Chapter 1

1.2K 26 4
                                    

jimingel (oh ayan, para ito sayo.. )

"nak,anong maganda? itim o pula?" -tanong ni Marian sa anak na si Maine.

namimili sya ng damit na isusuot para sa meeting nya kinagabihan at dahil nakatambay nanaman si Maine sa kwarto nila ay ito ang hinihingan nya ng payo.

" kahit ano dyan nay,sayo parin titngin si tatay" sagot ni Maine na hinidi sya tinitignan at busy sa pagkutkot ng cellphone nito.

"given naman yon anak,ngayon pa ba sya titingin sa iba pagtapos nyang makalima sakin?" sagot naman nya dito bago umupo sa harap ng dresser upang umpisahan ng magayos ng sarili.

"nay maganda naman ako di ba?" out of the blue ay tanong ni Maine.

sandaling nilingon ni Marian ang anak bago sumagot habang nag aayos sya ng make-up..

"sino bang nagsabing pangit ka? ano ka ba Menggay,anak kita kaya walang dudang maganda ka,sayo pa ba kami papalya ng gawa eh pang apat kana?" -Marian

Sa limang anak ni Marian,ang pang apat na si Maine ang may pinaka mababang self esteem.,minsan ay hindi pa nito nasusubukan ang isang bagay ay naiisip na agad nito na hindi nito kaya.,un lang naman ang nakikita niyang iba dito pero ito din ang pinaka makulit sa lima.

"meng!"

sabay na napalingon si Marian at Maine sa pinto ng biglang pumasok si Colleen ang pangatlo sa limang mag kakapatid..lumundag ito sa kama at tumabi kay Maine..

"ano?" - Maine

"andyan na ung bagong kapitbahay,naglilipat na sila" -Colleen

"talaga?" -Marian

"oo nay..ang gwapo nga ng anak nila eh.,bagay saken" -ngiting ngiting sabi ni Colleen

"pag gwapo bagay sayo agad?d ba pwedeng sakin muna?" -sabi ni Maine na tumayo sa kama at naglakad palapit sa pinto..

bumangon si Colleen, "saan ka pupunta?"

"sisilipin ko ung gwapong sinasabi mo na mas bagay sakin kesa sayo!" -sabi ni Maine bago tumakbo palabas ng pinto..

Halos sabay ding nakalabas sa gate si Maine at Colleen..kunyari ay sadya lang talaga na napalabas sila ng gate..lumingon lingon sila sa kalsada ng subdivision bago pasimpleng kunyari ay lumingon sa mga naglilipat sa tabi ng bahay nila..

"asan na?" -bulong ni Maine

" ayan sya" -sabay turo sa lalaking papalabas sa gate na puti kagaya ng gate nila..

Naka jagger pants ito at puting t-shirt na v-neck..

"ang gwapo no?kaso suplado" -Colleen

"paano mo nasabe?"- Maine

sabay silang tumingin sa lalaking tisoy..sakto naman na tumingin din ito sa gawi nilang magkapatid..

"iirapan kalang nian" -bulong ni Colleen

nginitian ni Maine ang bago nilang kapitbahay at halos malaglag ang panga nilang magkapatid ng ngumiti din ito sa kanya..at kumaway pa..labas ang biloy nito sa isang pisngi..

nakakalokong tumingin si Maine sa ate niya bago sinuklian ng kaway ang kaway nito..

---

Nakaupo si Alden sa veranda ng bago nyang kwarto habang hawak ang guitara.. napatingin sya sa katabing bahay nila..malaki din at maganda ang bahay na kulay light yellow..malamig sa mata ang kulay ng pintura kaya lalu itong gumanda pwera pa sa magnda talaga ang pagkakayari nito..may veranda din ang kwarto ng bahay na yon na nakatapat sa veranda ng kwarto niya..napangiti sya ng maalala ang dalawang babae kanina na lumabas sa gate ng bahay na yon..parehong maganda ang dalawa pero ang hindi mawala sa isip nya ay yung isa na kuway sa knya pabalik..

naiiling na ngumiti ang binata bago nagsimulang tugtugin ang guitara..tyaka kumanta..

"You dont run with the crowd

You go your own way

You dont play after dark

You light up my day"

"Got your own kind of style

That sets you apart

Baby, thats why you capture my heart"

sandaling tumigil si Alden at idinilat ang kanyang mata mata..sandali syang natigilan at kapagkuway napangiti ng sa katapat na veranda ng kwarto nya ay nandoon ang babae na kanina pa nya iniisip mula ng makita nya ito sa labas ng gate..nakasalumbaba ito habang nakatingin sa kanya at nakikinig sigurado..ngumiti ito sa kanya ng mahuli nya itong nakikinig at nanonood sa kanya..

parang may kung anong sumipa sa dibdib nya ng ngumiti ito..hindi iyon pinansin ng binata at itinuloy ang pagtugtog at pagkanta dahil parang naghihintay ang audience nya ng kasunod sa kanta..

"I know sometimes you feel

Like you dont fit in

And this world doesnt know

What you have within,

When I look at you

I see something rare

A rose that can grow anywhere

(Grow anywhere)

And theres no one I know that can compare,

What makes you different

Makes you beautiful

What's there inside you

Shines through to me

In your eyes I see

All the love I'll ever need

(Youre all I need, oh girl, girl)

What makes you different

Makes you beautiful to me"

nag Thumbs up ito sa kanya ng matapos syang kumanta..kumaway naman sya dito tyaka sumigaw ng:

"anong pangalan mo?" -Alden

kumunot ang noo nito na parang nagtatanong..

sumigaw ulit si Alden.

"anong pangalan mo?" -Alden

imbes na sumagot ay sumenyas ito sa kanya at sinasabing sandali lang..saglit itong pumasok sa loob ng kwarto at pagbalik nito ay may hawak na itong maliit na white board at pen..sandali itong nagsulat at iniharap sa gawi nya..

Ano?? - Maine

sumenyas din si Alden ng sandali lang tyaka mabilis na pumasok sa loob ng kwarto nya at hinagilap ang white board na ginagamit nya para sulatan ng mga reminders nya araw araw..

Anong name mo? - Alden

nagsulat ulit si Maine sa white board nya..

"Maine,ikaw anong pangalan mo?" -Maine

"Richard Faulkerson, jr" -Alden

"cute" -Maine

"alin?ung pangalan ko o ako?joke!" -Alden

"grabe sya oh.."- Maine 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

eeehhh..kamusta?...like nio ba? na-try ko lang gumawa ng fanfic kung effective..hahaha..

a Certified AlDub fan here!

In God's Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon