EPILOGUE~

322 10 3
                                    

Epilogue

**

"Gosssh! Bakit kayo hindi nag-sabi ni Zero na babalik na kayo?!" natawa naman kami ni Zero sa pag-iinarte ni Mark.

"Bakit? Kapag sinabi ba namin na uuwi kami eh magpapa-welcome party kayo sa amin ha??" pagtataray ko. Namiss kong tarayan si Mark. Nakakamiss sa pilipinas. 2 taon din akong nawala dito..

"Tama lang palang hindi niyo sinabi.." natawa ang lahat ng nandito sa bahay. Mabuti nalang at napapunta nila Mommy at Daddy ang mga kaibigan ko. Pasalamat talaga ako na hindi nila inisip na uuwi kami ni Zero.

"Wait! Kayo na ba ulit ni Zero ha??" pamang-intrigang tanong ni Mark sa amin. Ngumiti lang kami parehas ni Zero. "Kyaaaaaahhhhh! Kayo pala ang nagkatuluyan ha! My God!!" tumili-tili pa sila Mark,May at Pia.

Nagkibit-balikat lang kami sa pinagsasabi ni Mark. Masyado talaga 'tong baklang 'to. Kahit malandi, mabait talaga at nakakatuwang kasama.

"I miss you Dad! Mom!" niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit..

"We miss you too!" sabay na sagot ni Daddy.

--

"Cess, pwede ka bang makausap?" pumayag naman ako. Pumunta kami ni Zero sa pool side saka namin ibinabad ang dalawa naming paa..

"Pakinggan mo sana lahat ng sasabihin ko ha?" tumango naman ako. "Huwag ka munang mag-salita. Hayaan mo muna ako mag-salita ha?" tumango ulit ako.

"Sorry.. I'm very very Sorry sa lahat.. Nung 2nd Anniversary natin alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo.. Sinigawan pa kita at naging cold ako sayo nung araw na yun.. Iniwan pa kita dun sa parking lot kahit nakikita kong sobra kitang nasaktan.."

"Nung panahong lagi na akong absent sa school non, nasa bahay lang ako at laging nakahiga sa kama. Ni hindi ko magawang kumain dahil iniisip ko yung kalagayan mo. Baka anong gawin mo sa sarili mo dahil sinaktan kita at iniwan... Ang dami kong naging kasalanan no? Pinaiyak kita. Halos magkasakit ka na ng dahil sa akin at minsan wala ka sa sarili mo dahil sa kakaisip mo sa akin."

"Nung mga panahong pinapasaya ka ni Alden.. Nasasaktan ako nun. Gusto ko sanang ako ang magpasaya sayo kaso ano? Paano ko gagawin yun kung dahil sa akin kung bakit ka nasasaktan ng sobra.."

"Lahat ng sinabi sayo ni Alden ng araw na mag-confess ka sa kanya hindi totoo lahat yun. Yun ang inutos sa kanyang sabihin niya sayo."

"Ipinagtutulakan ka niya sa akin dahil yun ang gusto ko. Gusto ko sa akin ka. Ako ang mamahalin mo kaya sobrang saya ko na lahat ng hiniling ko ay nangyari. Minahal mo din ako. Naging masaya tayong dalawa.."

"Isina-uli ko pa ang regalo mo sa akin nung Anniversary natin. Pictures natin dalawa yun.. Ginawan mo pa nga ng kwento yun kung paano tayo naging mag-ON. Naalala ko pa nung nililigawan kita nun. Pinasayaw mo pa ako ng pinasayaw kahit alam mong hindi ako marunong nun. Pinapakanta mo pa ako kahit sintonado ang boses ko. Hanggang isang araw napasagot kita. Takteng deal yan, alam kong mabilis kang kiligin non kaya gumawa ako ng deal. Naaalala mo yun diba? Na kapag nag-blush ka kahit isang beses magiging Girl friend kita.. Kung hindi lang ako nagpaturo kay Alden nun ng mga pick-up lines siguro hindi kita mapapa-blush.. Siguro hindi kita magiging Girl friend.."

"Isang linggo bago mo matanggap yung Album naka-alis na kami papuntang states.. Pinasadya ko talagang isang linggo makalipas bago ko ibigay sayo para hindi mo na ako makita at hindi mo na ako mapigilang umalis. Kapag nakita kita alam kong hindi na ako tutuloy sa States."

"Si Papa ang nag-utos ng lahat kay Alden.. Si Papa lahat ang gumawa ng plano.."

"Pinipilit ka ni Alden na lumayo sa kanya.. Dahil gusto na niyang kalimutan ka. Gusto na niyang mapunta ka sa akin para maging masaya daw ako bago ako mawala..Mapasaya man lang niya ako."

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon