguguluhan na ako space ang kailangan ko aaron wag mo na muna akong kausapin"

END OF FLASHBACK

pagkatapos ng pag uusap naming yun parang gumuho yung mundo ko hindi ko na alam ang gagawin ko paano ba sya maibabalik sakin ?

"tol. si jake to pwede ba akong pumasok ?"

"pasok" sabi ko

Jake's Pov

Kasama ko si katsumi at Kirby pumasok kami sa kwarto ni aaron sobrang gulo ng kwarto nya parang binagyo nagkalat ang pictures nila ni tamara may basag na bote ng beer.. ang laki ng eyebags nya tapos naabutan namin syang naiyak habang nakatitig dun sa music box na regalo ni tamara noong monthsarry nila

kahit kami hindi namin lubos na maisip na ganito ang kahahantungan ng dalawa

"tol. awat na para namang hindi ka si aaron nyan eh diba cool ka ? mag ayos ka na" si katsumi ang bumasag ng katahimikan

"space.....gusto na daw nya magpahinga eh" sabi ni aaron

"tinetext mo pa rin ba sya ?" tanong ni kirby

"Tanga ka ba ? malamang oo *hik* ! araw araw minuminuto ! pero kahit isang tuldok *hik* walang reply eh. pshhh teka nga itetext ko ulit" akmang kukuwanin nya yung cp nya ng inunahan na sya ni kirby

"Tol. akin na yan *hik* itetext ko sya baka di pa yun kumakain *hik* tanga pa naman yun *hik*" halatang lasing na lasing na sya sa tanang buhay ko ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka wasak

"Tumigil ka aaron hayaan mo na muna sya wag mo na munang kulitin kasi panigurado ako ngayon naguguluhan na yun sa nararamdaman nya" sabi ni kirby

"tarantado ka ba ? *hik* baka balikan nun shi *hik* kapatid si kobe ! ah pag nangyari yun *hik* kita mo to ?" tinuro nya yung pulso nya "hihiwain ko to hikhik" hindi ko na napigilan sinuntok ko na sya

"PARE UMAYOS KA NGA ! GUMISING KA HINDI IKAW YAN EH HINDI SI AARON YAN SI AARON HINDI SUMUSUKO MALAKAS YUN EH !KUNG HUMINGI LANG SI TAMARA NG SPACE SAYO PERO HINDI KA NYA INIWAN ! BABALIK YUN SAYO ? T*NGINA KAILAN PA NAPANGHINAAN NG LOOB ANG ISANG AARON CLYDE VILLALUZ ?" sabi ko para magising sya sa katotohanan ayokong nakikita syang ganyan

"*Hik* tama ka pare humingi lang sya ng pahinga hindi nya ko *hik* iniwan shorry mga pare at salamat na din nagising na ako.. shiguro sa ngayon magtitiwala *hik* nalang ako sakanya alam kong babalikan nya ako mahal nya *hik* ako hindi ba?" at dahil dun sabay sabay kaming nagkatinginan at nilapitan si aaron at nagtawanan at binatukan ang isat-isa

Tricsha's Pov

kasama ko ngayon si roselle pupuntahan namin si siis sa appartment nya nabalitaan ko na kasi ang nangyari sa kanila ni aaron. at tama nga ang hula namin nagkukulong nanaman sa kwarto itong si tamara

"bes ok ka na ba?" sabi ni roselle kay tamara at niyapos niyakap ko rin si tamara pagkakita ko sakanya malaki na ang eyebags nya at halatang kagagaling lang sa iyak mugto pa kasi ito

"bes, siis hindi ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako" nagkatinginan kami ni roselle

"ano bang nangyari ikwento mo" sabi ko

**

nalaman namin ang lahat yun pala ang dahilan ni kobe ? nakaramdam agad ako ng awa sa kanya nung nalaman ko ang dahilan nya..

"bes may tanong kami nung magkasama ba kayo ni kobe anong naramdaman mo ?"

"masaya, kasi namiss ko sya parang bumalik kami sa dati

"may times ba habang magkasama kayo naiisip mo si aaron ?" sabi ko naman

"madaming beses"

"nagagalit ka ba ngayon kay aaron kasi naglilihim sya?" sabi ni roselle

"hindi nagtatampo lang ako kasi open ako sakanya samantalang sya ang dami ko agad hindi alam tungkol sakanya"

"naniniwala ka bang ginamit ka lang nya?" sabi ko

"hindi ko alam"

"satingin mo ba hahantong kayo sa pagiging BF/GF kung ginamit ka lang nya ? naramdaman mo ba na minahal ka nya?" sabi ni roselle

"halos araw araw nyang pinararamdam sakin yun.. palagi nyang sinasabi na mahal nya ako at wag ko syang iiwan..."

"edi mahal ka talaga nya hindi pa ba sapat yun?" sabi ko

"ewan ko na"

"nung panahong magkasama kayo ni kobe hindi mo ba alam ang mararamdaman ni aaron kung makita nya kayo ? hindi bat naglilihim ka na rin sakanya ? nilihim mong nakipagkita ka kay kobe. aware ka bang matatakot sya kapag nalaman nyang baka babalikan mo na si kobe kasi humingi ka ng space?" sabi ni roselle

"hindi ko naisip yun"

"exactly kasi ikaw naman siis eh sarili mo lang iniisip mo masyado ka ng nag focus sa fact na nasaktan ka nya na hindi mo na alam na sa ginagawa mo pati sya nasasaktan na din.. and si kobe humihingi sya ng chance hindi mo sya nirereject kaya siis lahat kayo nasasaktan ngayon kailangan mo ng mag desisyon mamili ka na para lahat kayo maging malaya." sabi ko naman

"sige bukas na bukas salamat siis, bes" niyakap nya kami

"bruha ka ! naging love guru pati ang peg ko ngayon wag mo ng uulitin yun ah" sabi ko

"oo nga bes ! di ko keri ang ganitong sitwasyon osya tama na ang drama maligo ka na mag mamall tayo ng maiba ang atmosphere mo"

tinext ko na si katsumi pagka tayo na pagkatayo ni tamara dumeretso na syang cr..

To: Katsumutsu ^^ 09*********

mission accomplish ! bukas daw sabi ni tamara kamusta si aaron ?

From: Katsumutsu ^^ 09*********

approve (Y) rock n' roll

nakita ko naman si roselle tinetext si jake napailing nalang ako nagkatinginan kaming dalawa abay apirr.

__________________________________________

All I Ever Need {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon