CHAPTER 4 Season 2

188 7 0
                                    

Chapter 4 (Season 2)

"Ayun oh! Ang cute!" turo ko sa isang baby dress.

"Oo nga! Cute nga 'yan.." kinuha niya ang tinuro ko. "Unisex naman ang domo diba?" umoo ako dahil tama siya.

Ngiting-ngiti ako habang tinitignan ko ang mga baby stuffs sa baby section ng department store. Nakakapit pa ako sa braso ni Zero.

Dapat ako lang magisa ang bibili dito pero mapilit si Zero at gusto niyang isama ko siya. Ayaw niyang ako lang magisa ang pupunta sa mall dahil baka daw may mangyaring masama. Kinikilig nga ako kay Zero dahil sa pagiging caring niya sa akin at sa baby na hindi naman kanya kung hindi sa half brother niya.

Aaminin kong natutuwa ako sa mga ginagawa ni Zero para sa akin at sa baby ko, oo inlove pa din ako kay Zero pero hindi na tulad ng dati.. Ngayon kasi wala pa sa kalingkingan ng pagmamahal ko kay Alden ang nararamdaman ko kay Zero..

Si Alden pa din ang nangingibabaw kahit na iniwan niya ako at ipinagpalit ng ganon kabilis. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga annulment papers.

Isa lang naman ang ibig niyang sabihin dun eh, gusto na niya akong mawala sa buhay niya. Gusto na niyang mawala ang naguugnay sa aming dalawa. Gusto niya na akong kalimutan..

Pero naisip ko din na kahit anong gawin niya ay hindi kami mawawalan ng komunikasyon. Mawala man ang pinanghahawakan kong marriage namin ay alam ko namang may isa pang mas naguugnay sa aming dalawa at 'yun ay ang nilalaman ng tiyan ko. Dugo't laman naming dalawa 'to.

"Ayos ka lang ba?" naputol ang pagiisip ko ng iniharap ako ni Zero sa kanya. "Nahihilo ka ba?" kinapa-kapa niya ang noo ko.

"H-hindi, ayos lang ako." ngumiti ako ng pilit. Bakit ba bigla-biglang pumapasok sa isip ko si Alden?

Ngayon naguguluhan ako. Pipirmahan ko ba o hindi?

Pero may pride pa din naman akong natitira.. Kapag pinirmahan ko 'yun malaya silang makakapagpakasal ng babae niya at gagawa sila ng mga sariling anak nila, kaya ko ba 'yun? Hindi ko maatim na mangyari 'yun pero kung hindi ko pirmahan at balewalain ko? Para ko namang tinanggap na may kabit siya at okay lang sa akin 'yun... Kaaawaan ako ng lahat dahil sa pagiging tanga ko.

Gulong-gulo na ako. Aasa pa ba ako na maaayos namin 'to? O aasa ako sa wala? Ang hirap magdesisyon.

Pero sa ngayon ay ayoko na muna siyang makita pa, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nakita ko siya. Paano kapag nalaman niyang buntis ako sa kanya tapos balikan niya ako.

Magiging masaya ba ako dahil bumalik siya sa akin o malulungkot dahil binalikan niya lang ako dahil may ANAK kami at wala ng iba.

Hindi ko na talaga alam. Ang komplikado ng lahat. Dati akala ko puro masasayang bagay nalang ang dadanasin ko ng makasal kami ni Alden peeo hindi pala. Daig ko pa ang binabangungot sa mga nangyayari sa akin. Sarili ko pang asawa ang bangungot ko.

"Ang putla mo," inakay ako ni Zero para makaupo. "Magpahinga ka na muna dito ha? Babayaran ko lang ang mga 'to." umalis na siya para bayaran lahat ng pinamili ko.

Kung alam ko lang na hindi 100% accurate ang mga Pregnancy test siguro hindi humantong ang lahat ng 'to ngayon. Kung 100% lang na totoo ang lumabas dun ay dapat sana na hindi ako iniwan ni Alden. Nangyari na, ano pa bang magagawa ko?

"Cess," lumingon ako sa taong tumabi sa akin.

Napaatras pa ako sa lapit ng mukha niya. Mahabang buhok, pumayat siya, parang hindi pa nag-ahit ng bigote. Para siyang...

"Anong ginagawa mo dito?!" itinayo ako ni Zero palayo kay Alden..

Hindi siya pinansin ni Alden, tumingin siya sa akin.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon