Chapter 1 (Season 2)
"Mahal na mahal kita Princess Jellishiax Ivana Labornala Morjah.. Mrs. Gridz Alden Morjah ka na. You are mine...." siniil niya ako ulit ng matamis na halik.
Alam kong wala ng mas sasaya sa buhay ko. Kasama ko si Alden sa iisang kama at katatapos ko lang ibigay ang buo kong katawan sa lalaking pinakasalan ko at higit sa lahat ang lalaking sobrang MAHAL ko.
Isa nalang ang kulang..
Mga Anak namin na makikita naming nagtatakbuhan sa bahay namin... Bahay na puno ng pagmamahalan naming mag-asawa.
**
"Good Morning Mommy," napapitlag ako ng maramdaman kong hinahalikan ako ni Alden sa leeg papuntang tenga at gumapang naman pababa ang mga labi niya patungo sa mga labi ko.
"Hmm?" hindi ko pa kayang imulat ang mga mata ko. Isabay mo na ang sakit ng katawan ko at ang pribadong parte ng katawan ko. Para akong tatrangkasuhin sa sama ng pakiramdam ko.
"Kain ka na Mommy," hindi ko pinansin si Alden. Tumalikod lang ako sa kabilang direksyon ng kama. Sa kaliwa ko. Gusto kong matulog lang ng matulog.. "Mommy sige na please," niyugyog niya pa ako ng dahan-dahan.
"Hindi ko pa kayaaaaa~" nagtalukbong pa ako ng kumot at unan sa mukha ko.
"Baka naman gusto mo pa ng round 2 ha? Mommy??" tinanggal ko ang mga humaharang sa katawan ko. Yung kumot at unan saka ako napaupo at napa-face palm.
"Daddy naman eh!~" pagmamaktol 'ko pa.
"Babangon ka din naman pala eh! Hahaha! Akala ko gusto mo ng round 2.." nakangisi pa siya. Natetemp ako halikan siya pero hindi pwede. Ayoko, dahil wala pa akong ganang makipaglambingan.
"Daddy!!" saway ko sa kanya.
"Hahaha! Binibiro ka lang Mommy! Kain ka na Mommy. Breakfast in Bed!" ngumiti naman ako ng napakatamis bilang pasasalamat sa breakfast na pinaghirapan niyang gawin.
"Thanks Daddy," I gave him a peck on the lips. Hmm. Nakakatemp mag-round 2! Hahahaha!
***
3 years after*
"Daddy, please.. Stop drinking!" pilit kong inaagaw yung baso ng alak niya sa kamay niya. Lagi siyang ganyan.. Lagi siyang umiinom at magpapakalunod sa alak.
"Pwede ba! 'Wag mo 'kong pigilan! Letche ka!" araw-araw ganito ang nangyayari sa aming dalawa.
Yung unang taon naman naming magkasama ay lagi naman kaming maayos. Puno ng pagmamahalan,paglalambingan,paguunawaan at pagtitiwala ang relasyon namin.
"Daddy naman.. Tama na yan," itinabi ko na ang iba pa niyang kalat.. Ang daming kalat dito sa bar counter ng bahay namin dahil sa kanya. Laging magulo ang bahay dahil din sa kanya.
"Huwag mo 'kong hawakan! Simpleng bagay lang ang hinihingi 'ko sayo pero hindi mo maibigay!" napahinto ako sa pagpupulot ng kalat niya saka nag-umpisa nanamang tumulo ang mga tubig mula sa mata ko.
Tama siya. Maliit na bagay lang yun pero hindi ko maibigay..
"Alden naman... Maibibigay 'ko din yun sayo pero hindi ngayon. Ayaw tayong pahintulutan eh." puro pagmamakaawa nalang ang ginagawa 'ko sa kanya pero hindi ako mapapagod.
Lahat gagawin 'ko para sa pinangakuan ko ng habang buhay.
"Wala kang kwenta! Bakit ba kasi ikaw ang pinakasalan ko ha?! Bakit!" tanging paghikbi ko nalang ang naririnig ko.. Wala akong maisagot sa kanya.
Ang alam ko lang...
Mahal ko siya.
Sapat na sa akin yun.
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!