Chapter 6 (Season 2)
Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. 11 na ng gabi kaya hindi ko na pinagkaabalang gisingin si Zero. Nauuhaw na kasi ako. Ang haba pala ng tulog namin kaya pala para pa akong nagugutom.
Magluluto nalang ako tutal hindi ako pwedeng malipasan dahil baka makasama kay Baby. Iniingatan kami ni Z kaya dapat ganon din ako..
Alam ko na! Magluluto ako ng beef steak. Sana naman may mga laman na 'tong ref. Pagbukas ko, nakita kong punong-puno yung ref ng iba't-ibang pagkain. Pinaghandaan talaga ni Z. Parang pang-isang buwan 'tong nasa ref eh. Oo nga pala, malakas akong kumain kaya baka sandali lang yung mga pagkain sa 'kin. XD
*tssssh*
Habang nagluluto ako, may narinig akong kaluskos.
"Z, ikaw ba 'yan?" tanong ko. Nakasilip ako sa may pinto ng kusina dahil narinig ko ang kaluskos sa may sala.
"Wala naman. Baka hangin o kung anong hayop lang." sabi ko at nagkibit-balikat nalang. Bumalik na ako sa may tapat ng kalan para ipagpatuloy ang naudlot kong pagluluto. Akala ko masusunog dahil sa lakas ng apoy.
*tssssh*
Napalingon ako sa narinig ko.
"Z? I-ikaw ba 'yan? 'Wag mo nga akong takutin!" inis kong sigaw. Ayoko sa lahat kapag tinatakot o ginugulat ako. Baka mapaanak kasi ako ng di-oras dito.
"Z! Ano ba hindi ka na nakakatuwa ha!" naglakad na ako palabas ng kusina para suwayin si Z.
"Hindi pala nakakatuwa ha," tumindig lahat ng balahibo ko sa malalim na boses na ng gagaling sa likuran ko. Tumingin ako sa likuran ko at...
"Kyaaaahhhh-hmp..."
~
"Hmp, a-aray." napatingin ako sa paligid ko. Ang dilim dito. Nanlaki naman agad ang mga mata ko ng marealise ko kung anong nangyari.
Sino kumuha sa akin?
Imposibleng si Z ang gumawa dahil alam niyang ayaw ko ng mga ganito.
"Tulooong!" sigaw ko. Mahina lang yung pagkakasigaw ko dahil para akong tinakasan ng lakas. Nakagapos pa ako sa kama. Napansin kong hindi basta tali ang pinanggapos sa akin kung hindi 'yung posas. Nakaposas ang magkabila kong kamay sa magkabilang bahagi ng kama.
Lalo akong natatakot dito dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa akin.
*boogshh*
"Kyaaahhh!" napatili ako sa lakas ng kalampog na nagmumula sa labas. Parang may sinirang kung ano.
"S-sino k-ka?" nanginginig kong tanong ng makita kong may taong nakatayo sa may pintuan. Hindi ko makita ang itsura niya dahil sa dilim. Liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko pero hindi sapat yun para malaman ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko.
"I miss you Cess," walang kaano-ano ay niyakap ako ng taong nasa madilim na parte ng kwarto. Lalaki ang yumakap sa akin.
Hindi ko mabosesan dahil parang may bara siya sa lalamunan niya.
Humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin. Y-yung tiyan ko. Baka maipit.
"A-ah, y-yung tiyan ko." sabi ko. Nadidiinan na niya kasi yung tiyan ko.
Lumayo siya sa akin at dun ko nalaman kung sino siya.
"A-alden," para akong hinugutan ng hangin. Siya ang kumuha sa akin pero bakit nakagapos pa ako?
"Ito na ba ang magiging baby niyo ng kapatid ko?" hinaplos niya ang umbok kong tiyan.
"Bitawan mo ko!" ngumisi lang siya.
"Natatakot ka ba sa 'kin?"
"Bitawan mo nga ako sabi eh! Nasaan ba ako ha?! Ibalik mo ako sa resort! Baka hinahanap na ako ni Z!"
"Z??! Yun ang tawag mo sakanya?! Bakit kayo na ba? Pinagpalit mo na ba ako?!!" hinawakan niya ng mahigpit yung mga braso ko. Hindi ako makalaban dahil nga nakaposas ako na para ba akong kriminal.
"Nasasaktan na ako ha! Pwede ba 'wag kang magalit na para bang ako ang may kasalanan ng lahat!"
"Ikaw naman talaga diba?! Dahil baog ka!"
"Hindi ako baog! Kita mo 'tong tiyan ko?! Hindi ako baog dahil magkakaanak na tayo!" natigil siya.
"Magkakaanak t-tayo?" tumingin siya sa may tiyan ko. Bakit? Hindi ba niya alam? Eh kaya nga niya ako gustong makausap diba dahil hinahabol niya ang anak ko? Kung hindi niya alam bakit siya naghahol sa akin at bakit niya ako kinuha sa rest house ni Z?? "Sa akin 'to?"
"H-hindi mo alam?" nanginginig ang labi ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
"Paano ko malalaman kung hindi mo sinabi?! Nakikipaglandian ka pa sa kapatid ko!" napalayo ako sa kanya.
"Ako pa ang nakikipaglandian?! Eh ikaw nga 'tong may kinakasama diba? Nakikipaghiwalay ka pa sa akin!" natigil siya sa sinabi ko. Tignan mo, siya pa ang may ganang magalit sa akin. "Ano bang hinahabol mo ha? Yung pirma ko sa annulment papers?! Sige! Pipirmahan ko 'yun basta tigilan mo na ako! Ibalik mo lang ako kay Zero!" mangiyak-ngiyak ako.
Ito na 'yun. Ito na talaga ang araw na kailangan ko ng ipaubaya si Alden sa iba.
"Annulment papers? Bakit nakikipaghiwalay ka ba sa akin?" kumunot ang noo ko.
"Ako? Ikaw diba? Ipinigay mo pa nga sa kabit mo 'yung mga papeles!" singhal ko. Hindi ba ako mapapaanao ng di-oras dito? 'Wsg naman sana.
"Ha? Wala akong ipinapabigay."
"Anong sabi mo?!"
"Wala akong alam sa sinasabi mong annulment papers na 'yan."
"Anong wala?! Eh pinigay mo nga sa walang hiyang kabit mo!"
"ANO?! HINDI KO NGA ALAM 'YANG SINASABI MO!"
Sinigawan niya ako. Natahimik ako. Bakit ba hindi na ako nasanay na sinisigawan niya ako. Dapat masanay na nga ako eh.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Gusto kitang makausap para ayusin na natin 'to. Kaso nung sa mall naman kasama mo pala si Zero nun at mukhang ayaw mo pa akong makausap kaya sapilitan kitang dinala dito." mahinahon na siya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Maduduling na nga ako dahil sa lapit ng mga mata niya sa akin eh.
"A-ayusin?" tanong ko.
"Oo. Itong relasyon natin. Gusto ko ng ayusin lalo pa't magkakaanak na tayo diba?" bumaba ulit ang tingin niya saka hinaplos ulit ang tiyan ko.
Napatigil ako. Aayusin namin? Kaya ko pa ba? Paano si Zero? Paano kami ni Zero? Sino nga ba dapat ang makasama ko habang buhay?
Hindi pa ako nakakareact ng punitin ni Alden ang damit ko saka ako ipinahiga.
Sinimulan niyang lasahan ang leeg ko pababa sa dibdib ko hanggang nasa tiyan na at sa.... sa gitna ko.
Nadadala nanaman ako sa sensasyon na binibiga niya sa akin. Onti-onti akong sumasabay sa ginagawa niya sa akin ng tumigil siya sa pag-lasa ng gitna ko. Napmulat ako. Nakatingin siya ng masama sa akin.
"B-bakit ka tumigil?" tanong ko.
"May nangyari na ba sa inyo ng kapatid ko?" nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong tamg salita ng dapat lumabas sa bibig ko. Dapat ba akong umamin? Eh kahit nama siya ay nakakama na ng ibang babae.
"Ano?!" mukhang naiinip na siya.
"M-meron n-na." hirap na hirap akong bigkasin ang pagamin ko.
"Meron na?! Tangina! Hinayaan mo siya?!!" lumapit siya sa 'kin ng may nanlilisik na mga mata.
"G-gusto ko din naman!" sagot ko. Lalong nanlisik ang mga mata niya. Kinain nanama ako ng takot.
"Bakit! Bakit mo binigay ang katawan mo sa kanya?!" yinugyog na niya ang balikat ko.
"Bakit ka ba nagagalit ha?! Ikaw din naman diba?! Tumikim ka na ng ibang babae!" gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa.
"Ano?! Hindi ko ginawa 'yun kahit noong iniwan kita 3 months ago!" binitawan niya ang mga braso ko at padabog na umalis sa kwartong pinagkulung niya sa akin.
Ano bang nangyayari? Ang gulo-gulo naman! Arrghhh!
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!