Chapter 10 (Season 2)
HA? ZERO?
Napatingin ako sa babaeng nasa likod ko. Meron pa ngang nakaharang na malaking puno sa gitna naming dalawa. Nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya, pero she looks so familiar to me....
Nang haharap na siya may kinauupuan ko sa ilalim ng malaking puno...
"Ays! Bakit ko ba gustong makita ang mukha niya? Ano naman kung marinig ko ang pangalang ZERO? Sa dami-dami ng may ganung pangalan..." kaya tumalikod na ako at hindi ko na inabala ang babaeng nasa likod ko. Naramdaman ko din na umalis na siya. At ako nalang ang mag-isa dito. Mas maganda. Mas tahimik. Mas makakapag-isip ako ng mabuti.
Saan ako magsisimula? Maaayos ko pa ba lahat? Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa dalawang lalaking mahal ko. Pareho ko silang mahal. Sobra sobra. Una, mas may karapatan si Alden dahil asawa niya ako at dinadala ko ang anak niya. Anak namin... Pangalawa, si Zero ang nandiyan sa tabi ko ng nawala sa tabi ko si Alden.. Siya ang nakaalalay nung panahong sobrang nahihirapan ako. Nahihirapan sa mga nangyayari at sa kalagayan ko dahil nga buntis ako. At higit sa lahat, Zero is my first love.
Pero mas mahalaga pa ba yun? Kung sino ang first love? Hindi naman na. Pero hindi ko alam kung anong nangyari sa puso ko. Kung bakit ganito, kung bakit dalawa ang laman ng puso ko. Sino bang mas karapat-dapat??
Tumayo ako saka ako nagsimulang maglakad lakad sa damuhan. Para ako nasa paraiso kung hindi lang sana sa mga nangyayari. Kung hindi lang sana ako nandito sa sitwasyon na ito. Paniguradong na-iistress na din pati ang anak ko sa loob ko. Lahat yata kasi ng problema iniisip ko.
Hinawakan ko ang tiyan kong medyo maumbok na. "Anak, sorry ha? Nadadamay ka pa sa mga problema namin ng Daddy at Tito mo. Hindi ko na alam ang gagawin..." hindi ko man marinig ang opinyon ng anak ko, damang-dama ko naman ang pag-sipa niya. Siguro senyales na parati lang siyang nandito sa tabi ko. Siguro nagkaka-wrinkles na din ang baby ko dahil sa mga stress na dinadala ko sa kanya. Hahaha.
"Hmmm, ang laki ng kasalanan ko kay Alden din.."
Paano ba naman kasi, asawa ko siya pero naging boyfriend ko ang kapatid niya. At hindi lang 'yun. May nangyari pa sa pagitan namin. Oo, ginusto ko 'yun pero bakit may nararamdaman akong pagsisisi sa loob ko? Parang may mga boses na sumisigaw at sinasabing ang tanga-tanga ko. Mababaliw na yata ako.
"Anak, kapit ka lang ha? Malalagpasan din natin itong lahat. Pangako ko sayo 'yan..."
Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko tsaka idinial ang numero ni Manong. Kailangan ko ng magpasundo dahil marami akong gagawin na mas makakabuti sa lahat at higit sa lahat, sa anak ko.
---
Pagkarating ko sa bahay, dali-dali akong umakyat sa kwarto ko saka ko inayos lahat ng gamit ko. Lahat ng mga kailangan ko, at pati ang ticket kong matagal ko ng itinatago. Tinatago ko yun para sa mga ganitong dahilan.
"Anak, siguro naman magiging okay na tayo diba? Mas makakabuti ito sa lahat, mas makakabuti ito sa nakakarami." bumuntong hininga ako saka ko tinignan ang buong kwarto ko. Mamimiss ko ang lugar na ito. Ang park. Ang buong bahay. Ang rest house ni Alden at Zero.
Kailangan kong gawin ito para sa ANAK KO.
~
EPILOGUE WILL BE POSTED SOON.
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Historia CortaSeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!