CHAPTER 9 Season2

172 1 0
                                    

Chapter 9 (Season 2)

"Cess, wait!"

"Tumigil ka Zero! Ayoko na munang makausap ka! Pwede ba 'yun ha?! Lumayo ka na muna!" I shouted. Pwede ba talaga 'tong nararamdaman ko?

I'm inlove. Inlove sa magkapatid. Ang hirap. Pakiramdam ko ay may malalaking pader na gumagalaw papunta sa 'kin sa magkabilang side ko at kapag nakalapit na sa akin 'yun ay madudurog ang mga buto ko dahil magsasalubong ang mga 'yun.

"Cess naman! I did it for you!"

"So what do you wan't me to do? To thanked you?! Lalo akong nahihirapang mamili!!" umakyat na ako ng tuluyan sa kwarto ko.

Gusto ko nalang na magkulong para hindi ko makita yung mga mukha nila.

Akala ko kinidnap ako. Akala ko natataranta na si Zero kakahanap sa akin! Pero talagang ginawa niya pa yun para lang malaman kung sino ang pipiliin ko? Hindi ko sila maintindihan!

"Ugh!" inihagis ko ang katabi kong unan. Sinigurado ko ring naka-lock ang pintuan ng kwarto ko at wala silang susi para mabuksan 'to. Malaya akong makakagalaw. Malaya akong makakapag-isip ng mga bagay-bagay. Malaya akong awayin ang sarili ko at lalo na ang puso ko.

Bakit ba ganito? Do I really need to choose one? Hindi ko alam kung kaya kong mamili between the two of them. They are brothers. Dun palang ang panget na pakinggan at alam natin kung anong pwedeng mangyari sa pagitan ng magkapatid.

Kung pipiliin ko yung isa, paano yung isa pa? Anong gagawin ko? May masasaktan. At hindi ko alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko at kung sino sa kanila ang masasaktan. Wala akong ideya kung ano bang dapat kong gawin.

Oo, inaamin kong ayokong mawala silang dalawa pero aaminin ko rin na hindi pwedeng dalawa. Ang isang babae ay para lang sa iisang lalaki. Walang pwedeng mag-hati. Lahat ay may nakatakda na isang tao para sa atin.

Paano ko nga ba malalaman kung sino sa kanilang dalawa? Kung sino ang dapat kong makasama sa buong buhay ko.

Humiga nalang ako saka ko pinikit ang mga mata ko. Sana pag-gising ko, mabigyan na ako ng kasagutan...

--

Bumaba ako agad sa kusina, gutom na gutom na ako at mas lalong hindi pwedeng patagalin ko pa ang gutom ko, kawawa naman ang anak ko.

Pagpasok ko palang sa kusina....

"Good morning Cess!" natigilan ako sa bumati sa akin. Mali, sa MGA bumati sa akin. Nandito si Zero at si Alden.

Hindi ko sila pinansin, dumiretso ako sa upuan kaso ng hawakan ko ang upuan biglang hinawakan ni Alden at Zero yung upuan.

"Ako na," sabi ni Zero kay Alden..

"AKO na.." ganting sagot ni Alden kay Zero na may kasamang nanunusok na mga tingin.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko sila pinansin. Umalis ako sa uupuan ko sana at saka lumipat sa kabila, hinila ko na agad ang upuan saka ako umupo agad. Baka hindi nanaman ako maka-upo dahil sa pagaagawan ng dalawang ito.

May mga pagkain ng nakahanda. Pati mga plato. Tingnan ko lahat ng pagkaing nasa mesa ng magulat nanaman ako.

"Ito Cess, masarap 'to..." sabi ni Zero habang hawak-hawak ang isang bowl ng adobong baboy.

"Hindi!" pigil naman ni Alden ng lalagyan na ako ni Zero ng adobo sa plato. "Ito nalang Cess, gulay pa 'to. Maganda 'to at masustansya para sa ANAK NATIN.." binigyang diin ni Alden ang dalawang huling salita.

At naramdaman ko nanaman ang mga mata nilang nagsasalpukan. At mukhang may kuryente na ding nabubuo sa pagitan nilang dalawa.

Hinayaan ko sila. Kinuha ko ang mga niluto nila at kinain para na din walang away. Naiirita ako sa pagaaway nilang dalawa..

Hiniling ko kagabi na sana bigyan ako ng sign kung sino ang dapat kong piliin pero mukhang pinarurusahan ako. Mas lalo akong pinapahirapan!

"Shut up the both of you! Naririndi na ako sa inyo! Pwede bang manahimik kayo?!" halos mangiyak-ngiyak ako. Nakahawak pang kamay ko sa mesa habang nakapatong yung mismong siko ko sa mesa.

"A..ayos ka lang ba?" unang lumapit sa akin si Alden. Bakas sa mga mata nila ni Zero ang sobrang pag-aalala nila sa akin. Marahil sa pagsigaw ko at sa paghawak ko ng ulo ko.

"Ugh! Umalis na nga lang kayo! Binibigyan niyo ko ng problema! At pwede bang wag muna kayong magpakita sa akin ah!" tumayo ako saka umakyat papuntang kwarto ko.

Hindi sa hindi ako kakain. Gusto ko munang umalis silang dalawa bago ako kumain, para walang mga magulo. Nakakainis. =____=""

Sumilip ako ng ka-onti sa may bintana. At kitang-kita ko pa rin ang dalawang lalaking mukhang nagtatalo pa. Siguro nagsisisihan sila kung sino ang may kasalanan. Akala ko hindi na matatapos ang pagtatalo nung dalawa, pero sari-sarili silang sakay sa mga sasakyan nila saka dahan-dahang umalis. Sinarado ko agad ang konting uwang sa bintana para hindi nila ako makita.

Gusto ko ng katahimikan. Nang makapagisip naman ako ng maayos..

Bumaba ako agad saka ako kumain. Lahat kinain ko. Basta wala akong pakialam kung tumaba man o kung ano pa. Ang mahalaga, maging okay ang anak ko. Malusog na bata.

"Manong!" tawag ko kay Manobg ng makita ko siya. Tapos na din akong kumain at magayos ng sarili. "Dalhin niyo nalang po ako sa park dun sa may malapit sa ospital," tahimik kasi dun lagi. Walang gaanong tao. Malilim pa at malamig ang simoy ng hangin.

Dinala nga ako ni Manong saka ako nagpaiwan dun muna. Makakapagisip ako dito. At sana nga lang alam ko na ang gagawin ko. Kailangan tama ang pipiliin ko. Dahil sabi ko nga, habang buhay ko na tong makakasama.

Ang asawa ko o ang boyfriend ko?

"Ha?! Anong sabi mo Zero?"

Ha? ZERO??

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon