CHAPTER 5

314 9 2
                                    

Chapter 5

"Wala ka ba talagang ginawa?" maintrigang tanong ko sa Nanay ko.

"Wala nga, ano bang kalokohan yan ha?" naiinis na si Mommy sa kakatanong ko. Hindi lang talaga ako makuntento sa sagot niya dahil pakiramdam ko ay madami pa akong hindi alam at kailangan kong malaman yun..

"Okay, fine. Edi wala kang alam.. I'll go ahead." tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa soooobrang daming iniisip ko. "Goodbye Dad and Mom," nag-lakad na ako papunta sa labas dahil inaabangan na ako ng Driver namin para ma-ihatid ako sa eskwelahan.

--

"Yun pa din ba ang iniisip mo ha? Ang chaka na ng itsura mo oh!" inirapan ko lang si Mark saka ako nag-salita.

"Mas chaka yang mukha mo," siya naman ngayon ang umirap sa akin. "Sino ba namang makaka-tulog kung yung utak mo eh punong-puno na sa problema. Nakakaloka." kumuha ulit ako ng fries saka kinain. Ito nanaman ako, puro problema. Si Zero, si Alden at ang Family ko.

"Ang panget mo na, Girl! Mas maganda na tuloy ako sayo." bulong niya para walang makarinig sa kanya. Baka lalo siyang hindi pansinin ng crush niya, masyado pa namang suplado yun akala mo naman kung sinong gwapong nilalang.

"Asa ka, over my sexy body!" inismiran ko lang siya.

"Hindi mo man lang ako hinayaang lumutang ang kagandahan ko kahit isang beses lang, sakim ka talaga!" natawa naman ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko kayang gawin yun dahil natural ng maganda ako.

"Kumain ka na nga lang, insecure ka lang kasi." mag-rereklamo pa sana siya kaso isinaksak ko na sa bibig niya ang burger na kinakain niya. Sinamaan lang niya ako ng tingin pero hindi ko nalang ginantihan.

Hindi namin kasabay sa recess sila Pia at May dahil nasa ibang section sila.

"Ubusin mo na yan dali!" pinadadali ko ng kumain si Mark dahil mukhang lalong masisira ang araw ko.

"Bakit ba?! Istorbo ka talaga!" naiiritang sambit ni Mark sa akin habang naka-simangot.

"Basta dalian mo nalang!" hindi niya ako pinansin kaya hinila ko na siya patayo at saka lumabas ng cafeteria.

"Ano ba yan Girl! Mukha na tuloy akong madungis niyan! Kakainis ka. Bakit mo ba kasi ako bigla-biglang hinihila ha?" hanggang sa makapasok kami sa classroom ay walang ibang bukam-bibig kung hindi puro yung uniform niyang nadumihan.

"Tumigil ka na nga, arte mo.."

"Ang sama talaga ng ugali mo Girl, lagi mo kong inaaway." then He pouted.

"Eww." dinilaan ko lang siya kaya ayun mukhang nagmumukmok nanaman.

*Ring ring*

"Hmm, private number? Sino 'to?" naka-tingin lang ako sa cellphone kong nag-ri-ring.

"Sagutin mo na yan baka importante, ang ingay eh." reklamo ni Mark habang naka-tingin sa kanina pang tumutunog na cellphone.

Nandito lang naman kami sa classroom saka break time pa naman kaya pwedeng mag-cellphone. Class hours lang hindi pwede.

"Hello? Who's this?" tanong ko agad pagka-sagot ko.

"H-hello?" bigla akong kinabahan sa narinig kong boses. Parang pamilyar kasi siya.

"S-sino 'to?" tanong ko pa.

"Cessy," ang boses na yun.

"Z-zero? I-ikaw ba yan?" napatingin naman sa akin si Mark. Siguro narinig niya ang pag-banggit ko ng pangalan ng ex ko.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon