CHAPTER 2 Season 2

226 7 0
                                    

Chapter 2 (Season 2)

A/N:

Masyado akong feelingera! Hahaha! Kababasa ko lang kasi kanina yung Chapter 1 season 2 nito, nagandahan ako sa chapter 1. Hindi naman sa pagaano ha? Nung sinusulat ko kasi yun parang wala ako sa sarili ko tapos nung binasa ko ang ganda pala. Baka para sa akin lang maganda. Ewan ko sa mga readers ko. Ano sa tingin niyo? Comment kasi kayo para malaman ko. Yun ang mas importante sa akin eh. T.T Please po..

Sorry din kung ngayon lang nakapag-update. Lahat kasi ng mga side stories at iba ko pang stories ay ginawan ko na ng mga pang-update. Kapag okay na lahat, i-pu-publih ko ng sabay-sabay. So sana mag-leave kayo ng comment. Matuto naman kayong magbasa ng A/N para dun niyo malaman yung about sa stories ko. Every week talaga ako ng uupdate. Siguro mga tigdadalawa. Depende. Ngayon lang talaga ako na-late mag-update.. Sorry. :)

Enjoy reading! XD

**

'Wag kang maki-alam! Bwisit ka! Hindi ka lang tanga! Baog ka pa!'

'Baog ka! Bakit nga ba ako nagtitiis sa babaeng katulad mo? Kung pwede naman akong magkaanak sa iba! Mawala ka na sana sa buhay ko!'

Paulit-ulit yan tumatakbo sa isipan ko.. Para akong pulubi na namamalimos ng ka-onting awa mula kay Alden. Umalis na si Alden.. Nilayasan niya ako dahil lang sa hindi ko siya mabigyan ng anak.

Hindi ba niya naisip na mas mahirap sa parte ko yun? Dahil ako ang babae! Ako ang magdadala ng mga magiging anak namin pero ni isa wala pa akong naibibigay sa kanya.

Wala naman akong kasalanan dun eh.. Hindi ko naman ginusto na magkaganito kami, na maging ganito ang sitwasyon namin. Gusto ko din naman magka-anak eh.. Gusto kong magkaroon kami ng masayang pamilya.

Hindi yung ganito! Para akong tangang umiiyak dito dahil sa iniwan ako ng asawa ko. Bakit ganun kakitid ang utak niya? Hindi ba niya naintindihan na hindi ako baog! Mahirap lang talaga akong magkaanak.. Baka nga kaya kami nahihirapan makabuo eh dahil sa pag-inom niya ng alak. Baka isa rin yun sa problema..

Hindi naman niya ako tinutulungan eh.. Kung nagtutulungan kaya kami, siguro makaka-baby kami.. Pero parang ako lang ang nagpapakahirap dito eh.. Ako lang.

"Nasaan na si Kuya?" umiling ako bilang sagot sa tanong ni Zero.

"Hindi ko nga alam eh.. Bigla nalang kasing umalis sa bahay." halos pabulong ko ng sambit. Hindi ko kayang magsalita ng malakas dahil parang tinangay na ng mga luha ko kanina ang lahat ng lakas ko. Nanghihina na ako.

Napansin kong may dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya. Yung cellphone niya. "Tatawagan ko siya," bago pa man niya i-dial ang number ni Alden ay pinigilan ko na siya.

"Hindi mo rin siya mako-contact dahil naka-off ang phone niya. Kanina ko pa yan ginagawa." napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Wala yata talagang balak si Alden na kuma-usap ni isa amin.

"Ano bang pumasok sa utak ni Kuya at ginawa niya yun? Nakakainis siya! Daig pa niya ang bata kung mag-isip!" inis na inis na itinago ni Zero ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya.

"H-hindi natin siya masisisi..." yun nalang ang nakayanan kong sabihib sa kanya.

"Kahit na! Tss. Tignan mo nga 'tong bahay niyo, puro kalat! May mga bote ng beer, mga basag na plato at baso tapos yung iba parang mga frames pa yata. Si Kuya ba ang gumawa niyan?" tumayo si Zero saka nagsimulang pulutin yung mga nagkalat na bote ng beer.

"Oo, sobrang inis na kasi siya sa akin eh.." sabi ko. Yun naman kasi ang totoo eh.. Naiinis siya dahil hindi ko siya mabigyan ng anak.

"Kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong niya. Kita ko ang pag-aalala niya sa mga mata niya. Alam kong kinaaawaan niya ako pero siya lang ang kaya kong mapaglabasan ng sama ng loob.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon