CHAPTER 6

322 11 2
                                    

Chapter 6

"Sure ka na bang lalabas ka na?" tanong sa akin ni Alden.

"Cess, ano? Kaya mo na ba talaga?" tanong pa ulit niya.

"Baka lagnatin ka lang ul---"

"Pwede ba?! Gusto ko na ngang lumabas eh! Ayoko na dito! 5 araw na ako dito sa Hospital na ito! Ni hindi nga ako makatulog dahil naaasiwa ako sa lugar na ito eh at ayoko ng makita yang mukha mo! Bakit ba ikaw nalang palagi ang nag-babantay sa akin ha?!! Nasaan ang family ko?!!" hindi ko na napigilan ang galit ko. Lumabas na lang bigla ito at sumabog. Nakakapagod na siyang paki-samahan!

"Huminahon ka muna, baka lagnatin ka nanaman." nag-aalalang tanong ni Alden sa akin habang inaalalayan niya akong humiga ulit.

"Pwede ba?! 'Wag kang umastang parang nag-aalala ka talaga sa akin!"

"Pwede din ba Cess? Kahit ngayon lang umayos ka naman! Mahirap ba yung pinagagawa ko sayong magpahinga ka muna ha?" naka-kunot noo na siyang naka-tingin sa akin. Siya pa ang may ganang mainis? Tss. Ang kapal talaga nitong lalaking 'to kahit kailan talaga.

"Kung naiinis ka na sa akin pwede ba? Umalis ka nalang dito. Hindi naman kita kailangan eh!" ayoko ng makita ang mukha niya!

"Okay, sige. If that's what you want hindi na ako magpapakita sayo. Salamat sa mga pang-iinsulto mo." nag-lakad na siya palabas ng private room ko. Parang lalong bumigat ang paki-ramdam ko ng tumalikod siya sa akin at nag-lakad palayo sa akin.

Ang sama ko ba sa ginawa ko sa kanya?

Dapat hindi ako nakukunsensya dito!

"Ma'am, next week pa daw po kayo makakalabas. Ayon po kasi sa pag-momonitor namin bumabalik ulit yung lagnat niyo." paliwanag sa akin ng naka-assign na nurse sa akin.

"Ano?! Mag-tatagal pa ako dito ng ilang araw pa? Kainis!" mabubuhay ba ako ng maayos dito? Parang feeling ko baldado na ako dahil ayaw akong palabasin, parang may nakakahawa akong sakit eh lagnat lang naman pala!

"Huwag niyo po kasing biglain yung katawan niyo." pagpapaalala pa ng Nurse.

"Anong alam mo sa kaya at di-kayang gawin ng katawan ko? Ha?" mataray kong tanong. Ako na ang mataray. Feeling ko iniwan na ako ng lahat at inaasa nalang nila sa mga Nurses dito ang sitwasyon ko.

"Eh Ma'am kapag nagpumilit kayo mas lalo lang kayong matatagalan." this time tinignan ko na lalo ng masama ang Nurse.

"Lumabas ka na," agad naman siyang lumabas. Mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko na mag-isa lang sa kwartong 'to. Ilang araw pa ba ang hihintayin ko?

--

"Girl!" napatingin ako sa biglaang pag-bukas ng pinto ng kwarto ko.

"Pwede ba Mark? Ang ingay mo ha.." saway ko. Nakakahiya kaya! Wala talagang pakundangan ang baklang 'to! Puro pa sakit ng ulo ang binibigay.

"Ayan, dahil sa pagiging masungit mo iniwanan ka na tuloy ni Alden." nag-uumpisa na namang manermon ang bakla.

"So?" taas-kilay ko pang tanong.

"Sino ng mag-aalaga at mag-babantay sayo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Nakikita ko naman sa mga mata niya at sa kilos niya.

"Kaya ko ang sarili ko, hindi naman ako baldado." simpleng sagot ko.

"Pero baka mahirapan ka? A-ah? Ang ibig kong sabihin kasi diba? Muntik ka ng ma-rape? So, trauma? Baka meron ka." naalala ko nanaman si Sed! Bwisit yun! Dahil sa kanya kaya ako nandito eh T.T

"Teka, nasaan sila May at Pia? Bakit hindi mo kasama yung dalawa??" nag-hiwalay ang tatlo? Imposible.

"Ang dami pang ginagawa eh, bukas nalang daw." paliwanag niya.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon