CHAPTER 8 Season 2

187 7 0
                                    

Chapter 8 (Season 2)

"Aalis na ako," sabi ko kay Alden. Bumaba na kasi ako galing sa kwarto.

"Oh sige. Ihahatid na kita, saan ka ba?" nagulat ako sa naging sagot niya sa akin. Nalungkot din ako. Hindi ko kasi inaasahan ang magiging sagot niya na ihahatid pa niya ako sa pupuntahan ko. Ang inaakala ko kasi ay pipigilan niya ako o magmamakaawang ayusin nanamin ang problema namin. Pero hindi. Para akong kinakain ng sisi dahil sa sinabi ko.

Magiistay ako dito kung pipigilan niya ako dahil sabi ko nga, lumalambot ako pagdating kay Alden.

Hindi ko inakala ang magiging sagot niya. Masyado yata akong nag-expect..

Nagkibit-balikat nalang ako dahil ayokong magsalita. Para akong napahiya kahit hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ko.

"Ano? Saan kita ihahatid?" tanong niya ulit. 2 araw na kasi akong nandito sa rest house niya.

Napapaisip tuloy ako kung sumagi ba sa isip ni Zero na kinuha ako ni Alden at dinala sa rest house niya? O baka hindi niya inisip 'yun dahil akala niya na madali akong mahanap kapag dito dinala kaya hindi niya ako inabalang tignan dito.

Ang sasakit niyo sa ulo!

"S-sa bahay." yumuko ako. "Sa bahay nila Mommy," pagtatama ko. Baka kasi inisip niyang sa bahay namin ako uuwi.

"Okay, ihahanda ko lang 'yung SUV." tumango ako bilang sagot sa kanya.

Naiinis ako! Bakit hindi niya ako pinigilan?! Gusto na ba niyang matuloy kaming makahiwalay. Ang gulo ko talaga!!

"Pasok na, dahan-dahan." inaalalayan ako ni Alden umupo sa.front seat. Hawak pa niya ang bewang ko. Mabuti nalang at kahit buntis ako ay parang hindi ako buntis. Hindi kasi ako naging balyena! XD Para lang ako nakalunok ng pakwan and then tadaaaa! Instant baby na. "Uy, natulala ka na." napangiti ako ng lihim ng may pumasok sa isip ko.

Minamanyakan lang ako ni Alden eh! May pahawak-hawak pa sa bewang ko!

"Magingat ka naman, hindi mo lang Anak ang dinadala mo." napairap tuloy ako! Bakit hindi ko napansin? Wala siyang pakialam sa akin pero sa baby namin super alaga siya. Akala ko pa naman nanananching na siya. Tss.

"Oo na," inis kong sagot. Lalo tuloy kumapal ang nguso ko dahil sa inis ko!

Ako na ang umaasa! Ako na talaga!! Nakakainis siya.

"Anong gender ng baby natin?" tanong niya. Hindi pa din naaalis ang mga tingin niya sa dinadaanan naming kalsada.

"Wala pa, mga 3-4 weeks from now pa malalaman," walang gana kong sagot. Talagang wala akong gana dahil sa kanya! Masaya akong pinapakita niyang mahal niya ang Anak namin pero parang nawala na parang bula ang pagaalala niya sa akin. Ang sarap niyang sipain para mahulog sa balon at dun na mangisay at mamatay.

Okay, ako na ang masama. Ako na ang kung ano-anong pumapasok sa isip ko. T.T Moodswings lang po 'to, intindihin niyo ako.

"Sasama ako sa follow-up check mo. Ako na ang sasama sa 'yo tuwing check up mo, ayt?"

"Ha? Si Zero ang kasama ko." pagtanggi ko. Gusto ko siyang makasama pero inis kasi ako sa kanya kaya manigas siya!

"Ako naman ang Ama niyan kaya ako dapat."

Umirap lalo ako. "Si Zero ang LAGI kong kasama."

*Screeeeeeeeeeeeach!*

"What the fuck Alden! Bigla-bigla ka nalang nagpepreno! Paano kung makunan ako ha?!"

"What the fuck din Cess! Ako 'yung nandito! Ako yung Ama niyan! Tapos puro ka Zero!! Nabibwisit na ako sayo ha!!!" napaatras ako sa gulat.

"Pwede ba! Galit ka man o kung ano man 'yan magdahan-dahan ka naman! Hindi lang ako ang mapapahamak dito! Bwisit!!" gusto kong lumabas para hindi ko na siya makasama sa paguwi pero no choice ako kung hindi magpigil ng galit o inis man. Wala akong balak lakarin ang lugar na 'to papunta sa bahay nila Mommy kung ayaw kong manganak ng maaga.

"Cess," mahinahon na ang boses niya. "Ako 'yung nandito pero ako pa ang hindi mo nakikita. Ang saklap naman." pinaandar na niya ulit ang sasakyan niya.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita simula ng mag-away kami. My Gosh! Para akong aatakihin sa puso nun! Paano nalang kung mawala ang anak ko sa akin? Hindi ko na kakayanin pa 'yun. Sobra-sobrang hirap na ang dinanas ko at hindi ko na kayang may dumagdag pang isa. Tama na 'yun.

Nakarating kami sa bahay pero ganon pa din. Naging isang malaki at mahabang awkward situation ang nangyari. Natuyuan na nga ako ng laway dahil kahit isang letra ay hindi ko nagawang magpalabas. Limang oras na byahe at limang oras ding napanis ang laway namin. Wala naman akong makausap sa phone dahil nga lowbatt ito kaya wala ding kwenta.

"Uhh, t-thanks." hindi ko na hinayaang pagbuksan pa niya ako ng pinto. Kailangan ko ng makaalis dito kung hindi ay manganganak na ako ng di-oras. Joke! Lol.

Palabas na ako ng may sinabi pa siya. Humabol pa ang kurimaw! "I'll fetch you kapag araw ng check-up mo, 'wag ng ipilit ang ayaw ko. Mahal ko ang ANAK ko kaya gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya kahit simpleng check-up lang 'yan." madilim ang mukha niya habang sinasabi niya 'yun na parang kapag hindi ako pumayag ay may hindi magandang mangyayari.

At dahil ako'y natakot ay pumayag na ako. Napilitan ako. "O-okay," sinarado ko na ang pinto at saka naman ito humarurot ng takbo.

Ang walang hiya! Hindi man lang niya ako hinintay na makapasok sa loob! Ang sama talaga ng ugali! At paano niya malalaman ang araw ng check-up ko (kung meron man) kung wala kaming contact sa isa't-isa? Hindi ko siya masasabihan pero mukhang mabuti na rin 'yun.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nabigla pa ako.

"Hi Baby!" he kissed me. Sa lips. Bakit parang hindi niya ako sinalubong ng pagaalala? Hindi ba niya ako hinanap sa biglaan kong pagkawala?

"Uhh, Z-zero." wala akong masabi. Naguguluhan kasi ako eh.

"Kamusta kayo ni Alden?" nagulat ako sa tanong niya. Napaatras pa ako sa tanong niya.

"You knew?" tumango siya. Nainis ako sa sinagot niya. "Kaya naman pala hindi mo ako pinagkaabalahang hanapin dahil alam mo kung sino ang kumuha sa akin! Iniisip ko pa na nagaalala ka na sa akin kaya gusto ko ng ma-contact ka pero it turns out na ako lang pala ang nagiisip sa biglaan kong pagkawala." puno ng hinanakit kong sabi. Galit at inis ako!

"Naki-usap si Kuya sa akin," nakayukong sagot niya.

"Naging hysterical pa ako nun na akala ko kinidnap na ako ni Alden!!"

"Gusto ko lang namang malaman kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa eh," walang kaabog-abog niyang sagot. Lalong binalot ng halo-halong emosyon ang buong katauhan ko.

"Well, dahil sayo lalo akong naguluhan!!"

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon