Chapter 10
"Kung anong ikinamatay ng kapatid niya... Kung anong ikinamatay ng kakambal ni Alden..
May butas ang puso niya,"
Dumulas na ng tuluyan ag hawak ko. Ramdam kong nanginginig ag buo kong katawan kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
"M-matagal na po ba niyang alam na m-may s-sakit siya?" lakas loob kong tanong. Gusto kong malaman ang punot-dulo ng lahat ng nangyayari sa buha ko, sa buhay ni Alden ay ni Zero..
"Matagal na," lalo pang lumakas ang pagpatak ng luha ko.
"Bakit? B-bakit hindi niya sinabi sa akin?"
"Natatakot siya.. Natatakot siyang mapaaga ang paghihiwalay niyo." tinignan ko pa si Tito Lloyd ng matang nangungusap. Matang gustong sabihin sa kanya na ituloy niya lahat ng sasabihin niya..
"2 taon lang.. 2 taon lang ang binigay ko sa kanyang panahon para makasama ka... Pag-tapos ng 2 taon na yun pupunta kami sa states at dito siya icoconfine dahil sa sakit niya." inilayo ko ang tingin ko sa kanya saka nag-salita.
"Anong kinalaman niyo sa utang ni Tita Ann na binayaran niyo? Bakit niyo binayaran yun? Ano yung sinasabi nilang dahil sa inyo kaya kami nagkalayo ni Alden ha??" kinagat ko pa ang lower lip ko para pigilan ang panginginig ng katawan ko at pag-hagulgol.
"Ako na ang nag-bayad ng utang nila Ann sa Mommy mo.. Kapalit non ang paglayo ni Alden. Iiwasan ka niya kahit anong mangyari. Ipagtatabuyan ka niya kahit pa anong sabihin mo." napatayo na ako sa pagkakataong ito. Alam ko ng ganito ang mangyayari. Alam ko na ganito ang sasabihin niya pero bakit ganon?
Masakit pala marinig sa kanya mismo kung paano ako sobrang nasaktan noon.
Masakit palang malaman na may kumontrol ng buhay mo kaya ka nasaktan.
Para nila akong pinagkaisahan. Pinagkaisahan...
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!