Chapter 1
Dedicated to @Reeckoh. Thanks sa comment. Salamat naman at nagustuhan mo yung title at mukhang excited ka pang mag-update ako dito. Super Duper Thank Youuuu! :*
**
"Happy Anniversary Baby!" hinalikan ko siya sa left cheek niya. Nginitian ko lang siya tsaka inabot ang Anniversary gift ko sa kanya.. Nandito kami sa Park na nasa subdivision namin. Dito ang meeting place namin ni Zero..
"Ahm. Thanks.." sambit niya matapos niyang tanggapin ang gift ko sa kanya..
"Ikaw?" tanong ko sa kanya. Tahimik lang kasi siya at naka-tingin sa malayo. Parang wala lang sa kanya na nandito ako sa tabi niya..
"H-ha? Anong ako?" nag-tatakang tanong niya sa akin. Bakit ba lumilipad ang utak niya?!
"Wala ka bang gift sa akin ha?" tanong ko sa kanya. Dati naman kasi kahit walang okasyon binibigyan niya ako ng Flowers, chocolate o kaya gifts.. Nakakapag-taka lang talaga..
Bigla siyang yumuko..
"Sorry.." sambit niya. Nakayuko pa din siya sa akin habang nag-sasalita.. "I-im sorry Cessy.." bigla akong napa-tingin sa kanya pero sa lupa na puro damo pa din naka-tingin..
"Ah.. Ok lang yun Z.. Lagi ka naman may regalo sa akin diba? At least magkasama tayong dalawa ngayon.." tahimik pa din kaming dalawa.. Para kaming tangang nag-hihintay kung sino sa amin ang unang mag-sasalita. Nakakapanibago din kasi ang pagiging tahimik niya..
Hindi ko na napigilang hindi mag-salita..
"Tara punta tayong Mall, Z.." ako na mismo ang nag-hila sa kanya patayo.. Walang mangyayari kung hindi ako ang mag-aayang mamasyal.. 2 years na kami ni Z kaya ok lang naman sa akin na ako ang mag-yaya sa kanya dahil matagal na naman kami at wala ng ilangan sa aming dalawa.
"Yun ba talaga yung gusto mo?" napatigil ako sa pag-lalakad ng mag-salita siya. Ano bang sinasabi niya?
"Ha? Ano ba sinasabi mo?" nag-tatakang tanong ko sa kanya..
"Gusto mo ba talagang pumuntang mall?"
"Ha? Of course Z! Anniversary natin diba? Lagi naman nating ginagawa 'to diba? Lagi tayong namamasyal." hindi ko alam kung bakit siya nag-sasalita ng ganito. Bakit parang ang cold niya sa akin?
"Fine. Let's go, kailangan ko ding umalis agad dahil may pupuntahan pa ako.." nag-patuloy lang siya sa pag-lalakad. Pupunta kami sa pinag-park-an ng kotse niya..
"Aalis ka agad? Eh diba dapat nga i-ispend natin 'tong araw na ito para mag-celebrate?" tanong ko pagka-sakay ko sa passenger seat. Tinignan pa niya ako na parang sinasabing 'Bakit ka dyan umupo?' hindi ko nalang pinansin dahil baka nagka-mali lang ako ng intindi..
"Saan ka ba kasi pupunta?!" singhal ko kay Z. Naiinis na kasi ako sa kanya eh! Wala pa kaming isang oras dito sa Mall pero aalis na siya agad..
"Wala ka na don!" nagulat ako ng sigawan niya ako. Ngayon lang niya ako nasigawan ng ganito, hindi naman kasi kami nag-aaway lalo na't sinigawan niya ako sa public place.
"Z, ano bang nangyayari sayo? Ha? Sabihin mo sa akin, may problema ka ba?" nag-aalala na ako sa mga kinikilos niya. Hindi ko din naman alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
Hindi pa din siya sumagot pero nag-lakad siya palayo, sinundan ko lang siya hanggang maka-rating kami sa parking lot. Tinanong ko pa siya kung anong problema niya..
"Z, ano ba ka---"
"Gusto mo ba talagang malaman?!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako sa pag-sigaw niya. Hindi ko akalain na ganon niya ako kalakas sisigawan. Mas malakas sa sigaw niya kanina. Itong sigaw niya parang sama-samang emosyon. "Ayoko na Cess. Ayoko na..." hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan.
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!