CHAPTER 3

424 9 3
                                    

Chapter 3

"Nag-sinungaling ka sa akin!" sigaw ko. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman kong galit. Tumayo na ako saka ko pinaramdam ang galit na nararamdaman ko.

*Pak*

"Kung hindi ka nag-sinungaling sana masaya tayo! Sana hindi ako nasasaktan ng ganito ng dahil sa walang kwenta mong dahilan!! Sana... Sana mas- *sob* masaya sana tayo." hindi ko na kaya. Bakit ba ganito ang mundo? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang ako? Edi ok na.

"S-sorry. Yun ang gusto nila.. Wala akong karapatang suwayin sila, kapakanan mo lang ang iniisip nila para sayo.." yan nalang ang palagi kong naririnig. Nakakasawa ng makinig.

Tumayo na ako at nag-lakad palayo.. "Sana mapatawad mo pa ako." mga huling salita niya bago ako tuluyang umalis sa lugar na yun.

---

"Bakit ganyan ang itsura mo?" bungad sa akin ni Mark. Hindi ko siya pinansin, dumiretso na agad ako sa upuan ko na katabi ng kanya. "Ay dedma. Ohh, para sayo daw yan.." sabay abot ng.. Photo Album?

"T-teka. Bakit ito?" naguguluhan kong tanong kay Mark.

"Ha? Choosy ka pa niyan?" sagot naman ni Mark.

"H-hindi yun ang ibig kong sabihin.. Bakit na sa'iyo ito? Binigay ko kay Z ito ha?"

"Pinabibigay niya yan eh.."

"Ha?! Bakit? Nasaan ba siya? Ha?! S-sakanya ito eh." hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Basta ang alam ko lang ay binigay ko kay Z ito nung 2nd Anniv. namin pero bakit niya ibinabalik sa akin? Ganun na lang ba?

Lumingon ako sa paligid ko pero wala akong Z na nakita.

"Asan ba siya?!" nagmamadaling tanong ko kay Mark. Naka-tingin lang siya sa akin kaya naman hindi ko na siya hinintay na mag-salita. Bakit pa? Eh naka-tingin lang siya sa akin na para bang wala akong nakita.

Tumakbo na ako palabas ng room namin para hanapin si Z. Pumunta na ako sa canteen, sa ibang classroom, play ground, covered court, auditorium... Kahit sa faculty.. Wala siya.. Lalabas na sana ako ng Main gate ng school para maipag-patuloy ko yung paghahanap ng may mag-salita.

"Wala na si Zero... Nasa States na siya.." bigla akong napa-lingon sa nag-salita. Biglang nag-bago ang itsura ko sa lalaking naka-tayo sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong sa kanya. Galit naman talaga ako sa ginawa niya.

"Gusto ko lang sabihin na wala dito yung hinahanap mo. Umalis na siya.. Pumunta na siyang States." namilog ang mata ko. Tumakbo na ako papunta sa classroom para tanungin si Mark tungkol sa sinabi ng lalaking ito ng muli siyang nag-salita. "Ganyan mo ba talaga siya ka-mahal? Ha? Kahit sinabi ko ng wala na siya pinipilit mo pa ding hanapin siya." alam kong puno ng hinanakit ang mga sinabi niya base na din sa tono ng boses niya habang sinasabi niya ang mga salitang yun. Hindi ko na siya pinagkaabalahang lingunin. Nag-salita na ako.

"OO. Ganun ko siya ka-mahal.... Kasalanan mo naman ito diba? Kung hindi mo ginawa yun sana hindi ako ganito, sana HINDI siya ang hinahanap at hinahabol ko. Hindi mo ba naisip yun ha? Na sana lahat ng ginagawa ko sa kanya ay DAPAT para sayo. Kaso ano? Ipinag-tulakan mo ako palayo sayo..." tumigil ako saglit para mapigilan ang nagbabadyang luha. "Ngayong lumayo na ako saka mo ako hinahatak pabalik sayo? Sorry. Hindi ako magpapahatak sayo." tuluyan na akong tumakbo palayo sa kanya bago pa niya malaman na umiiyak ako. Ayoko na.

"Oh my God! Anong nangyari sayo Girl?! S-sinong nagpaiyak sayo?" nag-hihysterical na tanong ni Mark. Oo ni Mark. Alam niyo naman na siguro kung bakit ganyan siya mag-salita, hindi ba?

Nanatili lang akong umiiyak. Hindi ko siya sinasagot.. Hindi ko din alam kung anong sagot sa tanong niya.. Umiiyak ba ako dahil umalis na si Zero at sina-uli niya ang binigay ko sa kanya? O dahil sa nalaman ko kay Alden at sa mga sinabi ko sa kanya kanina? Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa inaakto ko. Tama pa ba na ganito ang maramdaman ko? Tama ba na dalawa ang m----

"Tahan na Girl, tatawagan ko lang sila May at Pia para malaman nila kung anong nangyari sayo kasi pati ako hindi ko na alam ang gagawin ko eh.." lumayo siya ng kaunti sa pwesto ko saka niya dinial ang mga numero nila Pia at May.

"Ano bang nangyari sayo Jell ha? Kanina ka pa umiiyak diyan. Hindi nanamin alam ang gagawin namin sayo.." biglang nag-salita ang tahimik na si Pia. Isa siya sa kaibigan ko sa ibang section.

"Gusto mo bang umuwi na ha?" tanong naman ni May. Alam ko namang nag-aalala sila pero hindi ko pa din masabi kung bakit ako nagkakaganito. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong nila. Ang dami ko ng iniisip. Gusto ko namang magpahinga.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon