Chapter 9
"Z-zero," siya ang naka-higa sa puting kama. Nakumpirma ko lalo na siya iyon ng magulat siya ng makita ako.
Nabitawan niya kasi ang isang litrato.
Mukhang iniiyakan niya ang litratong nabitiwan niya...
At ako ang laman ng litratong iyon....
"Cess?!" sinubukan niyang tumayo pero... pero kita kong hindi niya kaya. Sa itsura palang niya alam ko ng mahina ang katawan niya.
Pumayat siya at ang putla niya.
Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa direksyon niya. Gusto ko siya hawakan pero pakiramdam ko kapag nahawakan ko na siya bigla siyang mawawala sa harapan ko.
Napahinto pa ako sa gitna. Nag-dadalawang isip kung lalapit ba ako o hindi. Hanggang sa may bumukas ng pinto ng kwarto niya.
"Anak, kailangan mo ng uminom ng gamot m--- Ivana?!" s-si Tito Lloyd. Ang taong akala kong nakahiga sa kamang nasa harapan ko. Napatigil lang siya sa harapan ko saka ako tinignan at ininspekyong mabuti.
"B-bakit ka nandito?" tanong niya. Pinigilan kong maiyak sa harapan nila. Dahil may pumapasok na sa utak ko na kung ano-ano.
"M-may gusto po kasi akong malaman eh," tumingin ako sa direksyon ni Zero. Hanggang ngayon ay naka-tingin pa din siya sa akin at hindi makapaniwalang nandito ako sa kwarto niya. Sa harapan niya...
"Pwede po ba kayong maka-usap Tito?" tumango naman ako at lumabas na kaming dalawa. Yung nurse nalang ang natira sa loob ng kwarto niya. Hindi ko namalayan na may kasamang Nurse si Tito Lloyd.
"Gusto mo bang mag-kape muna?" pumayag na ako saka kami pumunta sa bilihan nito at pumunta sa garden ng Ospital na 'to..
"Tito? A-anong kinalaman niyo kay Tita Ann?" nanlaki ang mga mata niya na naka-tingin sa akin. Base na sa naging reaksyon niya alam kong kilala niya si Tita Ann.
"H-ha? Sino y-yun?" nauutal pa niyang sambit sa akin.
"Don't deny it Tito. Alam kong may alam ka.." humigop ako sa hot chocolate na hawak ko. Oo nga pala bawal ako sa kape kaya si Tito lang ang umorder ng kape.
"Ano bang gusto mong malaman?" halata sa boses ni Tito Lloyd na pinipigilan niya ang bawat pag-hinga niya. Kinakabahan ba siya??
"Lahat.. Sa simula.. Kung bakit kayo ang nag-bayad ng utang ni Tita Ann kay Mommy at kung bakit nandito s-si.... s-si Z-zero," hindi ko napigilang humikbi ng banggitib ko na ang pangalang Zero. May kung anong humaharang sa lalamunan ko.
Dahil ba sa naiisip ko ang kalagayan ni Zero?
May sakit ba siya?
Anong sakit niya??
Bakit niya ako iniwan nalang basta-basta..
"Sana huwag kang magalit sa akin.. Sa ginawa ko... Kapag nalaman mo na ang lahat, alam kong maiintindihan mo ako." pinilit kong tumango sa sinabi niya. Kailangan kong makinig ng mabuti para malinawan ako sa lahat.
*Flashback*
"Hindi kita pwedeng panagutan..." sabi ni Lloyd sa isang magandang babae.
"Bakit hindi? Bakit?? Magpapakasal na tayo diba?" naguguluhang tanong naman ng magandang babae.
"Sinabi ko lang yun.... Sinabi ko lang yun para pumayag kang may mangyari sa atin.. Gusto kong magka-anak," paliwanag naman ni Lloyd.
"Ito na nga! Magkaka-anak na tayo.. Magiging tatay ka.. Ano bang gusto mo? B-baby boy? Isunod natin sa pangalan mo? Anong gus--" napatigil sa pagsasalita si Ann ng patigilan siya ni Lloyd gamit ang mga labi nito.
"Sorry Ann... Kailangan na nating itigil 'to.. Hindi ko pwedeng panagutan ang bata dahil may anak na ako.. Magkakaron na ako ng anak.. S-sa asawa kong akala ko hindi na ako mabibigyan ng anak. Ngayon nabigyan na kami.. Hindi ko na kailangan ng Anak mo," unti-onting lumaki ang mga mata ni Ann sa mga narinig sa lalaking mahal niya at ama ng Anak niya.
"A-ano? A-asawa??"
"Oo," tumigil ito sandali saka nagpatuloy. "May asawa na ako.. Nagsinungaling ako sayo.. Ginamit lang kita... Ginamit lang kita para magkaanak ako pero ang malas mo dahil nabiyayaan na kami ng Anak ng asawa ko," yun lang ang sinabing paliwanag ni Lloyd sa babaeng si Ann.
Lingid sa kaalaman ni Lloyd...
Hindi lang si Ann at ang batang dinadala nito ang iniwan niya..
Dahil tatlo silang inabandona..
Si Ann, si Alden at si Aljunn na namatay dahil sa butas sa puso nito..
*End of Flashback*
Ako ang nanghina sa mga narinig ko. Nasagot na ang isa sa katanungan ko..
Ano si Tita Ann sa buhay ni Tito Lloyd..
Kinabitan niya pala ito.. Kawawang Tita Ann. Iniwan siya matapos maanakan. Silang tatlo ni Alden at Aljunn..
"I-ibig-sabihin magkapatid si Alden at Zero?" tumango naman siya..
Nilakasan ko pa ang loob kong magtanong..
"Anong nangyari kay Zero?" kinakabahan ako sa magiging sagot. Kailangan kong malaman...
"May sakit siya..."
Alam ko.. Alam kong may sakit siya... Pero...
"Ano pong sakit niya?" nanginginig na ang kamay kong may hawak ng plastic cup na may laman na hot chocolate na hindi ganong nabawasan.
"Kung anong ikinamatay ng kapatid niya... Kung anong ikinamatay ng kakambal ni Alden..
May butas ang puso niya,"
Gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
Madami pa akong katanungan...
Madami pa.
***
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!