Chapter 7 (Season 2)
"Bakit! Bakit mo binigay ang katawan mo sa kanya?!" yinugyog na niya ang balikat ko.
"Bakit ka ba nagagalit ha?! Ikaw din naman diba?! Tumikim ka na ng ibang babae!" gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa.
"Ano?! Hindi ko ginawa 'yun kahit noong iniwan kita 3 months ago!" binitawan niya ang mga braso ko at padabog na umalis sa kwartong pinagkulung niya sa akin.
Ano bang nangyayari? Ang gulo-gulo naman! Arrghhh!
**
Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulog ng may naramdaman akong pumasok sa kwartong tunutulugan ko. Alam ko naman kung sino 'yun pero ayoko siyang makita. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagtatalo namin kaninang madaling araw. At hindi ko alam kung makakalimutan ko ba 'yun.
S-si Z! Baka hinahanap na ako nun!!
"Kumain ka na Cess," inilapag niya sa harap ko ang pagkain na inihanda niya. Tinitigan ko lang 'to na para bang wala sa sarili. "Wag ng matigas ang ulo ha? Please? Bawal kang magpakagutom." pumasok sa isip ko kung anong ibig niyang sabihin.
Oo nga pala, hindi lang ako ang nagmamay-ari ng katawan ko. Kailangan kong unahin ang baby ko sa lahat ng bagay.
Kumain ako ng tahimik. Bawat galaw ko ay nakatingin lang siya sa akin. Gusto kong paalisin siya sa kwartong 'yun pero hindi ko na ginawa. Ayokong magtalo pa kami. Makakasama lang sa akin 'yun.
"Cess, totoo 'yung sinabi ko. Wala akong pinapadalang annulment papers. Wala akong kabet. Maniwala ka sa akin." nakaupo siya sa may gilid ko.
"Hindi totoo? Pumunta yung kabit mo sa bahay natin nung sumunod na araw na nilayasan mo ako! Inihagis pa niya sa pagmumukha ko 'yung mga papeles na 'yun! Paano mo nasasabing hindi ikaw 'yun ha? May pirma mo! Pinuntahan pa ako nun sa bahay nila Mommy at nagpasama pa kay Mark! Ayoko siyang makita dahil ayoko ng gulo! Ayokong makita siya ni Zero dahil malaking gulo 'yun!! Sige ipaliwanag mo!" umiiyak nanaman ako. Wala na bang kapaguran 'to? Dahil ako? Pagod na pagod na ako.
"Hindi ko talaga alam yung sinasabi mo. Lumayo lang ako nun dahil sobra akong nasaktan na.. na hindi ko mararanasang magka-anak. Kaya ayun. Nagsisi din ako nung mga panahong hindi kita binalikan noon pero alam kong kailangan ko ng panahon bago kita kausapin ulit dahil madami akong pagkakamali. Marami akong kasalanan na nangangailangan ng oras para maitama ko 'yun." hinawakan niya ang mga kamay ko. Tapos naman na akong kumain kaya nagagawa na niya akong istorbohin. Halos lumuhod na din siya sa harap ko.
"H-hindi ako naniniwala." labag man sa loob ko pero pinigilan ko ang sarili kong maniwala sa kanya. Ilang beses na niya akong sinaktan at niloko. Nakakasawa na. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya kahit sobrang gusto kong gawin. Matagal ko siyang hindi nakita.
"Cess naman."
"Tumigil ka na nga! Pwede bang lumabas ka?! Kaya nga kami nagbakasyon para makalayo sa stress pero ikaw naman 'tong nagbibigay ng sakit sa ulo sa akin!" lumandas ang mga luha ko sa mga mata ko.
Alam ko at nararamdaman kong nasaktan siya sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumayo saka naglakad papuntang pinto para lumabas.
"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Makakakilos ka naman dahil wala ka naman ng gapos simula kanina pa." at tuluyan na siyang lumabas.
Kinokonsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya. Masyado ko ba siyang nasaktan? Parehas lang naman kami. Mahal ko siya pero hindi na ako pwedeng magtiwala pang muli. Hindi na pwede kung ayaw kong bumalik sa baba. Kung ayaw kong mawala lahat ng pinaghirapan ko para maka-ahon ako.
Eh si Z? Alam kong nagaalala na 'yun sa akin. Kinapa ko ang luma kong damit na sinira ni Alden. At... nandito yung phone ko.
Tatawagan ko ba si Z o 'wag na?
Kinuha ko ang cellphone pero mukhang binigyang sagot na ang katanungan ko. Walang signal at malapit ng mag-empty battery.
Gusto kong magpasalamat na ayoko. Magpasalamat dahil makakasama ko si Alden at ayoko dahil naguguluhan pa ako. Kawawa si Z. Tama nga siya, kapag si Alden na ang lumapit sa akin, lalambot ako. Ito na yung panahong kinatatakutan ko, yung panahong akala ko hindi darating.
Kailangan ko ba talagang mamili? Asawa ko si Alden at Boy friend ko naman si Z. Ang samang tignan lalo na sa nalaman ko kanina.
Kung hindi kabit ni Alden 'yun, edi sino? Kaninong kabit 'yun? Sino 'yung babaeng biglang sumulpot nalang bigla at nagsabing kinakasama siya ni Alden? At inaway pa talaga ako? Ugh! Ang sakit sa ulo!!
Nakatunganga lang ako hanggang sa maghapon na. Hinatiran lang ako saglit ni Alden ng tanghalian at lumabas na din naman agad siya. Halatang umiiwas siya sa akin dahil sa nasabi ko kanina.
"Hays, ang gulo-gulo naman ng buhay!" tinungo ko ang bintana na nasa kwarto ko o sa kwartong pinagdalhan sa akin. Iisa lang ang bintanang ito pero alam kong nasa rest house ako ni Alden. Ilang beses na akong nakapunta dito kaya alam ko ang mga bawat tanawin dito.
Dito kami madalas magbakasyon ni Alden noon. Dito kami maraming memories. Good and bad. Kaming dalawa lang. Kahit saang parte dito ay nagawa na naming mag-love making.
Sa buhangin. Sa may pool. Sa may dagat na may lalim na 3ft. Sa kahit anong parte ng lugar na ito ay may mga alaala kaming dalawa na talagang hindi mo malilimutan. Dito ko naranasang makagat ng alimango at kung ano-ano pang bagay na bago sa akin.
Kung ayusin na kaya namin ni Alden ang lahat ng 'to? Takbuhan ang problema? Tss. Hindi solusyon 'yun. Kailangang harapin.
Si Z, masasaktan siya kapag iniwan ko siya. Ayoko namang iwan siya pero parang may nag-uudyok na gawin ko. Hindi ko kayang mamili sa pagitan nila... Sa ngayon.
Kung iwan ko kaya sila at magpakalayo-layo muna ako? Mas makakabuti siguro 'yun. Makakabuti din sa dinadala ko para hindi na siya maapektuhan sa mga gusot ng Daddy,Mommy at Tito niya.
"Magmeryenda ka na oh," nagising lang ako sa malalim na pagiisip ng biglang sumulpot si Alden sa tabi ko. Tinignan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa labas ng bintana. Naiisip din kaya niya ang naisip ko kanina?
Biglang may gumuhit na ngiti sa mga labi niya. Nung lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti niya.
"Kumain ka na," lumabas na siya agad. Ang cold ng trato niya sa akin. Siguro nga, siguro nga nasaktan ko siya sa sinabi ko pero 'yun lang ang naiisip kong pwede kong sabihin. Masama pa din ang loob ko sa kanya at alam kong alam niya 'yun.
Akala niya baog ako kaya niya ako iniwan. Sinong matinong lalaki ang basta nalang iiwan ang asawa niya dahil lang sa ganon? Ang daming paraan para magka-baby kami!
Mag-ampon. Kung gusto niya ng anak talaga namin edi magpa-test tube baby kami. Yung mga ganon. Pero hindi eh. Iniwan niya ako ng basta-basta na hindi pa naman namin nagagawa ang lahat. Sabihin niyo nga sa akin, deserving pa din ba siya? Dahil kung ako ang tatanungin. HINDI NA. Masyado niyang tinapakan ang pagkatao ko nun. Hindi man lang niya inisip kung anong nararamdaman ko.
Mas masakit para sa akin na hindi kami magkaka-anak. NOON. Ako ang babae kaya alam kong mas masakit 'yun. Ikaw ang magbibigay ng anak pero wala kang kakayahan. Hinusgahan niya ako agad. Hindi ko matanggap 'yun.
Na ang lalaking sobra kong minahal at mahal ay gaganunin nalang ako matapos ang mga bagay na pinagdaanan namin.
Mahirap tanggapin.
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
KurzgeschichtenSeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!