CHAPTER 3 Season 2

212 7 0
                                    

Chapter 3 (Season 2)

"Mahamog na oh!" pinipilit na akong tumayo ni Zero sa pagkakaupo ko sa swing.

"Eehhh! Mamaya na!" nag-pout pa ako. Kapag nag-pa-pout kasi ako nadadala ko siya. Napapapayag ko siya.. ^_____^V

"Pagagalitan ka nila Tita niyan eh.." para siyang batang naguutos sa mas bata at mas makulit. Hahaha. Puro konsumisyon lang yata ang dala ko sa kanya eh! Hahaha.

"Ehh! Ipagtatanggol mo naman ako diba? Dibaaaa?" bini-blink ko pa ang mga mata ko.

"Aish! Don't do that again!"

"Why?"

"Bumibigay ako sayo eh!!!"

"Cuuuute naman kasi ako diba??" kumapit ako sa braso niya.

"Malala ka pala kapag nagbubuntis," kumamot siya sa ulo niya.

"Oo na po, uuwi na po tayo." tumayo na ako. Nakakapit pa din ako sa braso niya. Komportableng-komportable ako kay Zero kaya ang mga ganitong bagay ay walang malisya sa aming dalawa.

"Muntik na kayong abutan ng ambon mabuti't umuwi na kayo," bungad sa amin ni Manang Beth nung pinagbuksan niya kami ng gate ni Zero.

Tumingala ako. Tama nga siya, buti at pinilit ako ni Zero na umuwi na kung hindi baka magkasakit kami. Bawal pa naman akong magkasakit.

"Pasaway po kasi Manang si Cess eh! Kanina ko pa nga po niyayayang umuwi na kaso matigas ang ulo.." gatong ni Zero.

"Sumasakit na ba ang ulo mo dahil sa akin?" malumanay ang boses ko. Nakita ko namang nagbago ang itsura niya na para bang nadala sa boses ko. Iniwan na kami ni Manang Beth nang makarating na kami sa mismong sala.

"H-ha? H-hindi no! Ano ka ba 'wag mo yang isipin." umakbay siya. Nakonsensya yata sa sinabi niya kanina.

"Hmp. Sakit na ako sa ulo mo eh.. Sorry," lumakad na ako papunta sa kusina. Ako nalang magluluto para makabawi ako sa mga sakit sa ulong ibinibigay ko kay Zero.

"Wag mo na nga pong isipin 'yun," akala ko umakyat na sa guest room si Zero hindi pala.. Sumunod pa siya dito sa kusina.

"Ohh? Akala ko umakyat ka na? Magpahinga ka na muna dun, magluluto lang ako." inayos ko na ang mga ingredients na kakailanganin ko.

Niyakap niya ako. Nasa likod ko siya at hinahawakan niya ang tummy ko. Sa kanya ko nararamdaman na siya ang asawa ko. Nagkamali ba ako ng pinili?

Bakit ko nga ba iniisip 'yun? Nako naman.

"Sorry na ha?"

"Bakit ka nag-sosorry?" taka kong tanong.

Iniharap niya ako sa kanya. "Alam kong maramdamin ka ngayon pero hindi ko pinagisipan yung sinabi ko. Sorry na po ha? Ayokong magalit ka sa akin eh."

"Wala 'yun.. Sige na Z, umakyat ka na sa taas ha? Magluluto ako." nanlaki ang mga mata niya.

"Ha?! M-magluluto ka? 'W-wag na! Nandyan naman sila Manang Beth eh.. Baka mapagod ka lang."

"Kaya ko 'to. Sige na." umalis din siya.

Sinimulan ko ng lutuin ang paboritong adobo ni Z. Niluto ko 'to para sa kanya pero syempre patitikimin ko sila Mommy.. Baka magtampo eh! Haha.

"Oh anak? Bakit ikaw ang nagluluto dito? Nasaan ang Manang Vera mo?" lumingon ako. Si Manang Beth pala. Nginitian ko siya bago ako sumagot.

"Gusto ko pong ako ang magluto nitong adobo na 'to ngayon," ingaw ni Manang Beth yung sandok na hawak ko.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon