CHAPTER 7

249 11 2
                                    

Chapter 7

"Hindi niyo man lang ako dinalaw sa Hospital.." bungad ko ng maupo na sila sa harap ng lamesa para kumain. Kauuwi lang nila galing Austria.

"Sorry Anak. May business kasi akong inaasikaso eh, alam mo namang hindi pwedeng ipa-reschedule ko yung meeting na yun diba? Say--" tumango naman ako.

"I understand Dad. Pero si Mommy?" tumingin ako sa direksyon ni Mommy na nakaupo lang sa harap ko. "Sasama sayo? Dahil sa business?? Imposible.. Hindi ugaling sumama ni Mommy sa mga ganyan dahil ayaw niyang maging buntot mo Dad. So, bakit hindi mo ako inaasikaso? May iniiwasan ka ba? O tinatago?" hinahamon ko siya.

"Princess Jellishiax Ivana!!" alam ko na kapag binuo na ni Daddy ang pangalan ko. Galit na siya. Lumagpas na ako sa limitasyon ko.

"Why Dad? May alam ka rin ba??" mapanghusga kong tanong sa kanya. What's the point of hiding it? Ito ang nararamdaman ko! Para nila akong pinagkaisahan!

"Ano bang pinag-sasabi mo?!" tumayo na si Dad sa pagkakaupo.

"Nothing.." tumayo na din ako. "I'm done, nawalan na ako ng ganang kumain." naglakad na ako pabalik sa kwarto ko.

"IVANA!" sigaw pa ni Dad.

"Masyado mo namang mahal yang pangalan ko Dad. Pinaulit-ulit mo pa.." inismiran ko pa si Mommy bago tuluyang umakyat sa kwarto ko.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang lahat.

***

"May nalaman ka na ba?" tanong ng chismosong bakla.

"Wala pa.. Pero gagawin ko lahat mapa-amin lang si Mommy. Si Alden, alam kong magmamatigas yun kaya hindi ko na pag-aaksayahan ng oras," tumango-tango naman siya. "Tara, balik na tayo sa classroom." nauna na akong tumayo. Gusto ko muna sa classroom kesa sa cafeteria na maingay. Hindi kami makapag-usap ni Mark ng maayos dahil ang iingay ng mga students dito.

"Sayang! Nandun si Ivan sa cafeteria! Kaso, ang mangkukulam ay nag-aya ng umalis. Hindi ko nasulyapan si Ivan habang kumakain siya! Nakakapang-akit! Ako kaya? Kailan niya kakainin? Kyaahhhh! Baka ulit-ulitin niya ako kapag natikman niya ako." ayan nanaman ag bakla. Nangangarap ng gising. Kahit kailan, hindi mangyayari yun nu!

"Hindi ka niyan papatulan... 'Wag ka ngang ambisyosa.." inirapan ko pa siya.. "Nangangarap ka ng gising, kung ako sayo 'wag ka ng mangarap dahil baka bangungutin ka lang diyan. Hahaha." natanggal agad ang mga nagniningning niyang mga mata dahil sa kaka-ngarap ng walang kwentang bagay.

When God writes my Love story..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon