Chapter 8
Hindi na ako nag-paalam sa mga kaibigan ko. Basta ang importante sa akin ngayon ay makapunta ng States.
Malaki ang states pero lahat gagawin ko mahanap lang ang pamilya ni Zero.. Gusto kong maka-usap siya.
"Sigurado ka na ba?" tanong ni Daddy. Alam kong nag-aalala sila sa biglaang paglipat ko at pagpunta sa States. Hindi naman nila alam na alam ko na ang napag-usapan nila.
"Yes Dad," huminto ako sa paglalakad. "Dad, thankyou. Alam kong bawal ng lumipat ng school pero nagawa niyo. Thankyou so much Dad. Mamimiss kita.." niyakap ko pa ng mahigpit si Daddy.
"Babalik din ako.. I promise," tuluyan na akong naglakad para makasakay na ng eroplano..
--
"This way Ma'am.. Ako po ang pinagbilinan ng Daddy niyo na mag-asikaso pa ng iba niyong kailangan." dinala niya ako sa 6th floor ng Walt Condominium. Dito ako titira habang nandito ako sa States.
"Kumpleto na din naman po ang mga gamit niyo dito. Dito po kasi tumitigil ang Daddy niyo kapag may mga kailangan siyang asikasuhin dito sa States," tumango naman ako. Inilapag ko ang mga gamit ko sa couch na nandito. Blue and Green ang motif ng buong unit. "Pati po yung ref niyo diyan ay puno na din po ng stocks." tumingin naman ako saka ngumiti.
"Sige na, ako ng bahala dito.."
"Eh Ma'am.. Sabi po kasi ng Daddy niyo tulungan ko kayong mag-ayos ng gamit niyo."
"No need," tumingin pa ako sa paligid ko. May mga paintings. "Kaya ko naman ng gawin yun, saka ayoko ng may ibang makakakita ng gamit ko. Okay lang naman siguro sayo yun diba?"
"A-ah, o-opo. Sige po, mauuna na po ako. Tawagan niyo nalang ako kapag kailangan niyo 'ko." binigyan ko lang siya ng isa pang tango. Alam na niya ang ibig kong sabihin..
--
"Yes Dad,"
"Yeap, maganda nga dito eh.. May mga paintings pa at you really love nature ha, color blue and green talaga ang kulay.."
"Mukhang mag-eenjoy ako sa stay ko dito Daddy."
"Okay,okay. Ibababa ko na po, magpapahinga lang po ako. Yup, sa bank account ko nalang po. Bye!"
Talagang nag-aalala si Daddy sa akin. Sino ba namang hindi? Daddy's girl ako eh! Hahaha.
Kapag nakapag-pahinga na ako siguro naman pwede na akong lumibot dito. Ang aliwalas dito.. Hindi ganun kainit ang araw kaya hindi din nakaka-epekto sa balat.
"Miss?" napalingon ako sa kumalabit sa akin. Mukhang filipino din katulad ko.
"Yes?"
"Are you a filipino?" gusto ko na ng mamasyal kaso istorbo naman 'to.
"Yeah.." walang gana kong sagot. Atat na atat na kasi akong mamasyal dito.
"That's good! You can join us!" mukhang kasing edaran ko lang ang mga 'to. Tinuro pa niya ang mga kasamahan niya.
"No, no, no.. I can tour myself here.. Thanks for the offer," tumalikod na ulit ako at nagpatuloy sa pamamasyal.
Malinis dito.. Ang daming nag-kalat na buildings. Madami ding malls at restaurant.
Pumasok ako sa isa sa mga Mall dito, maganda pala kapag may promo sila. Mabababa lang ang price at pwede kang bumili ng napaka-dami.
Kaso wala naman akong kailangang bilhin dahil kumpleto na ang mga gamit ko sa condo. Napag-handaan talaga ng mabuti.
-
4PM na dito ng maka-uwi ako sa condo unit ko. Sa pilipinas ay 4AM. Mga tulog pa ang mga tao kaya hindi ko matatawagan si Daddy. Bawas gastos na din dahil naka-viber ako.
Nagpa-deliver lang ako ng pizza para sa meryenda ko. Wala naman akong ganang mag-luto dahil pagod ako sa kamamasyal ko..
Binuksan ko ang TV na nasa harap ko. Puro pilipinong palabas ang meron dito, ito ata yung GMA pinoy TV, nahuhuli pa lang ipalabas dito yung mga naipalabas na sa pilipinas. Katulad nalang nung Temptation of Wife... Ilang beses ko na itong napanood kaya pinatay ko nalang ang TV,
**
Dahil sa dami kong pinasyalan kanina nakalimutan ko ng ipahanap si Zero kung nasaan man siya..
Tatawagan ko nalang ang secretary ni Daddy para matulungan niya ako..
(Hello po Ma'am? May kailangan po ba kayo?)
"Oo sana, hindi ka ba busy??"
(Hindi po, bakit po?)
"May kilala ka bang investigator? O meron bang private investigator si Daddy?"
(Meron po Ma'am.. May ipapagawa po ba kayo?)
"Oo, gusto kong ipahanap sa kanya si Zero Xhinn Jacinto.. Nandito din siya sa States pero hindi ko sure kung saang lupalop ng states siya naroon. Gusto kong malaman kung nasaan siya."
(Sure Ma'am.. Yun lang po ba?)
Tumango naman ako na para bang nakikita niya ang ginagawa ko. "Oo yun lang, thanks." pinatay ko na ang call.
Akala ko ganun kadaling ipahanap si Zero.. Lumipas na ang dalawang buwan pero wala pa ding balita tungkol sa kanya.
Hindi ko alam kung alam ba nilang pinapahanap ko sila.. Hindi ko alam kung pinag-tataguan ba nila ako. Mas mahirap pa sila sa daga kung hulihin.
Ilang buwan pa ba ang lilipas? Naiinip na ako.
Hanggang sa isang araw, nakatanggap na lang ako ng tawag.
(Room 1048, 7th floor of St.Francis International Hospital)
"Thankyou," binaba ko na ang telepono.
Kaya pala ang hirap nilang hanapin dahil nasa hospital sila. Isang sikat na ospital.
'Inatake nanaman ba sa puso si Tito Lloyd?' sa isip-isip ko.
Pinuntahan ko na ang nasabing ospital. Gusto ko ng makausap si Zero tungkol dito dahil nasisiguro kong may alam siya. Mababaw lang ang rason ko pero hindi ako mapakali kapag hindi ko nalaman ang mga tunay na nangyari.
Gusto kong malaman kung bakit sila ang nag-bayad ng utang ng Nanay ni Alden.
Kung anong kinalaman nila kung bakit ako iniwasan noon ni Alden...
Kung bakit ako iniwan ni Zero ng ganun-ganon nalang.
May parte din sa akin na namimiss ko siya ng sobra.. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Nakatungtong na ako sa palapag kung nasaan ang kwarto ni Tito Lloyd. Gusto ko ding alamin kung anong kondisyon niya.
Nang tumapat na ako sa kwarto kung nasaan sila humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko pihitin ang door knob.
Alam kong magugulat sila kapag nakita nila ako.
Pero hindi ko inaasahan ang nakikita ko..
"Z-zero," siya ang naka-higa sa puting kama. Nakumpirma ko lalo na siya iyon ng magulat siya ng makita ako.
Nabitawan niya kasi ang isang litrato.
Mukhang iniiyakan niya ang litratong nabitiwan niya...
At ako ang laman ng litratong iyon....
(Picture ni Cess on the side. Ayan yung nasa airport siya..)
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!